webnovel

THE MARTYR

= ZCALEY POV=

Nagising ako nang makaramdam ako ng pag-agos ng tubig sa mukha ko. When I open my eyes, I saw Coheen standing beside me. May hawak siyang baso na walang laman.

"Co-coheen," mahina kong tawag sa kanya at mabilis na bumangon.

"Walang silbi," yan lang ang sinabi niya at umalis na agad. Mabilis ko siyang sinundan sa kusina. Six months na kaming kasal ni Coheen. Six months na rin simula nang lumipat kami dito sa condo niya dito sa Makati at simula noon ay alila ang tingin niya sa akin. He punished me emotionally, but still, here I am, pinagsisiksikan ang sarili sa kanya.

But I don't I care, ang mahalaga sa akin ay kasama ko siya, kasala kami at magkasama kami sa iisang bahay. That's all I care about. I know one day, he will learn to love me.

Balang araw makikita rin niya ang halaga ko. Pahahalagahan rin niya ang mga ginagawa ko para sa kanya. Mabubura ko rin sa puso niya si Kylie.

Kylie is my childhood best friend. Nangako kami sa isa't isa na walang sisira sa samahan na meron kami. Kahit pa nagkaroon kami ng mga tampuhan ay naayos din naman namin agad. Walang nakasira sa amin, we almost shared everything. We promised that our friendship will remain forever. Pero sinira ko ito dahil minahal ko ang lalaking sana ay pakakasalan niya.

Nasa Amerika na si Kylie ngayon, pero bago siya umalis ay pinuntahan niya ako. Sinabihan ng masasakit na salita. Isinumpa niya ang araw na naging magkaibigan kami. Nangakong babalik at sisirain ako. Alam ko naman na hindi niya yon magagawa. Dahil mahal niya ako bilang kaibigan at para na rin kapatid. Nasabi niya lang yon dahil sa galit niya. Alam ko makaka-move on din siya.

Hindi ko kasalanan na mahalin ko si Coheen pero ginusto ko na maging akin siya. Sa amin ni Kylie, ako ang bitch, ang brat, ang stupid. Pero noon yo dahil ngayon ay nagbago na ako. Binago ako ng pagmamahal ko kay Coheen. The last time na naging bitch ako ay noong stag party ni Coheen para akitin siya.

Mabilis akong tumungo sa kusina. Nag-init ng tubig at gumawa ng almusal. Nabitawan ko pa ang mug nang matalsikan ako ng mainit na tubig. Nakita ko si Coheen na lumabas ng kwarto niya at nagmamadaling umalis.

Tama kayo, magka-iba kami ng kwarto.

Minsan gumagawa ako ng paraan para akitin siya. Baka sakaling kapag may nangyari sa amin ay mapatunayan kong malinis pa rin ako sa kabila ng pagiging brat ko. Umaasang sa mangyayari ay makabuo kami at doon ay mababago na pagtingin ni Coheen sa akin. But I failed a hundred times. Instead ay puro insulto lang ang natatanggap ko.

"Coheen, ilalagay ko na lang sa tumbler ang kape para madala mo. Wait lang." Nagkakandarapa ako. Nang maisalin ko ang kape ay nakalabas na si Coheen ng pinto. Wala na siya at naka-alis na papasok ng opisina. I sighed habang sinisisi ang sarili.

"Ang tanga mo talaga Ley, alam mo naman na may pasok pa ang asawa mo, natulog ka na parang prinsesa. Gosh!" kausap ko sa sarili ko.

'Babawi na lang ako. Magluluto akong kare-kare mamaya para sa hapunan. Tama-tama. Ganoon na lang gagawin ko.'

CEO si Coheen ng company ng daddy niya. Ang Lorenzo Inc. Hawak nila ang pinakamalaking pagawaan ng alak sa Pilipinas na ine-export sa buong Asia. But My dad is one of their major investors.

Sila din ang may pinakamalaking plantation ng tobacco sa Pinas. Habang Pamilya naman namin ang may pinakamalaking plantation ng wheat, kaya sa amin nanggagaling ang supply sa mga pabrika ng beer. Business din ni Daddy ang mga naglalakihang resort sa Boracay at Palawan. He's a stock holder also to some Motels at Hotels across the Philippines.

My Dad and Kylie's Dad are best buddies since highschool. Bigayan, walang lamangan. Kaya nang mahuli kami ni Coheen na magkatabi sa kama. Unang nag-suggest ang daddy ni Kylie na hindi ituloy ang kasal nina Coheen at Kylie. Kami dapat ang makasal. Ayaw naman nilang magalit kay Coheen sa pag-aakalang pinagtaksilan nito ang anak nila. I won, pero hindi sa puso ni Coheen at yon ang tinatrabaho ko ngayon. Ang makuha ang puso niya.

I still remember nang una siyang pinakilala sa akin ni Kylie. Ang manly ng dating niya. Matangos ang ilong, tantalizing eyes, mahabang pilikmata, may pagkapouty lips, pantay-pantay na ngipin, jawline. Malakas ang appeal.

Sabi ni Ky, siya na ang lalaking pakakasalan niya. I congratulated them both. But I didn't mean that, kasi noong araw na iyon pa lang, alam ko sa sarili ko na I like him. I like him to the point that want him to be mine, not with Kylie.

Every time I spent time with them, I saw how happy they are. How lucky Kylie is to have Coheen. I felt so jealous of her. I want to be in her place. Gusto ko na ngang akitin si Coheen, pero ayokong maging masama ang tingin niya sa akin.

When Kylie told me they're engaged ay humadlang ako at sinabing too early. Pero sabi niya, relasyon ang pinapahaba at hindi pagkakakilala. Kaya inumpisahan ko ang plano ko. Tinatawagan ko si Coheen. I'm ready to seduce him and make him mine.

I texted him everyday. Alam ko na nakahalata na siya noon kaya iniiwasan niya ako. Pero hindi ako tumigil, umaasang sa akin din mababaling ang feelings niya. But I'm wrong, dahil hindi nangyari.

And my last option ay ang pikutin siya, sa isang stag party a week before they're wedding I pretend to be one of the dancers. I asked someone to put sleeping pills on Coheen drink and the next morning, our both parents caught us.

Walang nagawa si Coheen nang sabihin ng daddy niya dapat niya akong pakasalan, or else itatakwil siya ng daddy niya. If he will marry me, he can have his share. But if he will refuse, they will disown him and that day changed everything on us.

Nagawa ko na ang kare-kare at malapit na dumating si Coheen kaya naghanda na ako. Sa sofa ko na siya hihintayin para pagpasok niya masalubong ko agad. Inaayos ko muna ang lamesa. Nagbake din ako ng carrot cake para sa dessert.

Bumukas ang pinto. Agad akong tumayo para salubungin si Coheen. Hinagis niya sa mukha ko ang coat na gamit niya. Kinuha ko na din sa kamay niya ang attaché case. Umupo siya sa sofa kung saan ko nilagay ang gamit niya saka tinanggal ang sapatos niya at nilagyan siya ng tsinelas.

"Nagluto ako ng kare-kare saka carrot cake. Sorry kung di ako nagising ng maaga." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"I'll take shower, bring the food inside my room." Sunod-sunod na tango ang ginawa ko habang nakangiti ng tumayo at siya umalis. At least kakain siya ng luto ko. Hindi man kami magkasabay ang mahalaga kakain siya ng handa ko. Mabilis lang siya maligo, buhos lang gagawin noon dahil naligo na siya ng umaga.

Habang naghahanda ng pagkain ay ganado ako. Dahil alam ko na si Coheen ang kakain ng ihahanda ko. Hindi naman bago sa akin ito. Hindi naman talaga kami sabay kumain. Lagi siyang sa kwarto niya kumakain. Kung dito naman sa kusina ay ayaw niya pa rin akong kasabay.

Bitbit ang tray na may lamang pagkain ay naglakad na ako tungo sa kwarto ni Coheen. Nakita ko naman ang awang ng pintuan. Napangiti ako, concern siya akin kaya iniwan niya itong bukas.

Alam niyang mahihirapan akong buksan ang pintuan dahil may bitbit akong tray. Kaya inawangan na niya. Itutulak ko na sana ang pinto nang marinig ko si Coheen na nagsalita.

"Hmp, that's good baby, at least magkakaroon ka na rin ng pagkakaabalahan----

----Yeah, Ipasa mo yan ha, para makapagpatayo tayo ng boutique na sarili mong design ang display.-----

----I missed you more, I miss everything on you, your lips, your hug, lahat.-----

----It wont happen. Sinelyohan mo na ang puso ko, kaya pag-aari mo na ito.-----

----yeah, see you the soonest. I love you. Bye, ingat always. Aanakan pa kita ng sampu."

Parang kinurot ang puso ko. Alam kong si Kylie ang kausap niya. Siguro dapat ko na kausapin si Kylie na tigilan ang pakikipag-usap sa asawa ko. Paano kami magiging okay, paano ko makukuha ang puso niya kung nandyan siya para landiin ang asawa ko. Kabit pa rin siya kung tutuusin. Ako pa rin ang asawa, ang legal.

Tinulak ko ang pinto at nagkunwaring walang narinig. Umayos naman siya ng upo kaya pinatong ko na sa lamesa ang pagkain. Sinenyasan niya ko ng labas pero hindi muna ako umalis.

"Coheen, sorry nga pala sa nangyari kanina. Hindi ako nagising ng maaga." Hingi ko ng paumanhin.

"Sanay ako, anong aasahan ko sa prinsesang walang alam. Now if you want me to eat this food. Go out and lock the door so I can start eating. Unless you want to see this food in the garbage." I sighed pero ngumiti din agad. Hindi ako pwedeng magpakita ng disappoinment sa harap niya. Kailangan lagi akong masaya.

Bihira lang akong kausapin ni Coheen. At sa tuwing kinakausap niya ako, kundi panliliit ay insulto ang lumalabas sa bibig niya. Pero gaya ng sabi ko, tatanggapin ko. Basta para kay Coheen, lahat ay gagawin ko, lahat tatanggapin ko.

Naramdaman kong may sumipa sa akin. Nakatulog pala ako sa sofa habang hinintay na matapos kumain si Coheen. Pagmulat ng mata ko ay nakita ko siyang nakatayo. Bitbit ang mangkok na pinaglagyan ko ng kare-kare.

"I called you many times," sabi niya saka dahan-dahan na binuhos ang kare-kare sa sahig sabay bitaw ng mangkok at nabasag ito. Tinitigan niya lang ako at tinitingnan ang reaksyon ko, pero nang makitang hindi ako galit ay agad din siyang tumalikod.

Lagi niyang ginagawa sa akin ito. Lagi niya akong pinapahirapan. Pero hindi ako susuko. Never.

"Kung akala mo mapapasuko mo ako sa ginagawa mo nagkakamali ka. Lalaban ako hanggang sa matutunan mo akong mahalin. Magtitiis ako Coheen. Magtitiis ako, hanggang sa marealised mo na karapat-dapat akong mahalin." Napatigil naman siya sa paghakbang saka tumingin sa akin.

"Alam ko, a bitch like you don't know how to quit. But sorry my dearest fake wife, you can't win. Nanalo ka man na magamit ang apelyido ko. Pero hindi ka makakapasok sa puso. Kylie own this, at kahit ikamatay mo pa, o ikamatay ko pa. She will stay here. Forever. So if I were you, hindi ko na ipagdidik-dikan ang sarili ko. Makontento ka sa pangalang binigay ko. At wag nang pangarapin pa ang puso ko. Dahil hindi mo to makukuha kailan man." Sabi niya habang nakaturo sa puso niya. Saka pumasok sa kwarto niya.

Hindi ako susuko, kahit anong mangyari lalaban ako. Makukuha ko rin ang puso ni Coheen. Naniniwala akong mangyayari yon.

Lumabas muna ako ng condo ng nakaduster lang. Kahit hindi ako sanay ay nilalagay ko pa rin sa isip ko na dapat magsanay ako sa mga simpleng bagay. May asawa na ako, at isa sa goal ko ay makuha ang kasimplehan ng isang asawa gaya ng iba. Para matuwa sa akin si Coheen.

Sa mini grocery ako nagtungo, bibili ako ng mga pangunahing pangangailan namin. Medyo mahaba ang pila sa counter. Mukhang kailangan ko pa maghintay ng matagal. Nagpaalam naman ako kay Coheen na aalis ako. Nakakain na rin naman siya. Kaya hindi na yon magagalit kung matagalan ako.

Past 9:00 pm nang matapos ako dahil sa dami ng mga namili. Naisip kong baka tulog na si Coheen pag-uwi ko. Hindi naman ako mahalaga sa kanya, kaya for sure hindi na rin ako hahanapin noon.

Nang makauwi ay dumiretso na ako pagpasok. Pero pagbukas ko ng pinto ay nakarinig ako ng ungol mula sa kwarto ni Coheen. Ungol ng isang babae na hindi nasasaktan, kundi ungol na may milagrong ginagawa kaya agad akong napatakbo patungo sa kwarto ni Coheen kung saan ito nagmula.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Nanginginig ako na hindi ko maintindihan. Si Coheen, may kasamang babae sa ibabaw ng kama. Nasa itaas ang babae habang lumiliyad. Pareho silang walang saplot at hindi ako tanga para alam ang ginagawa nila.

Hindi ko alam kung ilan minuto akong nakatayo habang umiiyak at pinagmamasdan sila. Hanggang sa mapag-desisyonan kong tunguhin ang sarili kong kwarto. Umiiyak ako habang inaalala ang posisyon nila.

'Bakit? Bakit nagawa ni Coheen sa akin 'to. Dito pa sa bahay namin. Oo asawa lang ako sa papel, pero asawa pa rin yon. Ang sakit, ang sakit ng ginawa niya.'

Hindi ko alam kung ilang oras akong nag-kulong sa kwarto. Hanggang sa napag-desisyonan ko'ng lumabas para kausapin si Coheen. Siguro wala na doon ang babaeng iyon. Nang buksan ko ang pinto ay kasabay din na bumukas ang pintuan ng kwarto ni Coheen. Magka-akbay na lumabas ang babae at si Coheen. Nang biglang mapalingon sa akin ang babae at nagulat pa ito ng makita ako.

"Sino siya?" takang tanong ng babae habang nakaturo sa sakin.

"My maid," simpleng sagot ni Coheen. "Don't mind her, she's nothing, " dugtong niya sabay hawak sa kamay ng babae at halik sa leeg nito. Tiningnan ako ng babae mula ulo hanggang paa. Sinuring mabuti saka tinaasan ng kilay. Sa mga tingin nito ay parang sinasabi niyang kabilang ako sa mga katulong na nangangarap mapansin ng amo.

Gusto ko siyang sugurin, gusto ko siyang saktan. Pero ayokong maging bastos sa harapan ni Coheen. My bitches days are over. Hindi na ako ang dating Zcaley na eskandalosa.

"Come babe, hatid na kita sa kotse mo." Aya ni Coheen sa babae at sabay silang umalis.

Hinintay ko na bumalik si Coheen, hindi ko siya aawayin. Kakausapin ko siya ng maayos. Sakto naman na bumalik din siya agad.

"Coheen, pwede ba tayo mag-usap?"

"Kung tungkol kay Monique, wala kang karapatan na pakialaman ako." Pauna niya saka naglakad patungo sa kusina at kumuha ng baso para magsalin ng tubig.

"Coheen, asawa mo pa rin ako. Konting respeto sana, kahit bilang tao." Biglang siyang humarap sa akin, na parang nagbabaga ang mga mata. Binato niya ang basong hinawakan malapit sa mukha ko.

"Fvck! Fvck you. Coming from you? Di ka naman bingi para hindi marinig ang sarili mo di ba? You're asking for respect? You? Cmon, ikaw nga hindi mo inerespeto yang sarili mo pagkatapos mong agawan ang bestfriend mo. Bestfriend mo, tapos ikaw nanghihingi ng respeto mula sa iba. Pathetic."

"Coheen, lahat ginagawa ko para sa sayo. Bigyan mo naman ako ng pagkatataon na patunayan ang sarili ko sayo." Naiiyak kong sabi. Sobra na ang paghihirap ko. Alam ko na nagkamali akong ipilit ang sarili ko. Pero hindi pa ba sapat ang mga ginagawa ko? Lumapit naman siya sa akin at tumayo sa harap ko.

"Nirespeto kita kahit ang baba ng tingin ng iba ng sayo dahil sa pagiging brat, party lover at liberated mo. Pero anong ginawa mo? Sinira mo yon dahil hanggang sa huli, pinairal mo ang pagiging sakim mo." Hinawakan niya ng mahigpit ang mukha ko saka inilapit sa kanya.

"I already warned you Ley, I'll make you suffer hanggang sa ikaw mismo ang sumuko. Kung akala mo makukuha mo ako sa pagiging mabait mo kuno. Then you're wasting your time. Sobra-sobrang respeto ang binigay ko sayo noon. Pero sinira mo ang buhay ko? Ang puso ko, at kalayaang makasama ang babaeng mahal ko. Now tell me, should I respect the woman who killed all my dreams?"

Tama siya, sinira ko ang respetong ipinakita niya noon sa akin. Kaya wala akong magawa kundi kunin ang loob niya ngayon. Paghihirapan ko na makuha uli ang respeto niya. Lahat gagawin ko, kahit respeto lang muna ang makuha ko mula sa kanya.

"I'm sorry Coheen, minahal kasi kita ei." Nag-uumpisa na naman akong umiyak. Kung kinakailangan na lumuha ako ng isang tangke gagawin ko. Mapatunayan ko lang sa kanya na nagsisi akong sinaktan ko siya at totoong mahal ko siya.

"I don't need your sorry. I want my life back. Kapag naibigay mo sa akin ang buhay ko noon, at ibinalik mo ang apelyedo ko, I will forget everything, and give you anything you want." Saka umamo ang mukha niya. His face is like the old Coheen I know. The Coheen that I first met. Ang Coheen na gusto kong makita araw-araw.

"Palayain mo ako Zcaley, let go of me so we can be friends again." I see the pain in his eyes, ang pagma-makaawa na una kong nakita noon bago kami ikasal na wag ko ituloy ang kasal. Those eyes na kahit hindi magsalita ay nagpapakita ng sobrang sakit. Pero paano ako pag pinalaya ko siya?

Umiling ako habang umiiyak at umaatras. I can't, hindi ko kayang mawala siya sa akin. Hindi ko kayang makitang masaya sa iba. Hindi ko kailangan ang kahit sino o kahit ano. Nakuha ko na lahat ng gusto ko at kung may magugustuhan pa, ay makukuha ko rin. Siya, siya lang ang kailangan ko. Siya ang huling gusto kong makuha ng tuluyan.

"I can't Coheen. Hindi ko kayang mawala ka. Please, please give me a chance to prove na karapat-dapat ako." I begged to him saka lumapit sa kanya. "I'm willing to do anything. Sabihin mo lang gagawin ko mahalin mo lang ako. Basta wag lang ang lumayo sa buhay mo at isuko ang pagiging asawa ko. Please, give me a chance to prove that I am worthy enough to be your wife."

His eyes brought fire again. Bumalik sa mga mata nito ang galit ng Coheen na asawa ko na nagpapahirap sa akin araw-araw.

"The choice is yours Zcaley. After this, kapag ipinilit mo pa ang gusto mo. Ipipilit ko rin ang gusto kong makawala sayo sa kahit anong paraan na kaya ko."

"I love you Coheen, I love you with all my heart." Dito man lang, maipakita ko na mahal ko siya. He looked at me saka tumalikod.

"The hell is your Zcaley. Prepare yourself for the most intense fire."

KINABUKASAN ay nagising ako ng maaga at agad na hinahanda ang pagkain ni Coheen. Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto niya para ihanda ang isusuot niya. From bow tie to shoes, pati panligo niya. Shampoo, sabon, shaver, tuwalya. I Just wanna make sure na nasa harapan na niya lahat ng kailangan niya.

I may be his slave, but for me, this is the duty of a devoted wife. Tiningnan ko si Coheen habang mahimbing na natutulog. His peacefully sleeping while hugging his pillow.

Napaluha na lang ako bigla habang tinititigan siya. I want him to be happy. Gusto ko siyang makitang laging masaya. Laging nakangiti. Laging masigla. Magagawa ko naman yon kung bubuksan niya ang puso niya para sa akin. I'm better than Kylie. She maybe my childhood friend but she's nothing compared to me. Bakit kasi hindi na lang ako ang minahal niya noon? Bakit kasi hindi na lang niya ako mahalin ngayon?

After I prepared all his need ay lumabas ulit ako para doon siya hihintayin sa labas. Aside sa pagkain sa lamesa na kanina ko pa inihanda ay naglagay na din ako ng baon niya. Para kung magipit siya sa oras at ayaw niya kumain may maipadala ako.

Nakangiti ako nang lumabas si Coheen sa kwarto niya. Dinampot ang tumbler saka lumabas. Hindi na naman siya kumain pero ayos lang at least dinala niya ang kape na ginawa ko. So, ang ending ako ang kumain ng niluto ko. I'll check his room and clean pero wala akong ginalaw. Iaangat ko lang ang mga nandoon pero binabalik ko din. I'll change the bed cover, the pillow covers even the curtains. I also check the bathroom and clean it. Chini-check ko rin kung may may mga laman pa ang toiletries.

Nilabhan ko na rin ang mga damit niya, saka pinlantsa. Nilagay ko na rin sa drawer ang mga naplantsa ko na.

Napatingin ako sa side table na may picture frame. It's Coheen and Kylie. Nakaramdam ako ng kirot. Sa kwarto ko ay wedding picture namin ang nandoon. Habang sa kanya ay yong araw na nagproposed siya kay Kylie. While the other one ay yong prenuptial.

Napaupo ako sa kama. Biglang nawala ang pagod ko sa buong maghapon. Sinira ko sila. Siguro, hindi matawarang ngiti ang meron silang dalawa kung natuloy ang kasal nila. Siguro, sa tuwing magkikita kami ni Coheen ay matatamis na ngiti ang ibubungad niya sa akin. Hindi kagaya ngayon. Walang emosyon, o minsan naman ay galit.

'I know, I did the right thing. Hindi rin naman mapapasaya ni Kylie si Coheen. Kinuha ko lang siya para ingatan, bago pa siya saktan at itapon ni Kylie.'

GABI na nang matapos akong maglinis sa buong bahay. Nakaidlip pala ako sa sobrang pagod. I never did this for my whole life. Pero para maipakita kay Coheen na kaya kong magampanan ang papel ng isang asawa ay wala akong hindi kayang gawin.

Napatingin ako sa orasan. Hating gabi na pala, kaya pala nagugutom na ako. Tiningnan ko ang lagayan ng sapatos ni Coheen pero wala pa doon ang sapatos niya. Meaning hindi pa siya umuuwi.

Bigla akong napatayo nang marinig kong bumukas ang maindoor. Nakarinig ako ng tawa ng babae. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Coheen na may kasamang babae. Iba sa unang babae na dinala niya noong nakaraang gabi. Medyo halata rin sa mukha niya na nakainom sila pareho.

Nagkatinginan kami ng babae. Saka napatingin siya kay Coheen.

"Sino siya?" tanong ng babae habang nakaturo sa akin. Biglang nag-apoy ang galit ko. Parang lahat ng pagod ko kanina napalitan ng galit ngayon. Hindi ako papayag na babastusin ako ni Coheen ng harap-harapan dahil lang sa maling nagawa ko. Minsan ko nang napagbigyan si Coheen. Hindi ako papayag na maulit pa iyon. Ako pa rin ang asawa niya sa papel.

"I'm his wife." direktang sagot ko sa babae.

"What?" takang tanong babae na biglag kumawala kay Coheen. "Asawa mo siya?" tanong niya kay Coheen pero hindi sumagot si Coheen.

"He will not answer you, cause he didn't know I'm here. Hey sweety, surprised." I give them a smirk saka tinaasan ng kilay ang babae.

"Why you didn't tell me you have a wife. Gagawin mo pa akong kabit?" Inis na sabi ng babae sabay sampal kay Coheen. "Gwapo ka nga, babaero ka naman. Pweh!" Saka ito umalis sa bahay at padabog na isinara ang pinto.

Hindi pinansin ni Coheen ang babae. Nakatitig lang siya sa akin ng masama. Kinabahan akong bigla ng maglakad siya palapit sa akin habang nagtatagis ang mga bagang.

"You ruined my day." Napapaatras naman ako dahil halata ang galit niya habang naglalakad palapit sa akin. Hanggang sa mapasandal ako sa pader at wala ng maatrasan. "You will pay for this." Saka hinawakan ni Coheen ang kamay ko at hinila ako sa loob ng kwarto niya.

"Coheen wait." Pero hindi niya ako pinakinggan at pabalibag niya akong hinagis sa kama.

"Co-Coheen." Kinabahan akong bigla. Lalo na ng hubarin niya ang damit niya at tanging pang-ibaba na lang ang natira.

"Babayaran mo ang pag-alis ng babae ko. You will make me happy tonight." Napatakip na lang ako sa mukha nang makita kong hubarin pati ang pang-ibaba niya.

-----

Next chapter