webnovel

Lihim na karamay (22)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Biglang nagbago ang itsura ni Qiao Anhao at habang iniisip niya kung sino ang maaring magdoorbell, napasin niya na plastic sa harapan niya.

Wala siyang ideya kung ano ang laman ng plastic pero bigla siyang nakaramdam ng takot na baka may nanloloko sakanya sa kalaliman ng gabi kaya uli niyang iniangat ang kanyang ulo para silipin ang bakuran. Nang wala siyang makitang kahit ano, sinubukan niyang silipin ang plastic at nakita niya ang tatak ng tindahan na pinanggalingan niya kanina.

Maingat niyang binuksan ang plastic para tignan ang laman nito at noon nakita niya ang dalawang karton na may logo, doon palang napanatag ang kanyang puso kaya mas lumakas ang loob niya at dali-dali binuksan ang plastic gamit ang dalawa niyang kamay para ilabas ang mga laman nito.

Mayroon itong dalawang karton g red ginger tea, isag malaking bag ng hot pack, at tatlong bag ng dates… mga pangkaraniwang bagay na ginagamit ng mga kababaihan sa tuwing dinadatnan sila. Epektibo ang red ginger tea para pahupain ang mga period cramps.

Pero ngayon lang dumating ang kanyang regla at wala naman siyang siabihan ng tungkol dito, sino naman kaya…

Bago niya pa mabuo ang salitang nasa isip niya, bigla nalang siyang napatingin sa mansyon ni Lu Jinnian.

Kasalukuyang nagpaparada ng sasakyan si Lu Jinnian sa loob ng bahay nito na paharap sa mansyon ni Xu Jiamu at saktong sakto ang ilaw kay Qiao Anhao kaya nasilaw siya. Iniangat niya ang kanyang kamay para takpan ang mga mata niya at ibinaba niya lang ito nang sandalng mamatay na ang mga ilaw.

Hindi niya nabuksan ang mga ilaw sa bakuran kaya wala siyang makitang kahit ano, pero malinaw niyang narinig ang pagsara ng pintuan sa katabing mansyon. Hindi nagtagal, biglang nagbukas ang ilaw sa loob ng bahay ni Lu Jinnian na nagbigay ng liwanag sa bakuran.

Matagal na nakatitig si Qiao Anhao sa nakailaw na bahay bago niya ibaling ang kanyang tingin sa iba. Muli niyang tinignan ang plastic at sigurado sya na si Lu Jinnian ang nagiwan nito.

Hindi naman ito mahirap hulaan dahil si Lu Jinnian lang naman ang may alam na dinatnan na siya, siguro bumalik ito sa tindahan para bilhin ang mga laman ng plastic na ito noong sandaling pumasok siya sa loob ng bahay.

Biglang nanikip ang dibdib ni Qiao Anhao. Medyo matagal din siyang nakaluhod bago niya isa-isang ibalik sa plastic ang mga inilabas niyang laman ito. Noong papasok na siya sa bahay, muli siyang sumilip sa katabing mansyon na nakailaw.

Pagkabalik niya sakanyang kwarto, nagbukas siya ng isang pakete ng red ginger tea para magtimpla sa isang tasa. Agad na kumalat ang mabango nitong amoy sa buong kwarto.

Umupo siya sa sofa at napatitig sa mainit na tasa ng tsaa na nasa kanyang kamay dahil hindi niya maintindihan kung ano ang nararamdaman niya.

Alam niya na nagaalala sakanya si Lu Jinnian kaya siya sinamahan nito sa tindahan at binilhan ng mga magagamit niya.

Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit ito nagaalala para sakanya, Dahil pa rin ba ito sa batang pinatay nito? Ginagawa pa rin ba ito ni Lu Jinnian dahil nakokonsesya ito?

Maraming beses ng nangyari sakanilang dalawa na kahit alam nilang hindi talaga sila pwedeng magsama, hindi pa rin nila maiwasang maantig sa tuwing may ginagawa ang isa para isa.

Kagaya ni Qiao Anhao at ni Lu Jinnian. Malinaw sakanya na pinatay nito ang anak niya kaya nga nagdesisyon nalang siya na itigil na ang pagmamahal niya para rito kahit gaano pa kahirap para sakanya na tanggalin si Lu Jinnian isip niya. Pero ngayong gabi, hindi niya nanaman mapigilan ang kanyang sarili na maantig sa ikinilos nito para sakanya.