webnovel

Paalam aking kabataan, paalam aking mahal (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Naglabas si Qiao Anhao ng ilang wipes mula sakanyang bag at kinuha niya rin ang kanyang phone para gamitin ito bilang salamin. Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mukha at nang ibabalik niya na sana ang phone niya sa loob ng kanyang bag, bigla namang may tumawag sakanya…

-

Masyadong mahimbing ang naging pagtulog ni Lu Jinnian at nagising nalang siya dahil sa matinding sinag ng araw na pumapasok sa bintana. Itinaas niya ang kanyang kamay para takpan ang nasisislaw niyang mga mata. Pagkalingon niya sa kanyang tabi, nakita niya na wala ng tao rito.

Napakunot siya ng kanyang mga kilay pero hindi naman siya nag alala dahil inisip niya na baka bumaba lang si Qiao Anhao pagkagising nito. Wala na siyang balak na manatili sa kama kaya agad niyang hinawi ang kumot at naglakad papunta sa CR. Naligo muna siya ng mabilis at nagbihis ng malinis na damit bago siya lumabas.

Nakasanayan na ni Lu Jinnian na dumaan muna sa changing room tuwing pagkatapos niyang naghahanda ng kanyang sarili. Kinapa niya ang bulsa ng kanyang pantalon at napansin niyang wala itong laman. Doon niya lang naalala na hindi niya pa pala nakukuha ang kanyang wallet sa isinuot niya kahapon kaya muli niyang kinuha sa labahan ang pantalon na ginamit niya kahapon para kunin ang kanyang wallet bago siya lumabas.

Bigla niyang naalala na isiniksik niya kahapon sa loob ng kanyang wallet kahapon ang resulta ng follow-up checkup ni Qiao Anhao kaya dali-dali siyang bumalik sa CR para kunin ang papel mula sa kanyang wallet. Agad niya itong pinunit at itinapon sa basurahan at nang makuntento na siya, tuluyan na siyang lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.

Tapos ng maghanda ng umagahan si Madam Chen at nang sandaling makita nito si Lu Jinnian na pababa ng hagdanan, masigasig itong bumati, "Good morning, Mr. Lu."

"Morning," tinatamad na sagot ni Lu Jinnian. Naglakad siya papunta sa dining room at nakita niyang walang tao rito kaya bigla siyang nagtanong, "Nasaan ang Missus?"

Nagtatakang tumingin sakanya si Madam Chen. "Hindi pa ba gising ang Missus?"

Biglang kumunot ang mga kilay ni Lu Jinnian. "Pagkagising ko, wala na ang Missus sa tabi ko."

Sumagot lang si Madam Chen ng isang "Ah" at dali-dali niyang hinalughog ang buong mansyon pero sa kasamaang palad, hindi niya talaga makita sa loob si Qiao Anhao kaya kumaripas siya ng tumakbo papaputa sa floor-to-ceiling window sa pagbabakasakaling makita niya ito sa labas ngunit hindi niya talaga ito makita kaya agad siyang bumalik kay Lu Jinnian para sabihin sana na, "Mukhang wala ang Missus sa bahay" pero bago pa man din siya makapagsalita ay kasalukuyan na itong tumatawag kay Qiao Anhao.

-

Nang makita ni Qiao Anhao ang pangalan ng tumatawag, napakarming iba't-ibang emosyon ang bigla niyang naramdaman. Pinalipas niya pa ang ilang sandali bago niya sagutin ang tawag pero magsasalita palang sana siya nang maunahan siyang magtanong ni Lu Jinnian, "Qiao Qiao, saan ka nagpunta?"

Yumuko si Qiao Anhao at pinilit niyang magsalita ng kalmado, "Binisita ko lang si Brother Jiamu."

Matapos marinig ni Lu Jinnian ang naging sagot ni Qiao Anhao, wala na siyang ibang nagawa kundi ang itikom nalang ang kanyang mga labi. Hindi nagtagal, muli siyang nagsalita, "Kamusta si Jiamu?"

"Mas mabuti na siya ngayon." Binasehan ni Qiao Anhao ang mga sinabi ni Han Ruchu at dinagdag, "Isang linggo nalang at makakalabas na siya."

Ayaw na sanang makarinig ni Lu Jinnian ng tungkol kay Xu Jiamu kaya sumagot nalang siya ng isang mahinang "mm" at biglang binago ang usapan. "Pauwi ka na ba?"

"Hindi, susunduin ako Zhao Meng papunta sa set."

"Mm." Sumagot si Lu Jinnian, "Mag-ingat nalang kayong dalawa."

"Sige," sagot ni Qiao Anhao kagaya ng lagi niyang isinasagot sa tuwing nagaalala sakanya si Lu Jinnian. Masyadong malambing ang kanyang boses na kahit sinong makarinig nito ay talagang matutunaw. "Ibababa ko na. Bye."

"Bye," sagot ni Lu Jinnian. Ibababa niya na sana ang tawag pero bigla niyang narinig na muling nagsalita si Qiao Anhao, "Lu Jinnian…"

Muling itinapat ni Lu Jinnian ang phone sa kanyang tenga pero wala siyang sinabing kahit ano. Makalipas ang ilang segundo, muling nagasalita si Qiao Anhao, "May bagong Hollywood movie na ipapalabas sa Biyernes. Manuod kaya tayong dalawa?"