webnovel

Pagbabalik tanaw sa ating masasayang kahapon (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kung ano ang mga ginamit nilang lamesa, sampung taon na ang nakakalipas,

yun pa rin ang lamesang ginagamit ng mga bata ngayon kaya hinding hindi niya

makakalimutan kung saan madalas humiga si Qiao Anhao.

Pero sampung taon na yun…Bigla lang nagturo si Lu Jinnian ng isang lumang

upuan at parang siguradong sigurado na ito kaagad sa sinasabi nito kaya akala

ni Qiao Anhao ay nagbibiro lang si Lu Jinnian. "Hay nako Lu Jinnian, gumagawa

ka ng kwento."

Nang makita ni Lu Jinnian ang reaskyon ni Qiao Anhao, bahagyang tumaas ang

kilay niya pero hindi siya nakipagtalo, bagkus, bigla niyang binitawan ang

kamay nito at naglakad papunta sa tinuro niyang lamesa. Hinila niya ang upuan

na nasa ilalim para umupo at may kiniskis na isang parte ng lamesa bago siya

muling magsalita. "En, ito oh."

"Anong meron jan?" Nagtatakang tanong ni Qiao Anhao dahil wala talaga

siyang ideya sa mga pinagsasabi ni Lu Jinnian.

Imbes na sagutin ang tanong ng asawa, maingat niyang hinawakan ang kamay

nito para ipakapa ang bandang kaliwa ng lamesa.

Noong sandaling yun, may naramdaman si Qiao Anhao na nakaumbok sa

lamesa kaya gulat na gulat siyang napatingin sa asawa.

Wala pa ring imik si Lu Jinnian at nagpatuloy lang sa paghawak ng kamay nito

para ipakapa ang mga nakaukit. Hindi nagtagal, naramdaman ni Qiao Anhao na

para ngang may letra na nakasulat kaya muli siyang tumingin kay Lu Jinnian at

takang taka na nagtanong, "S?"

Tumungo lang si Lu Jinnian at inilipat naman ang kamay nito sa iba pang mga

letra, na sa tuwing makakapa ni Qiao Anhao ay magtatanong para

mangumpirma.

"H?"

"M?"

"I?"

"L?"

"Y?"

Pagkabigkas niya ng huling letra, muling natigilan si Qiao Anhao para

pagtugtong-dugtungin sa isip niya ang mga nakapa niya, "Shmily?"

"Ang ibig sabihin ng Shmily ay 'See, How, Much, I, Love, You'…" Habang

nagsasalita, bigla siyang nagtaka kung paano at kailan naiukit ni Lu Jinnian ang

mga yun kaya muli siyang tumingin ng diretso sa mga mata nito at

naguguluhang nagtanong, "Inukit mo yan jan?"

"En," Pabulong na sagot ni Lu Jinnian habang dahan-dahan siyang tumatayo.

Sa totoo lang, alam naman na talaga ni Qiao Anhao ang sagot pero gusto niya

lang din talaga na kay Lu Jinnian manggaling. Ngayon na kinumpirma na nito,

nakutuban niya na ang mga sagot sa iba niya pang mga tanong. "Ibig sabihin,

noong nalipat ka ng Class Three galing Class One, sinadya mo talagang umupo

sa lamesa na lagi kong hinihigaan?"

Dahan-dahang ibinalik ni Lu Jinnian ang upuan sa dati nitong pwesto bago niya

muling tignan si Qiao Anhao ng direst sa mga mata.

Medyo nahiya si Qiao Anhao sa pagtitig ni Lu Jinnian kaya babaguhin niya

nalang sana ang usapan dahil ayaw niyang isipin nito na masyado siyang

asumera, pero noong magsasalita na siya, bigla naman itong sumagot ng

mahinahon. "Hindi lang yung lamesa, pati yung upuan mo. Pero siguro nasira

nay un, kasi hindi ko na makita eh."

Habang nagpapaliwanag, muling tinignan ni Lu Jinnian ang paligid at itinuro

ang pang limang upuan sa may bandang bintana, "Diba dun ka nakapwesto

dati?"

Kumpara dun sa upuan at lamesa, mas naalala ito ni Qiao Anhao. Totoong

nakaupo siya sa pang limang upuan sa may bandang bintana. Well, sa totoo

lang, si Qiao Anxia talaga ang nakapwesto dun dati kaya para lang pumayag ito

makipagpalit, ipinusta niya ang dalawang buwan niyang baon at sandamakdak

na iba pang suhol.