webnovel

Paalam aking kabataan, paalam aking mahal (9)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Lu Jinnian, na kanina'y nakayuko lang at walang ibang inintindi kundi ang paginom ng alak, ay biglang napaangat ng kanyang ulo nang sandaling marinig niya ang sinabi ng lalaki, at agad siyang napatingin kay Qiao Anhao.

Umarte si Qiao Anhao na parang gulat na gulat sa nangyari, nakatulala lang siya at hindi agad nagsalita.

Buong pusong binigkas ng lalaki ang lahat ng nakasulat sakanyang script.

Base sa kanyang linya, kailangang palabasin ni Qiao Anhao na labis siyang naguguluhan habang ang mga bisita niya sa kanyang kaarawan ay walang tigil sa pagkantyaw na sumagot na siya ng 'oo'!

Habang tumatagal, pahigpit ng pahigpit ang hawak ni Lu Jinnian sa baso ng alak na nasa kanyang kamay. Nang sandaling tumungo si Qiao Anhao, hindi niya na kayang makita ang mga sunod na mangyayari kaya bigla siyang tumayo at walang imik na umalis.

Si Qiao Anhao na kanina pa hindi kinikibo si Lu Jinnian ay biglang napatingin sa likod nito habang naglalakad papalayo. Umarte siya na mukhang nagaalangan pero bandang huli ay tinanggap niya na rin ang singsing mula sa lalaking nakaluhod sakanyang harap.

Rinig na rinig sa buong kwarto ang labis na kaligayahn ng lahat, samantalang si Lu Jinnian ay mukhang walang kabuhay buhay habang magisang nakatayo sa labas.

Ang lahat ng taong nasa loob ng kwarto ay halos wala ng mapaglagyan ng kanilang mga kaligayahan, samantalang si Lu Jinnian na magisang nasa labas ay lunod na lunod na sa kalungkutan.

Alinsunod sa senyas ng direktor, nagpaaalam si Qiao Anhao na may kailangan lang siyang gawin. Pagkalabas niya ng pintuan, hindi niya inaasahang magkakasalubong sila ni Lu Jinnian. Wala ni isa sakanila ang nagsalita ngunit ang nagtagpo ang direksyon ng kanilang mga mata pero dali-daling umiwas si Qiao Anhao at naglakad papunta sa CR.

Pagkalabas ni Qiao Anhao ng CR, laking gulat niya dahil si Lu Jinnian, na kaninang nasa may pintuan, ay muli niya nanamang nakasalubong. Kagaya ng nangyari noong una, nagkatinginan nanaman sila pero sa pagkakataong ito, sinabi na ni Qiao Anhao ang kanyang unang linya, "Mauna ka na."

Ngumiti siya kay Lu Jinnian habang naglalakad papalapit rito. Pagkalagpas ni Qiao Anhao, biglag ikinuyom ni Lu Jinnian ang kanyang mga kamay at sa sobrang gigil ay halos namuti na ang buko ng kanyang mga daliri.

Nang hindi na makita ni Lu Jinnian sa gilid ng kanyang mga mata si Qiao Anhao, bigla niyang iniangat ang kanyang kamay at hinablot ang braso nito na kalalampas lang sakanya. Hindi na siya nagdalawang isip at bigla niya itong hinila at isinandal sa pader kung saan hindi na talaga siya nakapagpigil at tuluyan niya ng hinalikan ang mga labi nito.

Sinubukang magpumiglas ni Qiao Anhao para maitulak niya si Lu Jinnian papalayo sakanya pero inipit nito ang kanyang mga braso. Isa pa, hindi madali para sakanya na labanan ang padiin ng padiin nitong halik.

Hindi tumigil si Qiao Anhao sakanyang pagpupumilit na kumawala. Bandang huli, hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng sapat na lakas pero tuluyan niyang naitulak si Lu Jinnian. Bilang pagsunod sa script, itinaas niya ang kanyang kamay at sinampal ng malakas ang mukha nito.

Malamang drama ang finifilm nila kaya kailangang palabasin na malakas ang pagkakasampal pero sa totoo lang, hindi nama talaga ito dumampi sa mukha ni Lu Jinnian. Nanginginig ang buong katawan ni Qiao Anhao habang binibigkas ang kanyang linya, "Ano bang gusto mo?"

Si Lu Jinnian na katatapos lang sampalin ay agad na tumingin ng diretso sa mga mata ni Qiao Anhao at sinabi habang nanginginig ang kanyang mga labi. "May gusto lang akong itanong sayo..." Matapos bigkasin ni Lu Jinnian ang kanyang linya, medyo matagal siyang natigilan bago magpatuloy, "Kung sasabihin ko ba sayong minahal talaga kita, mamahalin mo ba ako ulit?"

"Hindi!" Walang alinlangang pagsagot ni Qiao Anhao. Kitang kita sa mukha ni Lu Jinnian na parang bigla siyang nawalan ng pagaasa. Dahan-dahan niyang binitawan ang braso ni Qiao Anhao, pero bago niya ito tuluyang pakawalan bigla itong nagsalita, "Dahil hindi naman ako tumigil na mahalin ka."

Sobrang nagulat si Lu Jinnian sa narinig niya kaya hindi niya napigilan ang kanyang sarili at muli niyang hinalikan ang mga labi ni Qiao Anhao.

Sa pagkakataong ito, pareho nilang kailangang umarte na dalang dala sila sa kanilang halikan at ito rin ang huling beses na makikita silang magkasama sa pelikula.