webnovel

Lihim na karamay (24)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kalmadong nagsalita si Lu Jinnian. "Yung variety shoe na binigay ko sayo dati ay magrerecord na sa ika siyam g buwan na ito, wag mong kalimutan na maghanda."

Tungkol pala sa trabaho…"Naiintindihan ko."

Biglang tumahimik si Lu Jinnian.

Nanatili si Qiao Anhao sa pagkakahawak ng kanyang phone para hitayin ang sunod na sasabihin ni Lu Jinnian, "Erm, may sasabihin ka pa ba? Kung wala na, ibaba ko na."

Makalipas ang halos isang minuto, muling nagsalita si Lu Jinnian ng mahinahon, "Sige". Pero, noong ibaba na sana ni Qiao Anhao ang tawag matapos niyang magpaalam, muling nagpahabol si Lu Jinnian. "Qiao Qiao…"

Natigilan si Qiao Anhao at hinintay na magpatuloy si Lu Jinnian.

Matapos ang ilang sandaling pananahimik, muling nagsalita si Lu Jinnian. "Hindi ka ba naging abala nitong mga nakaraang araw? Baka kasi nakakapagod ang recording, gusto mo bang iatras ko nalang ang petsa?"

Muli nanamang naguluhan si Qiao Anhao, kagaya rin ng naramdaman niya noong nakita niya ang plastic na iniwanan nito sa tapat ng pintuan niya kagabi. Yumuko siya at hindi kaagad nakapagsalita pero matapos ang ilang sandali ay kalmado siyang sumagot, "Ayos lang, may tatlong araw pa, at sa mga araw na 'yun, ayos na ako."

"Kung…hindi maganda ang pakiramdam mo sa araw ng recording, tandaan mo na sabihan mo kaagad ang mga crew."

"Sige, naiintindihan ko, salamat."

-

Walang balak si Lu Jinnian na agawin si Qiao Anhao kay Xu Jiamu at hindi rin siya umaasa na mahuhulog ito sakanya, pero hindi niya na kasi kayang bumalik na parang hindi sila magkakilala kagaya ng nangyari sa nakalipas na limang taon, ang pinaka malalang mga taon ng buong buhay niya…

Lagi siyang gumagawa ng paraan para lang makalapit at makausap si Qiao Anhao, pero kahit kailan ay hindi siya nabigyan ng pagkakataon.

Ang pagbalita ng tungkol sa variety show ay trabaho ng mga mas nakababang tauhan sa sa kumpanya, pero handa siyang gawin ito para lang makausap si Qiao Anhao kahit ilang minuto lang.

Baguhan palang si Qiao Anhao kaya wala pa ito masyadong schedule, pero para makausap niya ito, sinamantala niya ang kanyang posisyon para mabigyan ito ng maraming trabahao nang sa ganon ay mas mapadalas ang kanilang paguusap.

Kahit na kalahating buwa palang ang nakakalipas, tumanggap na si Lu Jinnian ng tatlong drama, pitong patalastas, at iba pang mga aktibidades para kay Qiao Anhao…

Kahit na hindi sangayon ang mga board members ng Huan Ying Entertainment sa mga naging desisyon niya, hindi pa rin siya napigilan ng mga ito na gawin ang gusto niya.

Nagkaroon na noon ng tensyon ang mga board members, habang nasa kalagitnaan si Lu Jinnian ng pagfifilm ng 'Alluring Times', dahil sa pag'assign niya kay Qiao Anhao ng isang historical drama na kahit kailan ay hindi pa nito nagagawa at ang pinaka malala pa ay pinili rin ni Lu Jinnian na maging producer at maginvest ng malaki para sa drama na ito.

Nakutuban na ng assistant ni Lu Jinnian na sa loob g isang buwan, maraming artistang babae sa Huan Ying Entertainment ang magagalit at magrerebelde.

Ang historical drama na 'Heaven's Sword' na inassign iya para kay Qiao Anhao ay isa ring malakig production kagaya ng 'Alluring Times'

Ito ang unang beses na naging bida si Qiao Anhao kaya sobrang kinakabahan siya, pero buti nalang ang kapareha niya ay ang kaibigan niyang si Chen Yang. 

Parte rin si Song Xiagsi ng drama, pero sadlit lang itong lalabas sa screen dahil guest lang ito.