webnovel

Lihim na karamay (23)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kagaya ng nakasanayan, maagang umalis si Lu Jinnian para pumasok sa trabaho kinaumagahan. Pagkadaan niya sa mansyon ni Xu Jiamu, bigla niyang binagalan ang andar ng kanyang sasakyan at sinilip ito.

Sobrang saya ni Lu Jinnian dahil nakausap niya si Qiao Anhao kagabi. Inayos niya lang ng sandali ang kanyang dokumento, at tumayo sa tapat ng malaking bintana na nasa loob ng kanyang opisina para alalahanin ang naging paguusap nila ni Qiao Anhao kahapon.

Kahit na hindi naman talagang sila masyadong nagusap, sapat na ito para mapasaya siya.

Para sakanya, sobrang napasaya siya ng maliit na pagitan ng kanyang mansyon at ng entrance ng Mian Xiu Garden.

Matagal ding nagmuni-muni si Lu Jinnian bago siya yumuko para humigop ng kape. Noong sandali ring iyon, biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang opisina.

Bahagyang nagbukas ang pintuan at dahan-dahang pumasok ang assistant na may dalang dokumento. "Mr. Lu, kailangan mong pirmahan ito."

Naglakad si Lu Jinnian pabalik sakanyang lamesa para ilapag ang kanyang tasa. Kinuha niya ang dokumento para silipin ito at pagkatapos niyang pirmahan, agad niya rin itong ibinalik sakanyang assistant.

Kinuha ng assistant ang dokumento at muling nagsalita, "Oh, Mr. Lu, may sasabihin papala ako. Tinawagan ko ang variety show inassign mo kay Qiao Anhao at maguumpisa na ang recording nila sa ika-siyam ng buwan na ito. Kung wala ng problema, maguutos na ako ng taong magbabalita sakanya."

"Sige…" kalmadong sagot ni Lu Jinnian, pero noong palabas na ang kanyang assistant, muli siyang nagsalita. "Sandali lang."

Nagtatakang lumingon ang assistant. "Mr. Lu, may kailangan ka ba sa akin?"

Medyo nagalangan pa si Lu Jinnian noong una bago siya magpatuloy, "Ako na ang magsasabi sakanya."

Natigilan ang assistant at hindi niya alam kung paano siya sasagot sa sinabi ni Lu Jinnian pero matapos ang halos isang segundo, naintindihan niya na ang gustong mangyari nito kaya magalang siyang sumagot, "Naiintindihan ko, Mr. Lu."

Hinintay lang ni Lu Jinnian na makalabas at maisara ng assistant ang pintuan bago niya kunin ang kanyang phone para tawagan ang numero na matagal niya ng gustong tawagan pero hindi niya kayang gawin.

-

Kadalasan, hindi talaga maganda ang pakiramdam ni Qiao Anhao sa unang araw ng kanyang regla kaya nanatili tanghali na siyang bumangon.

Sa sobrang bagot ni Qiao Ahao, nananghalian lang siya ng sandali at naisip niyang manuod ng pelikula sa maliit na sinehan sa loob ng bahay ni Xu Jiamu.

Noong nasa kalagitnaan na siya ng kanyang panunuod, nakatanggap siya ng tawag mula kay Xu Jiamu na humihingi ng tawad sa biglaan nitong pagalis kagabi.

Medyo kakaiba ang tono ng boses ni Xu Jiamu pero walang balak na makiusisa si Qiao Anhao kaya hindi niya na rin masyadong pinahaba ang usapan nila.

Muli niyang inilapag ang kanyang phone sa sofa pero hindi nagtagal ay muli nanaman itong tumunog. Noong una, akala niya si Xu Jiamu ulit ang tumatawag dahil bigla niya itong binabaan kaya naghintay pa siya ng ilang sandali bago niya ito kunin.

Nang makita niya ang pangalan ni Lu Jinnian sa screen ng kanyang phone, bigla siyang natigilan bago niya ito sagutin ng malumanay na "Hello."

"Ako 'to," muli niya nanamang narinig ang pangkaraniwang supladong boses ni Lu Jinnian.

Napahawak ng mahigpit si Qiao Anhao sakanyang phone at sumagot ng mahinahon na "yea" na sinundan pa ng isang malumanay na tanong, "bakit?"