webnovel

Oh, ang honest mo naman (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Umalis lahat ng tao sa palikuran matapos aluin ng konti ni Lin Shiyi.

Habang naka upo si Qiao Anhao sa toilet inaalala niya lahat ng mga sinabi nila at doon niya naintindihan ang buong pangyayari

Nag-book ng KTV room ang buong crew at may ilang investors na kasama, parehas nandoon sina Lu Jinnian at Lin Shiyi. Nang inaya ni Lin Shiyi si Lu Jinnian na sumali at kumanta habang nanahimik ito kaya pinahiya siya nito.

Mailap sa tao si Lu Jinnian. Hindi siya madaling lapitan. Hindi rin siya pala salita pero kung gagawin niya lagi itong nasa punto. Ayon sa kuwento, si Lin Shiyi ni Lu Jinnian. Ang lahat nang nasa kuwarto ay nagulat maging ang direktor sinali niya.

Naalala niya kung paano din siya pinahiya nito ng magalit ito. Naisip na ni Qiao Anhao ang ugali nito at nang pinahiya nito si Lin Shiyi. Hindi niya maiwasan na kilabutan. Umalis na siya ng sigurado ng walang tao.

Lumabas ng stall si Qiao Anhao at naghugas ng kamay sa lababo ng mapansin niya si Lin Shiyi inaayos ang make up sa harap ng salamin.

Alam ni Qiao Anhao na wala siyang ginawang masama kay Lin Shiyi kaya kalamado siyang naghugas ng kamay sa lababo. Hindi niya pinansin si Lin Shiyi pero alam niya panakaw itong sumusulyap sa kanya gamit ang malaking salamin.

Matapos niyang maghugas kumuha siya ng paper towel para tuyuin ito. Habang si Lin Shiyi kumuha lipstick at pinasok ang powder case sa handbag. Tinanggal niya ang takip at sinabi, "Miss Qiao kamangha-mangha ang galing mo sa pag-arte."

Hindi narinig ni Qiao Anhao ang sarcastikong sinabi ni Lin Shiyi. Simula palang ayaw ni Qiao Anhao na magkaroon ng komprontasyon sa pagitan nila ni Lin Shiyi ng malaman niya na kinuha ang role niya. Gusto ni Qiao Anhao ng kapayapaan pero mukhang ayaw ito ni Lin Shiyi. Ngunit, si Qiao Anhao ang babaeng hindi papatalo kaya prinangka niya ito.

"Hindi ba ikaw yung sumira ng heels ko kaninang hapon?"