webnovel

Will You Always Love Her? (11)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pinipigilan ni Lu Jinnian ang kayang kamao para maitago ang nararamdaman niya, at sinabing, "Kasal na siya."

Kung hindi lang naaksidente si Xu Jiamu, saan naman siya magkakaroon ng pagkakataon at karapatan na pakasalan si Qiao Anhao?

Kahit noong lumabas na sila sa publiko bilang mag-asawa, kinailangang umarte ni Lu Jinnian bilang Xu Jiamu.

Kahit na kasal sila, maghihiwalay din sila. Isa lang kasi siyang substitute, substitute ni Xu Jiamu.

Ang babaeng gusto niya ay kasal na, may asawa ng iba… Kaya pala niyakap siya ni Lu Jinnian at nagtanong kung bakit hindi siya kayang mahalin nito.

Kaya ba siya umiiyak kagabi ay dahil gusto niyang makalimutan yung sakit?

Parehong nagpasaya at nagpalungkot kay Qiao Anhao ang kanyang narinig.

Masaya siya kasi wala na siyang karibal pero nag-aalala rin siya kay Lu Jinnian na baka nasasaktan ito dahil sa balita.

Medyo nagaalangang nagtanong si Qiao Anhao, "Mamahalin mo pa rin ba siya kahit kasal na siya?"

Pagkarinig ni Lu Jinnian sa tanong ni Qiao Anhao, bigla siyang napatigil at nanliwanag ang mga mata. Tumingin si Lu Jinnian sa mga mata nito na parang ipinapahayag ang sagot na "OO"

Ang sagot ni Lu Jinnian ay diretso, prangka at walang bahid ng pagsisinungaling. Nasaktan ang puso ni Qiao Anhao sa kanyang narinig kaya tumalikod siya kay Lu Jinnian. Sinubukan niyang

pakalmahin ang sarili niya at sinabing, "Pero kasal na siya, hindi ka pwedeng maghintay sakanya habang buhay."

Five years ago, alam na niya na hindi pwedeng mapasakanya si Lu Jinnian, pero kahit ilang beses niya pang kumbinsihin ang sarili niya na sumuko nalang, hindi pa rin talaga natitinag at nawawala ang pag-ibig niya para kay Lu Jinnian.

Siguro dahil na rin sa personality ni Lu Jinnian kaya hindi niya kayang sumuko at maghanap nalang ng iba.

Simula palang noong dumating si Lu Jinnian sa buhay ni Qiao Anhao thirteen years ago, nakumpleto na siya nito kaya hindi na niya kayang magmahal pa ng iba.

Bahagyang ngumiti si Lu Jinnian, natatawa siya sakanyang sarili at sinabing "Sana kaya kong hindi nalang siya mahalin… pero…" Medyo nagbago ang kanyang boses na parang nabalot ng sakit at kalungkutan at nagpatuloy, "Hindi ko kaya, hindi ko kayang pilitin ang sarili ko na pakawalan nalang siya."

Hindi nakapagsalita si Qiao Anhao.

Biglang tumahimik ang kwarto at tanging ang tunog lang mula sa pinapanuod nilang pelikula ang naririnig.

Naramdaman ni Lu Jinnian na bumibigat na ang kanilang pinaguusapan kaya bigla siyang nagsingit ng tsismis sa industriya para mabago ang topic.

Nanatili ang kalungkutan kay Qiao Anhao, hindi niya kayang maging masaya. Pero dahil naunang nagsalita si Lu Jinnian, medyo gumaan ang lungkot na nararamdaman niya at unti-unti pang mas naging mabuti ang kanyang pakiramdam habang kinukumpirma ang mga tsimis kay Lu Jinnian.

"Talaga bang natulog ng magkasama si XX at XX?"

"Nagcheat ba talaga si XX kay XX?"

"Nagdivorce na ba si XX at XX?"

Hindi siya pinigilan ni Lu Jinnian na magtanong ng kahit anong gusto niyang itanong. Kinuwento rin nito kung paano naghahandle ng problema ang Huan Ying Entertainment public relation.