webnovel

Saan ba ako nagkulang? (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Matagal ko ng gustong itanong sayo kung sino ang babaeng nagugustuhan mo…" Tanong ni Qiao Anhao na halatang nanguusisa.

Pinilit niyang itago ang kanyang tensyon, pero ang hindi alam ni Lu Jinnian ay nagdurugo na ang puso niya. Sa loob loob niya, ilang beses na siyang huminga ng malalim para makontrol ang kanyang emosyon upang magmukha siyang kalmado habang sinasabi ang mga salitang ilang beses na nagpaiyak sakanya. "Kahit sino pa man ang nagugustuhan ko, kahit kailan ay hindi magiging ikaw 'yun."

Tagumpay si Qiao Anhao sa pagpapanggap na kalmado, maging ang kanyang mga labi ay nagawa niya ring maingiti ngunit kinailangan niyang yumuko para maitago ang sakit at paghihinagpis na kanyang nararamdaman. Muli siyang nagpatuloy sa pamamagitan ng pagbibiro, "Hindi mo ba alam kung gaano kasakit yung mga sinabi mo? Nagtatanong lang naman ako, pero ganun yung sinabi mo sakin….ganun na ba ako kalala?"

Noong mga oras na iyon, lalo pang naguluhan si Lu Jinnian. Hindi na niya kasi maalala na nasabi niya 'yun. Biglang nagbago ang kanyang itsura at sinubukan niyang alalahanin ang mga nangyari bago sila maghiwalay, limang taon na ang nakakalipas.

Noong mga panahong 'yun, ilang buwan na silang hindi nagkikita ni Qiao Anhao at sa wakas ay muli niya itong nakasama noong inimbitahan sila ni Xu Jiamu. Alam niya na noong mga panahong iyon na papakasalan ni Xu Jiamu si Qiao Anhao at para sakanya, 'yun na siguro ang pinaka malalang nangyari buhay niya. At dahil din ay nahirapan siyang pakisamahan si Xu kaya noong ikalawang gabi ng pagtitipon, hindi niya kinausap si Qiao Anhao. Nagpakalunod lang siya sa alak at nang matapos na ang gabing iyon, napanaginip niya na lumapit raw ito sakanya at nagusap sila.

Naramdaman ni Lu Jinnian na ang sinasabi ni Qiao Anhao ay pumapatungkol noong gabing nalasing siya. Matagal din bago siya nakasagot, "Yan ba yung nangyari five years ago noong gabing nang'imbita si Jiamu?"

"Yea," mahinang sagot ni Qiao Anhao.

"Noong gabing 'yun, ikinasal ang babaeng mahal ko, kaya hindi maganda ang mood ko 'nun. Sobra akong nagpakalasing at napagkamalan kong ikaw siya dahil sa guniguni ko…"

Guniguni…Hindi maipaliwanag ni Qiao Anhao ang naramdaman niya noong sandaling marinig niya ang sinabi ni Lu Jinnian. Hindi siya makahinga ng maayos at napahawak siya ng mahigpit sa kanyang kumot pero pinilit niya pa ring sumagot ng normal. "So noong gabing 'yun pala, napagkamalan mo lang na ako ang babaeng mahal mo? At ang buong akala mo siya talaga ang nagtatanong sayo kaya ganun ang sinabi mo?"

Itinikom lang ni Lu Jinnian ang kanyang mga labi at nabakas sa kanyang mukha ang matinding kalungkutan. Matapos ang matagal na pananahimik ay muli siyang nagsalita ng mahina para ipaliwanag ang kanyang sinabi. "Hindi ko sinabi 'yun para sa babaeng mahal ko, sinabi ko 'yun para sa sarili ko."

So ganun pala ang nangyari…Hindi pala para sakanya ang sinabi ni Lu Jinnian, pero hindi rin naman siya ang babaeng mahal nito….Ang kaligayahan na naramdaman ni Qiao Anhao noong gabing 'yun ay biglang napalitan ng matinding kalungkutan pero pinilit niya pa rin ang kanyang sarili na ngumiti.

"Akala ko talaga para sakin 'yun." Natigilan si Qiao Anhao ng sadlit bago muling magpatuloy, "Pero sobrang swerte talaga ng babaeng mahal mo kasi sa loob ng matagal na panahon ay mahal mo pa rin siya."