webnovel

C.C'S DIARY (Tagalog)

xxAstraea_Milieuxx · Teen
Not enough ratings
8 Chs

Chapter 5

Mali 'yung unang chapter na na-i-post ko!!! Nakakaloka, sa isang story ko po iyon. Anyway eto na ang totoong chapter 5!

~~~ ★★★ ~~~

And though she tries to hide the love that she denied

Wouldn't you know it, she wouldn't show it

~~~ ★★★ ~~~

CELESTINE

The game we had on Benedict's house was fun. May plus pang bisita. Actually, hindi talaga siya bisita. Parte din siya ng pamilya although palagi nga lang siyang wala. Si Migz.

Ayaw niyang magpatawag ng 'Kuya Migz' dahil nakakatanda daw.

Muntik pa silang magsuntukan ni Alex dahil kinuha ako ni Migz mula sa pagkakabuhat nito sa akin. Ayaw magpatalo ni Alex sa Kuya niya ever since. He always felt in competition with Migz. His older brother.

Nasapo ko ang aking noo nang may marinig na pumasok sa aking kwarto kasama ng mahinang pagtawa. Nasundan ito ng paglundo ng aking kama, I looked at the person who's now rolling back and forth on my bed.

"Gigil talaga sa'kin si gago..." mahinang bulong nito saka natawa.

"Migz, pwede bang 'yung kwarto mo na lang ang guluhin mo?" pakiusap ko, madalas niyang asarin si Alex at pagkatapos ay dito tatakbo sa kwarto ko, at dahil ayaw patalo ni Alex, susundan niya si Migz dito and they will fight in my room.

"Hayaan mo 'yun, mapapagod din si Lex.. I know him, hindi 'yan sanay na pinapahirapan. Kapag nahirapan 'yan, aayaw agad" umiling na lamang ako, Alex is better than that.

"Kumusta ka na nga pala? I've been here for almost 2 weeks and yet I haven't talked to you ng maayos because of my brother.. matatapos na lang ang vacation ko dito sa Pilipinas"

"I'm all good. Maayos naman ang school and everything in here.." ika ko, itinabi ko ang aking notebook sa drawer and locked it.

"Are you still having those nightmares?" that shut me up for a while. Those nightmares. Maybe, hindi na sila lalayo, maybe they'll forever haunt me "—How's your fight with your monsters?" his voice is now filled with worry.

Isinandal ko ang aking likod sa swivel chair at tumingin sa bintana na para bang may tinatanaw ako roon, kahit na wala naman akong nakikita maliban sa dilim ng gabi.

"I'm done fighting them, Migz..." huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata. "... I'm done and tired of fighting those monsters, so I just lived with them, everyday" hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtalim ng kaniyang paningin sa sinabi ko "...Every night, they come crawling in my dreams, haunting me... isinasama nila ako"

"Celestine, I told you na sumama ka na sa'kin sa US.. we can search for better medication there" umiling ako. Ayokong umalis, paano na lang si— "Is it about Alexis? Hindi mo talaga siya maiwan, ano? Crush na crush mo e"

Nakaramdam ako ng pagbara sa aking lalamunan. I tried acting like he just told the most stupid joke, yet, it was the most hurtful truth.

"Lul. Paano naman nasali sa usapan si Alex?" tanong ko. "Naku ha, ginagamitan mo na naman siguro ako niyang mga natutunan mo sa US ano? Wag ako, Migz" nailing naman ito saka naglapag ng isang botelya na maraming laman na gamot.

"Deny pa more. Here..." binasa ko ang label, Amitriptyline. "I've got prescription from a friend, it'll help you during those sleepless nights, but please, Celestine, for the love of God—"

"I know, I know.."

"What? Tell me, Celestine... I want to hear it from you"

"I-I won't overdose... again" he was about to say something nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Ang hinihingal na si Alex ang bumungad sa'min. My mind went on alert mode, pasimple kong itinago ang gamot na bigay ni Migz.

"Alex!" sita ko sa kaniya, matalim ang tingin niya sa aming dalawa ni Migz. Walang salita na hinawakan nito sa braso si Migz whose playful smile is back on his lips. Isinara nito ang pintuan.

Jusko, narinig niya ba ang pinag-usapan namin ni Migz? Sana hindi. Hindi na niya kailangang malaman pa.

~~~~~~~~~~~~

"Mommy, ang ganda po talaga ng regalo ninyong damit ni Daddy, salamat po!" I am smiling from ear to ear habang yakap ang dress na bigay nila ni Daddy, "Ipapakita ko po ito kay Alex para matulala na naman siya sa ganda ko"

"Ikaw talaga, palagi mong inaasar si Alexis" ika naman ni Mommy "… Kapag may nangyaring gulo, sila agad ang pupuntahan mo, okay?" I nod. "Sige na, stay still at nagda-drive si Daddy, madulas pa naman ang daan ngayon"

Tahimik akong umupo at tiningnan ang mga patak ng tubig sa bintana ng sasakyan namin. Nakaramdam din ako ng pagod dahil sa birthday party na pinuntahan namin napakaraming mga bata doon at lahat sila ay gusto akong makalaro, maliban na nga lang kay Alex, palagi itong may supladong tingin sa'kin. Akala naman niya ay maiinis niya ako.

But later on, the dark street was replaced by blue and red colors. Ang tahimik na gabi ay napalitan ng ingay ng mga sirenang kabi-kabila ang tunog.

The last thing I heard was Mommy calling my name. Puno ng dugo ang kaniyang mukha at kitang-kita kong nahihirapan siyang huminga. Inaabot niya ang aking kamay ngunit hindi magpang-abot ang aming mga daliri dahil naipit ako sa aking kinauupuan habang siya naman ay nasa bubong ng sasakyan.

"M-mommy.. I'm scared" tawag ko sa aking ina, I can see her body lying lifeless on the car roof. Nakatingin ang mga mata niya sa'kin. Ibinuka niya ang kaniyang bibig.

"Celestine, come.. come to Mo-mommy.." mahinang bulong niya. Her hands full of blood and shrapnel from our car trying to reach me. I heard a grunt and I looked at my left, nakita ko ang katawan ni Daddy na nag-aagaw buhay na rin.

Nakatingin silang dalawa sa akin na para bang binabantayan ako. Dad tried to speak pero lumabas lamang ang masaganang dugo sa kaniyang bibig na nagdala ng takot sa akin. Ngunit sa kabila noon, nakangiti pa rin siya sa akin.

"D-Daddy! Mommy si Daddy!" iyak ko. "Sasama po ako, don't leave me alone please, I'll go with y- Mommy!" strong hands pulled me out of our car. Gustuhin ko man na magpumiglas, my body is too weak. Pakiramdam ko ay nadurog ang lahat ng buto ko sa katawan.

Nagising ako sa isang masamang panaginip. Well, that's what I prayed for. Na sana, panaginip lang lahat. But I cried to oblivion when I felt the pain all over my body. When I saw an IV on my hand. When I smelled the hospital.

The door flew open at sinalubong ako ng nag-aalalang mukha nina Tita Avery at Tito Max. Agad nila akong nilapitan at chineck ang mga nakatusok sa'kin.

"T-Tita, na-n-nasaan p-po sina M-Mommy a-at Da-Daddy?" I managed to say habang nanginginig. My breathing also hitched.

"Calm down, baby girl" ika ni Tita Avery. "Honey, call the doctor's please, she has to calm down" agad na lumabas si Tito Max. Hinawakan ni Tita Avery ang aking mga kamay, telling me that it's okay.

"W-wala na po sila, tama ba?" nanubig ang mga mata nito habang hawak ako sa pisngi. "It wasn't a dream, right?"

"I'm sorry, Celestine..." iyak nito. That was a confirmation for me. Kasabay ng pagbagsak ng balikat ko, bumagsak din ang mundo ko. Ang buong pagkatao ko.

Unti-unting nawalan ng lakas ang aking katawan hanggang sa maramdaman ko ang malambot na kama sa aking likod.

I lost my purpose. I was alive but barely breathing. Tita Avery took me in and they treat me well. Her family welcomed me with arms wide open... except Alex. Hindi mawala sa isip nito ang mga pang-aasar ko sa kaniya noon.

But I was thankful to him too. Kung itrato niya ako ay parang walang nangyari sa'kin, inaasar niya pa din ako. Unlike his whole family na may nakakaawang tingin sa'kin palagi.

Migz and I get along very well. I found a big brother in him. Nakakalungkot lang na sa dami ng pera na naiwan sa'kin nina Mommy at Daddy, hindi kasama doon ang pamilya. Walang mga kamag-anak ang gustong kumupkop sa'kin.

I choose to hand the company over to Tito Max since wala naman akong alam sa pagpapatakbo nito, I am still a minor. Marami pang mga umaasang pamilya sa amin, ayokong matulad sina sa'kin na nawalan ng pag-asa.

Tito Max agreed pero ipinangako niya rin na ibabalik sa'kin ang kumpanya kapag kaya ko nang i-handle ito. Siya ang nagpapatakbo but the profits are under my name.

Every night, monsters keep on haunting me. It's always Mommy and Daddy. Isinasama nila ako, they want to get me. Something is telling me to go, pero sa tuwing sasama ako, palagi akong magigising at makikita ang nag-aalalang mukha nila.

It's either Tita Avery, Migz, but most of the time, it's always Alex.

He became my sedative. Alex became my last straw of sanity in this world. But he was not alone. Noong una, siya lang ang napapansin ko.. pero hindi nagtagal, nakikita ko na ulit sina Yuan at ang iba pa. Malungkot nga lang because Migz has to study abroad.

Magigising akong hinihingal at yakap ni Alex hanggang sa kumalma ako, he will ask me what's my dream, kapag kalmado na ako, he will tuck me back to sleep.

Isinama ako ni Migz sa kaniyang kaibigan na doctor to have me checked bago siya umalis abroad to continue his studies. I met his friend, who's now a Doctor in Psychology. Dra. Jezreel Sandoval.

She's always giving me sleeping pills to help me silenced those monsters. But there are some intolerable nights, sobrang lala ng mga bangungot ko na minsan nakikita ko na kung nasaan sina Mama.

One time, sa sobrang takot ko, napasobra ang inom ko ng gamot, wala noon sina Tita-Mommy dahil may pinuntahan silang event.

Takot akong mag-isa. I took the pills like 5 times the usual. Gusto ko nang matulog na lang, ayoko nang marinig ang mga pagtawag nila sa'kin. I swallowed those pills up and rested my head on my pillow.

Slowly... Slowly... Nararamdaman ko na ang pagkuha sa'kin ng tulog, I felt dizzy. I was already feeling at peace nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto. Rinig ko ang malalaking hakbang na papalapit, hanggang sa dalawang malakas na kamay ang humawak sa'kin.

"Celest— what the hell?!" sigaw nito, my eyes are already blurry but from the voice, I can tell that it's Migz. Anong ginagawa niya dito? Dapat kasama siya nina Tita-Mommy.

"Tine! Celestine!" tawag nito sa pangalan ko. I badly want to answer pero hindi ko magawa. "—Fuck! Celestine! Please don't die on me! Papatayin ako nina Mommy! I'll bring you to the hospital, hold on please" binuhat niya ako, I wasn't answering but I kept my eyes open.

Mabilis akong nadala ni Migz sa pinakamalapit na hospital. Maswerte daw ako, sabi ng doctor, if Migz was a minute late? I'd be dead now. Kaya naman ayaw na niya akong bigyan ng mga heavy medicine, puro mga antidepressants na lamang which let's me sleep.

~~~~~~~~

"Faster! Ang bagal!"

"Eto na nga po!" sigaw ko, Alex annoyingly smiled at me.

"Buong araw akong nasa practice ngayon, kailangan ko ng alalay, so you'd be with me for the whole day!" I just rolled my eyes on him, "Isn't that amazing?"

"Ha-ha-ha" I faked a laugh. Nauna ito sa kotse habang ako naman ay inasikaso ang mga gamit nito, "Nanay Josie, nandito na po ba 'yung mga bimpo tsaka limang damit at tatlong shorts ni Alex?" tanong ko sa kasambahay namin.

"Oo, Tinetot, nandiyan na... nasa kama na niya lahat kaya hindi na ako nahirapan na ilagay lahat sa bag" nginitian ko naman ito saka napatingin sa itaas kung saan nakatingin din sa'kin si Migz, nakahalukipkip pa ito habang dahan-dahan na bumababa.

"Ang sweet mo naman kay Lex..." puna nito. Inirapan ko lamang siya saka nginitian. Hindi talaga ako titigilan sa kakaasar sa kapatid niya.

"Good morning din sa'yo, Migz.." Isinukbit ko sa aking likod ang backpack ko, isinabit ko naman sa aking balikat ang gym bag ni Alex "—Natalo ako sa pustahan. So I am his slave for a week, his whims and wish is my command"

"Mukha namang okay lang sa'yo, para ngang wala kang pagtutol"

"Of course! Bakit naman ako tututol? Isang linggo lang naman 'to, pagkatapos ako na ulit ang aalipin sa kaniya, kaya sinusulit na niya ako" natawa ito sa sinabi ko. "—Papasok na 'ko ha? See you later!" sumaludo lamang siya sa akin.

Magkasalubong na naman ang kilay ni Alex nang abutan ko siya sa loob ng kotse. Agad na pinaandar ni Kuya Simon ang kotse.

"Nagkwentuhan na naman kayo ni Migz?" ika nito, hindi nagtatanong kundi nangaakusa. "Naiinis na ako. Palagi na lang kayong magkausap, anong catching up to? Balak niyo pa atang daigin ang mga month long birthday celebration ng mga artista!"

"Bakit ka ba naiinis sa Kuya mo?" tanong ko bago ilagay sa pagitan naming dalawa ang aming mga bag. Pero kinuha naman iyon ni Alex at itinabi sa likod namin.

"Dahil—" pigil ang mga salita niya. "—never mind, ipapaalala ko lang sa'yo na slave kita sa loob ng isang linggo, akin ka lang dapat! Maliwanag ba 'yon?" tila nafu-frustrate na sabi nito "... Isang linggo lang, Lexy, you're mine for a week, ayoko nang ka-kumpetensiya, pwede ba 'yon?"

Tikom ang bibig ko habang ina-absorb ang mga sinabi niya, I don't know why I can name an emotion that is in his eyes, sadness. Samantalang ako, deep inside, halos magwala ang mga lamang loob sa sobrang saya. Bakit kaya parang nagseselos si Alex? Hala kinikilig ako!

I fixed my composure bago siya hinarap.

"Sa'yo ako for a week pero ikaw may iba naman? That's unfair, Alex. Kung ako'y sa'yo, dapat sa'kin ka lang din" napaubo sa aming harapan si Kuya Simon "—f-for a week! Dapat sa'kin ka lang din for a week para fair!"

Hooloo Celestine! Ipapahamak ka talaga ng bibig mo!

"Sige, let's make a deal.." humarap sa'kin si Alex with a smug smile on his face "One week, you're mine, I'm yours... All yours.." hindi ko maiwasan ang mapalunok. I feel the heat on my face.

He's mine for a week. All mine. Pwedeng forever?

Inilahad ni Alex ang kaniyang kamay, like a Business man trying to close a deal. Wag kang sakim, Celestine. Sulitin mo na ang isang linggo, tapos balik ka na sa dati. I accepted his hand and shook it.

"Na ako'y sa'yo at ika'y akin lamang~~~" kanta ni Kuya Simon.

Just what Alex promised, maghapon lamang siyang nasa court at naglalaro kasama sina Yuan, Troy, Sandro at Benedict. Mabuti na nga lang at pumayag siyang pumasok ako sa mga subjects ko.

Natapos na ang lunch time namin, walang tao sa gym dahil isinama silang lahat ni coach sa isang eat-out. Pabalik na sana ako sa classroom matapos kipkipin ang mga gamit ni Alex nang mapadaan ako sa likod ng library. It's not my thing to prey, but I heard Alex's name..

"What? E bakit hinahayaan mo pa si Alexis?" Alexis? "Gaga ka talaga, Claud! Paano kung malaman niyang hindi naman pala talaga siya ang gusto mo? Na you're simply hitting on Yuan?" Alexis? Yuan? Kilala ko na ang mga 'yon ah?

"Sssshhhh! Shut up! Hindi ko pa kayang pakawalan si Alexis, mapapakinabangan ko pa siya, kahit na nakakapagod siyang bakuran dahil kay Celestine" pasimple akong sumilip and saw Claudel pacing back and forth na may kausap na babae.

Ang walangyang babbaeng 'to! Hinding-hindi talaga siya makakalapit kay Alex habang nandito ako!

With gritting teeth, I came back to our room. Thinking kung paano ko ilalayo si Alex kay Claudel. Pagkatapos ng klase, agad akong dumiretso sa gym.

Tamang tama na tapos na rin ang practice game nila at iilan na lang ang mga estudyante, tumakbo ako palapit kina Alex when I heard someone called his name. Claudel.

"Alexis! Ang galing mo talagang maglaro! Congratulations" pasugod na sana ito ng yakap kay Alex nang bigla ko siyang hilain palayo. I heard small gasps from all over the place.

"Celestine" lumipat ako ng pwesto sa harap ni Alex. Claudel sound wounded though. Akala niya ba ay madadala niya ako sa mga arte niya? No.

Nilingon ko si Alex na mababakas ang pagtataka sa mukha kaya tinaasan ko siya ng kilay, "One week, right?" binato ko si Claudel ng naghahamon na tingin.

"Lexy, hayaan mo na siya, gusto lang naman akong i-congratulate" pinalis ako ni Alex sa kaniyang harapan to give Claudel a hug, sa harap ko pa talaga.

Wow. Super wow.

I felt crushed. Anong nangyari sa deal namin na ako lang for a week? Nagtagis ang aking panga at ikinuyom ko ang aking kamao.  Nagpupuyos ang damdamin na itinulak ko si Alex which caused him to loose his balance, pero hindi naman sila natumba.

Sayang! Gulat na tumingin ito sa aking mga mata. He's also covering Claudel from me.

"Anong problema mo!?" inis na tanong nito.

"Ikaw na alipunga ka! Ang talk shit mo, sagad!" nagmamadali akong umalis sa gym, leaving all of them dumbfounded. Dahil wala na halos mga estudyante, wala ring nakakita sa pagpahid ko ng luha sa aking pisngi.

Ang siraulo! Ano? Ako kaniya tapos siya may iba? Baliw! Ayoko nang gano'n! Wala na, hindi ko na siya ika-crush!

I took my bag, maging ang gym bag ni Alex. Ibabato ko ito mismo sa mukha niya! Pagpihit ko patalikod ay nabunggo ako sa isang matigas na bagay na muntik ko nang ikatumba, mabuti na lamang at may matigas na brasong yumakap sa akin para pigilan akong mabuwal.

Hindi ko mapigilan ang mapahawak sa brasong nakakapit din sa akin, but when I saw who it is, halos itulak ko siya palayo.

"Let me go! Let go, Alexis!" sigaw ko. But his was so tough.

He's trying to hug me samantalang ako naman ay itinulak siya palayo, dahil doon, napasandal siya sa pintuan kaya naisara ito. Halos magwala ako ng makita ang distansya naming dalawa.

Nakayuko si Alex habang hawak ako ng maingat sa likod. Ako naman, nakatingala, nakatingin sa kaniyang mga mata. Tinapangan ko ang aking tingin at pilit na kumawala sa kaniya.

"Bitawan mo ako... sinungaling ka.." madiin na sabi ko. I saw how his eyes reflected what's on mine, pain. His thumb brushed the tears on my cheeks that kept on falling.

"I'm sorry, Lexy.. I'm really sorry" idiniin niya ang aking ulo sa kaniyang dibdib. Rinig na rinig ko ang bilis ng tibok ng kaniyang puso. Panay siya sabi ng 'I'm sorry' sa akin.

Pinaghahampas ko siya sa dibdib kahit na ako lang din ang nasasaktan. Wala na akong pakialam kung may sumunod ba sa aming dalawa, kung para akong nagseselos na girlfriend sa inakto ko kanina.

Heck! I am jealous!

"Akala ko ba ako lang? Isang linggo lang Alexis. Isang linggo lang na ikaw at ako, hindi mo ba kaya 'yon?" nanghihinang saad ko. "Ang daya mo naman, e! Ikaw ang may sabi noon diba?!" inilapat ko ang aking kamay sa kaniyang dibdib and I crushed his jersey uniform.

Ipapahiram din naman kita sa iba, pero sana ibigay mo na sa'kin 'tong isang linggong 'to. Na ikaw lang at ako.

"Sssshhhhh... Please, please forgive me baby... Hindi ko talaga sinasadya, please let me make it up to you, wag kang magalit, please" his voice is at it's most sincerest tone. His arms are also shaking. I tried to push him away pero mas hinigpitan niya lang ang yakap sa'kin.

My mind is screaming to kick him and run away, but my heart and body is saying otherwise. I remained inside his arms, hindi pa ito naakuntento at hinalikan pa ako sa buhok saka hinaplos haplos ito hanggang sa kumalma ako.

Ang daya. Ang daya daya! Bakit hindi ko kayang magalit sa kaniya?

The walls I built slowly melted like a chocolate that was exposed on a hot temperature.

Sandaling inilayo ni Alex ang kaniyang katawan sa'kin but he didn't let me speak. Instead, he trapped my small face inside his two beastly hands. And within a blink of an eye...

My lips met Alex's.

What the?! What the?! What the h-heavens…

Nakapikit ang kaniyang mga matang may habang pilik mata, hindi ako agad nakagalaw and is shookt, mga bes! I was lost and I  intoxicated. Nanatiling magkalapat ang mga labi namin for a couple of seconds. But those seconds are enough. Enough for me to feel infinity.

Pakiramdam ko ay sasabog ang mga lamang loob ko! Oh my gosh! My first kiss! He— he stole my first kiss! Pero bakit nakangiti ako?! I felt Alex move away a bit which made me breathe and gasped for air. I also took that chance to do the most rational thing to do.

"How dare you!" sigaw ko sa kaniya. Muli ko siyang pinaghahampas pero nasasalag niya lamang iyon ng walang kahirap-hirap "Totoo ngang kapatid ng sinungaling ang magnanakaw! Magnanakaw ka! That was my first kiss you dimwit! My first kiss!"

"I didn't steal it.." cool na cool lamang na sabi nito habang nakasandal sa pinto ng room namin "I just took what's mine, and by the way, that's not your first kiss"

"Ano?" inis na tanong ko. Muling hinuli ni Alex ang dalawa kong kamay at hinila na naman ako palapit sa kaniya. "A-Lex! Umalis ka nga! Pumunta ka na doon sa Claudel mo! Isaksak pa kita sa baga niya, let me go!"

"Not a chance.. Lexy... Never on my watch" desperado nitong saad "—Let's start again, ikaw lang at ako, sa loob ng isang linggo, heck, I want it more than that" what? Anong— imposible! M-may gusto na sa'kin si Alex?

I shook my head. Imposible talaga.

"Please, mag-umpisa tayo ulit... we'll make it right this time, forgive me, last na 'to.. wala nang iba from here on, walang Claudel o kung sino man"

Tinitigan ko siya sa mata. One thing that Alex isn't capable of, is lying to me. I can easily read through him like the back of my hand. Ganoon ko siya ka-kabisado. O bias lang talaga ako dahil gusto ko siya? Because now, I see sincerity.

Celestine, you're getting yourself into a big trouble.

"Huli na 'to, Al—" hindi ko na nasabi pa ang mga susunod pang salita when he shut me up using his lips.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A S T R A E A