webnovel

Patawarin mo ako (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Naririnig ni Lu Jinnian ang mga yabag ng mga paa ng kanyang assistant na papalayo hanggang sa tuluyan na nga itong nawala. Biglang nanghina ang katawan niya kaya natumba siya sa upuang nasa kanyang tabi, na para bang may humigop ng lakas niya. Walang ibang pumapasok sa kanyang isipan kundi ang bawat detalye ng nalaman niya.

Dalawang buwan na buntis. Intrauterine fetal death…

Pakiramdam ni Lu Jinnian ay para siyang binabangungot. Wala siyang ibang maisip kundi ang mga salitang iyon lamang.

Buntis si Qiao Anhao. Dalawang buwan na siyang buntis ngayon. Dalawang buwan nalang, malalaman na sana nila ang kasarian ng bata at sa loob ng walong buwan ay ipapanganak na sana ito. Isang taon at walong buwan mula ngayon, makikita niya na rin sanang naglalakad ito papalapit sakanya habang tinatawag siyang 'daddy'.

Napakaganda… Pero bakit ang isang napakagandang bagay ay kailangang matapos ng ganito kalungkot?

Ang anak niya…Ang anak nila ni Qiao Anaho…Paano namatay ang bata sa loob ng tiyan?

Hindi niya na kinaya ang sakit, yumuko na siya at tinakpan ang kanyang mukha. Hindi nagtagal, unti-unting nanginig ang kanyang mga balikat at ang kanyang mga luha sa tumulo sa pagitan ng kanyang mga daliri.

Ang anak nila, paano namatay ang bata?

Maliban nalang kung dahil isa lang siyang anak sa labas na walang karapatang mabuhay sa mundo ito. Pero kailangan ba talagang paruhasan pati ang anak niya?

-

Nakababa na ang assistant nang maaalala niyang hindi niya pa pala naibigay kay Lu Jinnian ang mga operation forms ni Qiao Anhao kaya naisipan niyang muling umakyat. Pagkabukas ng elevator, may nakita siyang isang taong nakaupo sa kahabaan ng corridor at kahit na malayo ang pagitan nila ng lalaki, alam niyang nakatakip ang mukha nito at umiiyak.

Bigla siyang natigilan at hindi niya na rin nagawa pang humakbang. Matagal siyang nakatayo para pagmasdanang napaka lungkot at problemadong lalaki pero napagdesisyunan niyang huwag nalang itong istorbohin at dahan-dahan siyang bumalik sa elevator na para bang wala siyang nakita.

Pitong taon na silang magkasama ni Lu Jinnian at sa haba ng panahon na ito ay nagkaroon na rin siya ng asawa at sariling anak. Samantalang si Lu Jinnian na mas matanda pa sakanya ng isang taon, ay mag-isa pa rin sa mundong ito.

Matagal na niyang gustong malaman kung may babae na ba itong nagugustuhan. At sa wakas nabigyan na rin siya ng kasagutan nang mangako si Lu Jinnian sa Xu family na magiging kapalit ito ni Xu Jiamu, halos kalahating taon na rin ang nakakalipas.

Nang mga panahong iyon, labis ang naging pagtutol niya dahil wala naman siyang nakikitang magandang rason kung bakit kailangan 'yun gawin ni Lu Jinnan. Pero noong sandaling makita niya si Miss Qiao, doon niya nalaman na hindi pala nagiisa si Lu Jinnian sa mundong ito dahil may minamahal na ito.

Naniniwala ang assistant na wala ng ibang mas nakakaintindi kay Lu Jinnian bukod sakanya. Alam niya na hindi maganda ang pinanggalingan nito at isa lang itong anak sa labas. Kahit na mukha itong mayabang, ilag, laging magisa at masyadong mataas ang tingin sa sarili, sa totoo lang, ang tingin ng lahat ay masama ang ugali nito...

Pero sino bang magaakala na may dalawang anak ang Xu family, ang isa ay young master na kayang paikutan ang mundo sa mga kamay nito habang ang isa naman ay kabilang sa pinaka mababang antas ng lipunan. Dahil itong kamag-anak na magaaruga, nailangan nitong magsikap sa murang edad para lang mabuhay. Ang tanging rason lang kung bakit hinahayaan nitong makita ng ibang tao na para bang wala itong puso ay dahil ayaw nitong maramdaman na kinakaawaan ng iba.

Malakas ang paniniwala ng assistant na wala ng ibang kayang magpakampante kay Lu Jinnian bukod kay Miss Qiao. Sa tuwing mapapatingin siya kay Lu Jinnian, lagi niyang nakikita na nakatitig ito kay Miss Qiao. Ngayon na namatayan ito ng anak, siguradong sobra-sobra ang kalungkutang nararamdaman nito.