webnovel

Can’t Help Falling In Love (taglish)

I can’t help falling in love with the same person who I can’t remember three years ago. - Damien Sevilla

cutiesize31 · Celebrities
Not enough ratings
8 Chs

Chapter 7

Hanggang sa makauwi kami ay iyon pa rin ang laman ng isip ko.

Di ako maka get over!

"So ano na ang balak mo, bakla? Nagkita na kayo ni fafa Damien kaso di ka pa rin nya knows"

Nag iisip pa rin ako ng paraan kung paano sya makakaalala. Ano ba ang pwede 'kong gawin?

"Huy gaga! Kanina pa ko nagsasalita rito pero your not listening to me naman pala! Hay nako! Sakit mo sa bangs, bakla!" Sabay hawi sa invisible bangs at invisible long hair nya

"Wala kang bangs gaga"

"So? Figurative yung means ko dun. Tsaka nakaisip na me ng paraan kung paano ka maaalala ni fafa Damien!"

"May silbi ka naman pala. Paano?"

"Why don't you kulit kulit him again? Like gawin mo ulit yung mga ginawa mong kagagahan noong college tayo. Magpaka tanga ka ulit ganorn"

"Maghahabol ako ulit sa kanya? Mangungulit? Dadalhan ng fave foods? Tatadtarin ng chats? Baka hindi nya na ako pansinin nyan dahil iba na ngayon, bakla. Doctor na sya kaya hindi nya ako pagtutuunan ng pansin gaya noon"

"Bakit? Dati rin naman ganyan ah! Todo aral sya para maging doctor tapos dinidistract mo crush mo. Tama ba yon?? Kaya ka nakakagalitan ni fafa Damien eh hahahaha"

Ang totoo nga nyan ay para sa akin ay hindi ako nanggugulo hehe.. ako pa nga ang supplier ng pagkain nya kapag nagrereview sya. Nagsesearch nga rin ako ng mga inaaral nya tapos gagawan ko sya ng reviewer para ibigay ko sa kanya. At kapag naman may basketball game sya, aba! Handang handa ang pinaka magandang cheerleader nya! With matching banner at balloons pa! Minsan nga sumayaw pa ako tsaka sumali sa cheering squad para lang masuportahan sya.

Pero sa huli.. galit na galit sya sa akin dahil isa raw akong malaking distraction dahil sa sobrang kulit ko. Napaka desperada ko at habol nang habol sa kanya.

Super nahurt ako nun kaya nanahimik na muna ako ng halos isang buwan. 1st week, naging busy ako sa exam week; 2nd week, pinagpatuloy ko na pagsali sa cheering squad kasi narealize ko na masaya naman pala; 3rd week, absent ako nyan kase nilagnat ako sa sobrang pagod dahil pinagsabay ko yung volleyball, cheering, pag aaral, at kung minsan ay naulanan pa ko dahil sa umuwi ako ng walang payong; 4th week, busy ulit at may time nga na nakakasabay ko si Damien sa court para magpractice pero dedma ko lang sya luh.

Then after a month, pinuntahan nya ako sa room namin para mag sorry. Nung una hinayaan ko lang sya pero dedma pa rin. Pero nung nasa court na kami para mag practice, shuta kinantahan ako ng "sorry na"

Since marupok ako, pinatawad ko sya yiieeee

"Ay bakla. Kakausapin ko na ba ang iyong personal doctor na madalas ka na pupunta sa hospital para sa medical mo? Diba sinasabihan ka na nun lagi kaso ikaw 'tong makulit, tanggi nang tanggi"

"Oo na. Aattend na kamo ako ng session everyday"

May session din ako na inaartendan dahil nang mangyari ang accident, nagkaroon ako ng trauma kapag nakakita ako ng car accident o kaya kapag may nagpaputok ng baril. Kaya nga kapag new year, nagkukulong ako sa sound proof 'kong kwarto na pinagawa nila mom sa ibang bansa nang manirahan kami doon.

Kinabukasan ay napagdesisyunan ko na magbake ng Mango Bravo cake. Paborito namin 'to dati ni Damien. Lagi ngang ito ang hindi nawawala sa handaan namin kapag may nagcecelebrate kami together. Kaya naman habang nasa New York kami ay pinag aralan ko talaga 'to para hindi na ako bumili kapag nag crave ako sa ganito.

Pumunta na lang ako sa hospital at syempre kasama pa rin si bakla. Partner in crime ko to kaya kapag napahiya ako mamaya, damay sya.

Pumunta kami agad sa information desk para tanungin kung anong floor ang office ni Damien. Sinagot naman nila kami pero hindi pumayag na pumunta doon kapag walang appointment.

So no choice kundi ipabigay na lang yung cake na dala ko sa secretary nya.

Syempre, I left a note there.

Sinulat ko doon na that cake is from his secret gorgeous admirer hihi.. and i also left a handwritten cellphone number. Because i'm just a one call away if he needs someone na makausap ganorn.

Kapag talaga ito nagtext! Lalandiin ko na re like before para makaalala na hahahaha

Nang maipadala na ito ay pumunta na lang kami sa doctor ko. At kung sinuswerte ka nga naman. Dito pa napadpad si Dakter Damien ku after my session.

Hawak nya ang isang box na may lamang cake. Galing sakin yun brad!

Pumasok sya sa office nitong Doctor ko. Syempre umalis na rin kami pero saktong nasa labas pa lang kami nang tumunog ang cellphone ko.

Pagtingin ko dito ay may unknown number na tumatawag.

"Bakla, i saw fafa damien na hold nya phone nya. Buking na ang first plan natin tanga"

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

cutiesize31creators' thoughts