webnovel

Oh, ang honest mo naman(1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kinuha ni Lu Jinnian ang tuwalya sa assistant niya at binato sa sahig bago pumasok sa resting area ng masama ang expresyon. Matapos kunin ang wallet at telepono, paalis na ito sa set ng makita niya si Zhao Meng na tinutulungan si Qiao Anhao magpatuyo ng buhok. Nagdadalawang-isip man ay nagpatuloy ito sa direksyon nila.

"Qiao Qiao, kahit inspirado ka, ganyan ba kagaan ang buhay mo para sayo. Hindi ka nga marunong lumangoy, bakit ka pa lumusong sa tubig?" Pinagsasabihan ni Zhao Meng si Qiao Anhao, "Kung hindi ka naligtas, maari kang malunod!"

Iniisip ni Qiao Anhao ang nahulog na heels sa tubig. Sumama ang tingin ni Qiao Anhao at mahinang sinabi, "Hindi ko gusto malaglag, sira yung heels na suot ko, kaya nawalan ako ng balanse at nalaglag."

Nabigla si Zhao Meng bago nagtanong, "Ayos naman yung heels mo, paanong masisira yun bigla? Maliban nalang..."

Tumigil si Zhao Meng at wala ng sinabi, pero malinaw na sinira ang heels.

Lumipas ang sandali, biglang may naisip si Zhao Meng at bumulong kay Qiao Anhao, "Qiao Qiao, sa tingin ko may nag-aalala para sayo si Lu Jinnian, kasi kanina ng malaglag ka sa tubig, tulala muna kami pero siya walang alinglangan na tumalon sa tubig."

Alam ni Qiao Anhao si Lu Jinnian ang sumagip sa kanya pero hindi ang tumalon sa tubig. Bumilis ang tibok ng puso ni Qiao Anhao dahil sa sinabi ni Zhao Meng. Tatanongin niya sana ito para klaruhin ito, pero dumating si Lu Jinnian dahilan para hindi niya ito sinabi.

Tumingin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao at matapos ng dalawang segundo, galit na sinabi, "Miss Qiao, sana sa susunod magsabi ka kung dadagan mo ang eksena. Hindi palaruan ang filming set. Hindi lahat kayang sakyan ang mga ideya mo kung kailan mo gustuhin."

Sandali tinignan ni Lu Jinnian ang basang damit at buhok ni Qiao Anhao at matalim na sinabi, "Kung gusto mong magpakamatay, huwag mong gawin dito sa set. Hindi kailangan ng Huan Ying Entertainment ng isang patay na aktress para sirain ang pangalan nito."