webnovel

Lihim na karamay (16)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa kabila ng mga ingay na nanggagaling sa ibang taong kasama nila sa kwarto, biglang nagsalita ang mahinahong boses ni Song Xiangsi mula sa TV, "Maghiwalay na tayo…"

Biglang humigpit ang pagkakahawak ni Xu Jiamu sa lata na nasa kanyang kamay at sa sobrang higpit ay hindi niya na namalayan na unti-unti niya na itong nayupi at tumagas na sa kanyang kamay ang laman nito. Habang tumatagal ang kanyang pagtitig sa TV, lalo lang tumitindi ang galit na nararamdaman niya hanggang sa dumating ang punto na hindi niya na talaga natiis kaya bigla niyang inilapag ang lata sa coffee table at tumayo siya para maglakad palabas ng kwarto.

Pagkalabas ni Xu Jiamu ng CR, saktong nagbukas din ang pintuan ng room 1005 at lumabas si Song Xiangsi na nakasuot ng isang mini-dress na hapit na hapit sa katawan. Nagtagpo ang kanilang mga mata at matapos ang mahigit isang segundo, sabay nilang ibinaling sa iba ang kanilang mga tingin na para bang hindi nila nakita ang isa't-isa. Pareho silang tumingin ng diretso sa kanya-kanya nilang mga daanan at kalmado mgunit may halong yabang na nilagpasan ang bawat isa.

Narinig ni Xu Jiamu ang pahina ng pahina na "ta ta ta" na tunog na nanggaling sa mga takong ni Song Xiangsi. Bigla siyang napahinto sakanyang paglalakad at kinuha niya ang kanyang phone para gumawa ng tawag. Ilang sandali pa ang lumipas ngunit hindi pa rin siya umaalis sakanyang kinatatayuan hanggang sa muling magbukas ang pintuan ng room 1005 kasabay ang pagsulpot ng isang lalaking nakasuot ang kulay gray na suit. "Young master Xu, dito po."

Walang emosyong sinundan ni Xu Jiamu ang lalaking nakasuot ng kulay gray na suit papasok sa loob ng room 1005. 

Ang kwarto ay punong puno ng mga korupsyon at kahalayan. May mga nakita siyang ilang mga babae at lalaking nakaupo sa paligid. Umagaw din sakanyang atensyon ang dalawang babaeng nakasuot ng pangkatulong na damit na nakaupo sa tabi ng isang kumakantang lalaki na may malaking tiyan at base sakanyang tantsa ay nasa middle-age palang. Wala sa tono ang lalaki pero bigay na bigay pa rin itong kumanta.

"You are my little apple, I can't love you enough..."

Simula pagkabata ni Xu Jiamu, madalas na siyang nakakapunta sa mga business circle sa Beijing dahil gusto siyang sanayin ni Han Ruchu na dumalo sa ibat'-ibang klase ng okasyon kaya marami siyang nakilalang mga tao. Habang tumatanda siya, natutunan niya na kung paano magpakitang tao kaya kabisadong kabisado niya na rin kung paano siya kikilos sa mga ganitong klase ng pagtitipon.

Kung hindi man isang daan, siguro nasa siyamnapung porsyento pa rin ang mga kakilala niyang mayayama na tao sa Beijing. Mayroong limang lalaki sa loob ng kwarto at kilala niya ang lahat ng mga ito. Dalawa sa mga ito ay mga self-proclaimed na artista pero dahil walong buwan din siyang nawalan ng malay, hindi niya masyadong nakilala kaagad ang mga ito.

Nang sandaling pumasok siya, biglang napahinto ang lalaking kumakanta at ibinaba ang mikroponong hawak nito para batiin ang manager ng Royal Palace.

Kahit na matagal ng hindi napadpad si Xu Jiamu sa Royal Palace, hindi pa rin siya kayang tanggihan ng manager at masigasig nitong pinapila ang mga magagandang babae na pwede niyang pagpilian.

Walang emosyon na umupo si Xu Jiamu sa sofa, at pabalik balik na tinitigan ang mga babae. Hindi siya umiimik na para bang mayroon siyang hinihintay.

Masayang nakatayo ang manager sa isang gilid at wala itong balak na madaliin siya.

Hindi nagtagal, ang lalaking nakayakap sa isang cute na babae ay lumapit kay Xu Jiamu para tulungan siyang mamili. Dalawang beses itong tumuro at nagbigay pa ng opinyon, "Ang isang 'to, at ang isang yan, ay hindi na masama…"

"Oh talaga?" walang emosyon na pagtatanong ni Xu Jiamu.

Ngunit bago pa man matapos si Xu Jiamu sa pagsasalita, biglang nagbukas ang pintuan at pumasok si Song Xiangsi na nagpunta sa CR para makaiwas sa paginom ng alak. Pagkabukas niya ng pintuan, gigil na gigil siya at nagrereklamo sakanyang loob looban na hindi na siya babalik muli rito para mang'entertain kung hindi siya babayaran ng tama. 

Noong sandali ring iyon, bigla niyang nakita si Xu Jiamu na nakaupo sa gitna ng sofa. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at nanlisik ang kanyang mga mata pero bago pa man din siya makapagsalita, biglang itinaas at iginalaw ni Xu Jiamu ang kamay nito para mamili hanggang sa tuluyan itong huminto sakanya, "Ito."