webnovel

Can’t Help Falling In Love (taglish)

I can’t help falling in love with the same person who I can’t remember three years ago. - Damien Sevilla

cutiesize31 · Celebrities
Not enough ratings
8 Chs

Chapter 1

Panibagong araw na naman ang lumipas...

Nakahiga ako ngayon sa kama ko at nakatulalang nakatingin sa kisame ng aking kwarto.

Ilang taon na rin ang dumaan pero hanggang ngayon ay nananatiling nasa isipan ko si Damien.

Si Damien ang taong mahal ko at mahal na mahal ako pero dahil sa isang trahedya na nangyari noon ay nagkalayo kami.

Walang oras na hindi ko sya naalala.

I miss him so much!

I hugged my pillow tightly.

He gave me his pillow dati para daw kapag wala sya ay parang mayayakap nya ako hanggang pagtulog.

I stared at the picture frame na nakapatong sa bedside table ko.

It's our first anniversary together and our graduation day picture. Dalawa ito since magkaiba kami ng graduation day. Mas nauna akong makagraduate at sya naman ay matagal dahil Doctor/med ang kinuha nyang course.

Kinuha ko iyon at hinaplos ang litrato ni Damien.

I love you so much, Damien.

Gusto kong umiyak pero pagod na ang mata ko.

Niyakap ko na lang ang litrato namin saka ibinalik sa table bago bumangon. Tumayo na rin agad ako para gumayak dahil pupunta ako ngayon sa hospital.

I'm not a Doctor.

Kailangan ko lang magpacheck up dahil sa natamo ko noong nangyari 3 years ago.

I recovered from it but kailangan pa rin mamonitor.

Naalala ko tuloy ang mga nangyari noon...

~FLASHBACK~

"Love, what's happening?" tanong ko kay Damien dahil biglang bumilis ang pagmamaneho nya.

"Baby, hold on. May sumusunod satin" she holds my hand tight pero agad nya itong binitawan dahil mas binilisan pa nya ang pagmamaneho.

Maya-maya rin ay nakarinig kami ng putok ng baril.

"Ohmygod! Damien!"

"Matatakasan natin sila..magiging ligtas tayo. I promise, baby" he smiled at me na syang ikinahinga ko ng maluwag

Ang mga taong humahabol samin ay ang taong gusto akong makuha.

Nitong nakaraan ko lang kasi nalaman na matagal na pa lang gustong kumuha sakin dahil sa maimpluwensya kong pamilya. Marami silang kalaban sa business world at ang hindi ko inaasahan ay may sobrang galit sa pamilya namin.

Hindi ko rin akalain na ang gustong kumuha sakin ay gusto akong ipakasal sa anak nya na kasing edad ko lamang.

Hindi pumayag ang mga magulang ko dahil may boyfriend na ko, and that's Damien Sevilla.

Maimpluwensya din ang pamilya ni Damien kagaya ng pamilya namin pero hindi ito sapat para maproteksyunan ako. Masyado dangerous ang mga taong ito. And it's Samaniego. I didn't expect na nakalaban ito ng mga magulang ko sa isang business. Napakalaki kasi sanang tulong ang Europian investor kung makukuha nila iyon pero mas nakuha ng Echavez Corp. ito. At ang pinaka hindi ko inaakala ay mga mga illegal business pala ito kaya maraming kapit at mas delikado.

"F*ck! Nasaan na ba ang bodyguards natin? Pati ang mga securities na ipinadala ni dad at ni tito? I can't handle this alone!" sigaw ni Damien na syang nagpabalik sakin mula sa iniisip ko. Nang tingnan ko ang mga sumusunod samin using the side mirror, nahahabol na nila kami at hindi lang dalawang van ang gamit nila, mukhang paparami pa.

"I'll try to contact them" agad kong kinuha ang cellphone ko sa black sling bag na dala ko

Tinawagan ko si Dad. At mabuti na lang ay sumagot ito kaagad.

"Hello?"

"Dad!"

"Madelaine! Where are you? Kasama mo ba si Damien?"

"Dad, may sumusunod samin. I think it's the Samaniego. Nasan na ang bodyguards namin?"

"They're on their way, Madelaine. Papunta na rin kami ng Tito Clyde mo"

"Take care, dad"

"Take care to the two of you. I love you, my princess"

After that, i ended the call

"Anong sabi nila?" tanong agad ni Damien

"Papunta na raw sila" napatango ito saka nag focus muli sa daan

Medyo malayo-layo na ang sumusunod samin pero napakabilis pa rin ng pagpapatakbo ni Damien

"Love, I think they're already gone. Can you please slow down?"

"Baby... i-i c-can't"

"What?!"

"The brake...it's not working"

"Sht! No!!" Humarap ako sa daan na tinatahak namin pero nanlaki ang mata ko na mapuno na ito at mukhang malayo na kami sa siyudad. At kung hindi pa babagalan ni Damien at paniguradong maaaksidente na kami anytime

Huwag naman po sana...

"L-love.."

I saw a big rock na nakaharang sa daan. We have no choice na bumangga dito dahil kung iiwasan man namin ito, mahuhulog kami sa bangin.

Nakarinig din ako ng putok ng baril at nanlaki ang mata ko dahil malapit na sa gawi namin ang mga humahabol sa amin kanina.

We're trapped!

"Baby, I love you" agad nyang iniliko ang sasakyan saka ako niyakap.

Mas pinili nyang sa gawi nya ang impact imbis na sa akin. But before I closed my eyes, I heard a gunshot.

Then everything went black...