webnovel

Sino Nagpapasok Sayo Dito? (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakasuot si Lu Jinnian ng suit, habang tahimik itong nakahiga at pikit ang mga mata. Sa malayo ay mukhang malalim ang tulog nito.

Tinaas ni QIao Anhao ang kamay niya at kumatok sa pinto habang nakatingin siya sa kama kung saan nakahiga si Lu Jinnian. Ngunit, kahit kumatok na siya ay nanatili itong walang reaksyon. Nangunot ang kanyang mga kilay at naglakad papunta sa kama.

Nakita niya si Lu Jinnian na nakahiga sa kama at nanginginig ang buong katawan nito. Hinawakan ni Qiao Anhao ang noo nito at nalaman niya na may napakataas itong lagnat. Nawalan ito ng malay kaya hindi niya binuksan ang pinto ng kwarto.

Kinuha agad ni Qiao Anhao ang gamot sa lagnat na binili nito. Binasa niya ang manual, kumuha siya ng dalawang tableta at bote ng tunig at pinilit na painomin ito ng gamot.

Walang malay si Lu Jinnian kaya dalawang beses sinubukan ni Qiao Anhao na painumin ito ng tubig. Ngunit, bigo siya dahil inilabas ito ni Lu Jinnian at tuloy parin ang pagtaas ng temperatura ng kanyang katawan kasabay nito ang pag-init ng hangin sa kwarto

Nataranta si Qiao Anhao ng hindi ininom ni Lu Jinnian ang gamot nito. Kahit tumawag siya ng doktor maaring abutin ito ng ilang oras bago sila makarating sa lugar na ito…

Iniwan ni Qiao Anhao ang gamot at tubig sa lamesa katabi ng kama. Bumaba siya sa kusina ng maalala niya ang ginawa sa kanya ng nanay niya, gumagamit ito ng ice pack tuwing siya ay may lagnat. Kukuha sana siya ng ice cubes pero ang nakita niya lang ay malamig na tubig.

Dahil walang yelo naisip ni Qiao Anhao na gumamit ng tuwalya at basaiin ito ng malamig ng tubig at saka pigaan upang ilagay sa noo ni Lu Jinnian. Hirap na tinanggal ni Qiao Anhao ang damit ni Lu Jinnian, saka tinaggal ang mga butones upang mapunasan ang katawan at bumaba ang lagnat nito.

Nagbigay ginhawa kay Lu Jinnian ang ginawang pagpunas sa kanya ni Qiao Anhao. Dahan-dahan ay naging malalim na ang tulog nito,sa mabilis niyang paghinga noong una ay naging malalim at kalmado na.

Nang mapansin ito ni Qiao Anhao atsaka lang kumalma ang kanyang niloloob. Inayos niya ang paghiga nito, bago ito lumuhod sa tabi ng kama upang bantayan ito. Tinignan niya ang mukha nito.

Namumutla ang labi nito at kita sa mukha nito ang pagod pero kahit ganoon ang kanyang kondisyon, napakagwapo parin nitong pagmasdan.