webnovel

Tignan mong maigi kung sino ako (9)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matagal siyang naglakad lakad sa ulan noong gabing iyon at hindi niya alam kung saan nga ba siya partikular na pupunta. Noong sumunod na araw, hindi siya nakalabas ng isang hotel room dahil inapoy siya ng lagnat. Pitong araw at pitong gabi niyang hindi maintihan ang kanyang sarili bago siya tuluyang nagising sa katotohanan.

Marami siyang hindi nasagot na tawag at karamihan sa mga iyon ay galing sa media. Pero isa sa mga messages na natanggap niya ay galing kay Qiao Anhao na binabati siya dahil sa natanggap niyang best supporting male award sa Golden Film Festival.

Pagkakita niya sa message nito ay gusto niya sana talagang magreply pero matapos niyang itype ang dalawang salitang "Thank You" ay bigla niyang naalala ang nangyari noong birthday nito. Natigilan ang kanyang mga daliri sa pagtatype hanggang sa mapagdesisyunan niyang isa-isa nalang burahin ang bawat letra ng itinype niya. Inilapag niya ang kanyang phone bago siya tumayo para maglakad papunta sa floor-to-ceiling window ng hotel kung saan dumungaw lang siya ng may mabigat na kalooban sa siyudad na napakaraming tao at mga sasakyan.

Sa totoo lang, mas nasaktan siya sa mga itinapon na mga bulaklak at cake ni Qiao Anhao kaysa sa mga sinabi sakanya ni Han Ruchu.

Mula't sapul, nagtrabaho siya ng maigi para mapabuti ang kanyang sarili nang sa ganon ay maging kapapat dapat siya para sa pagmamahal nito pero kahit kailan ay hindi inalala kung mahal din ba siya nito o hindi.

Tatlong beses na pumunta si Qiao Anhao sa Hangzhou noon para yayain siyang kumain at ang bawat messages nito ay parang mga sorpresang galing sa kalangitan. Pero noong araw na iyon, ang message na natanggap niya mula kay Qiao Anhao ay para bang naging isang parusa sakanya. 

'Kadalasan talaga sa mga hinahangaan ng mga tao noong kabataan nila ay hindi talaga nagtatagumpay'. Ito ang paulit ulit niyang sinasabi sa kanyang sarili na ganun nalang ang isipin pero parang pinaglalaruan talaga siya ng kanyang puso. Sobrang nanabik siya pag hindi niya ito nakikita. May isang beses pa nga na bumalik siya sa hotel para makapagpahinga matapos niyang magfilm at may nakita siyang isang babaeng may kaparehas na damit ni Qiao Anhao. Kahit pagkatapos ng lahat ng nangyari, nanatili pa rin siyang nakatayo na parang isang tanga habang tinitignan ang babae. Nahimasmasan lang siya noong tinawag siya ng kanyang assistant pero pagkatapos noon ay bigla nalang siyang nawala sa mood ng walang malinaw na dahilan.

Dalawang buwan matapos ang kanyang graduation, pumunta siya sa Beijing para sa isang event kung saan hindi niya inaasahang makasalubong si Xu Jiamu.

Noong wala silang ginagawa, pareho silang tumayo ni Xu Jiamu sa balcony para manigarilyo. Muli niyang naalala ang sinabi ni Han Ruchu sakanya kaya nagpanggap siyang nagtatanong na para bang nakikiusisa lang, "Balita ko may arrianged marriange na daw ang Xu family at Qiao family?"

Biglang kumunot ang mga kilay ni Xu Jiamy noong sandaling narinig nito ang salitang arranged marriage. Humithit ito matindi at tanging "mmm" lang ang isinagot.

Medyo nanginginig ang kamay ni Lu Jinnian na may hawak na sigarilyo. Humithit muna siya ng mas matindi kaysa kay Xu Jiamy bago muling magtanong, "Da Qiao or Xiao Qiao?"

Para kay Xu Jiamu, noong sandaling nalaman niya na ang kanyang engagement ay walang kinalaman sa pagmamahal at puro lang ito patungkol sa mga benepisyong makukuha ng Xu family, nawalan na siya ng pakielam kung kanino man siya maipakasal…Noong araw na iyon, alam na ni Xu Jiamu ang tungkol sa arranged marriage pero wala pa siyang ideya kung kanino siya magpapakasal at hindi niya rin naman alam na may gusto pala si Lu Jinnian kay Qiao Anhao. Kung sakaling alam niya lang ang tungkol dito, malamang hindi niya isasagot kung ano man ang naging sagot niya dahil ang inassume niya lang na tinatanong siya ni Lu Jinnian kung sino ba ang mas gusto niya sa dalawa. "Syempre si Qiao Qiao."

Ang simple at walang ibang ibig sabihin na sagot ni Xu Jiamu ang bumago sa dating matinding pagmamahal ni Lu Jinnian na naging isang ipinagbabawal na pagmamahal.

Sa totoo lang, hindi makagalaw si Lu Jinnian noong sandaling narinig niya ang sagot ni Xu Jiamu pero dahil medyo madilim ang ilaw kaya hindi nito napansin. Di nagtagal, tinapik siya ni Xu Jiamu sa balikat at sinabing manlilibre raw ito ng dinner sa isang gabi. Nagyayaya itong maglaro kasama ang iba pa nitong mga kaibigang matagal na nitong hindi nakikita.

Hindi talaga narinig ni Lu Jinnian ang mga sinabi ni Xu Jiamy pero tumungo nalang siya.