1 Unang Pag-tatagpo

Isang malamig na gabi, puno ng makikislap na bituin ang kalangitan, na umaaninag sa buong lugar na kinalakihan ni Ariel. Isang binatang kasalukoyang nag-aaral sa lugar na kung saan tuwing tagsibol ay namumulaklak ang tinatawag na Sakura Tree, ito ay ang Sakura City.

Nakatira ang binata malapit sa pasyalang tinatawag na Sakura Park. Sa daan palang ay puno ito ng mga sakura, sa dulo naman nito ay matatanaw ang bughaw na karagatan. Ito ang perpektong pasyalan o lugar para makapag relax, makapag isip ng mabuti at mapag-isa, ito rin ang pasyalan ng mga magkasintahan.

Alas shete ng gabi ng namamasyal sa Sakura Park si Ariel. Habang siyay nag-lalakad, sa gilid niya ay nagliliwanag naman ang mga sakura dahil sa pailaw nito. Nang may nakabungo siyang babaeng umiiyak, natumba silang pareho habang patuloy sa pag-iyak ang babae. Agaran siyang tumayo at tinulongan niya ito sabay sabing sorry.

Nagulat siyang bigla itong yumakap sa kanya habang umiiyak, binigyan niya ito ng panyo.

Makalipas ang ilang segundo nagsimulang mag-salita ito habang umiiyak, humingi siya ng tawad sa binata dahil sa abalang nangyari at sa pag yakap niya rito. Nagpasalamat ito at umalis, habang papaalis ito, may nahulog palang wallet mula sa kanyang bulsa.

Ilang segundo rin ay nakita ito ni Ariel, ngunit hindi niya na ito na habol at nag desisyon nalang siyang ipa bukas nalang ang pag sa uli nito.

To Be Continued......

avataravatar
Next chapter