webnovel

Labintatlong taon kitang minahal (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagmamadaling kumuha si Lu Jinnian ng isang pirasong popcorn na inilagay

niya sa bibig ni Qiao Anhao.

Napatingin si Qiao Anhao sa popcorn na hawak ni Lu Jinnian at dali dali niyang

binawi ang kamay na ipangdudukot niya sana ng popcorn na nasa tabi niya.

Gamit ang kanyang bibig, kinagat niya ito at muling nagpatuloy sa panunuod.

Nang makita ni Lu Jinnian na nalunok na ni Qiao Anhao ang isinubo niya, dali-

dali siyang kumuha ng isa pa para muling isubo rito. Sakto, ang kasalukuyang

eksena ay si Lin Shiyi na nakawedding dress.

Hindi nanaman nagustuhan ni Lu Jinnian ang nakita niya kaya muli siyang

nagsalita na halatang naiinis, "Sabi nila, nagiging pinaka maganda raw ang

isang babae kapag nakasuot sila ng wedding dress. Ngayon, sino kayang

sumasampal sa mga sarili nila? Yan ang halimbawa ng isang panget na

nakasuot ng wedding dress."

Simula noong magumpisa ang pelikula hanggang sa kasalukuyan, hindi na

tinantanan ni Lu Jinnian si Lin Shiyi at maya't-maya niya itong pinipintasan

kaya bandang huli, hindi na nakapagpigil si Qiao Anhao at bigla itong lumingon

sakanya.

Noong magtagpo ang mga tingin nila, balak sanang maging seryoso ni Lu

Jinnian at sabihin, "Qiao Qiao, sigurado ako na ikaw ang magiging pinaka

magandang babae sa buong mundo kapag nakawedding dress ka."

Pero bago niya ito masabi, bigla namang nagsalita si Qiao Anhao, "Lu Jinnian,

alam mo bang kabastusan ang makipagusap sa sinehan?"

Nagulat si Lu Jinnian sa narinig niya kaya biglang umatras ang gusto niya

sanang sabihin.

Sinimot ni Qiao Anhao ang mga natirang popcorn sa mga daliri niya at

nagpatuloy, "Isa pa, bakit ba sobrang pinapansin mo si Lin Shiyi? Siguro may

gusto ka sakanya no?"

Dali daling umiling si Lu Jinnian at noong magpapaliwanag na sana ito, bigla

naman siyang dumakot ng maraming popcorn na agad niyang isinubo. Noong

sandali ring iyon, itinapat niya ang kanyang hintuturo sakanyang mga labi para

senyasan itong 'wag ng magsalita'

Dahil nakabuka na ang bibig ni Lu Jinnian, muli niya nalang itong itinikom.

Hindi nagtagal, lumapit siya kay Qiao Anhao para bumulong, "Qiao Qiao, alam

mo namang hindi 'yun ang ibig kong sabihin."

Hindi siya pinansin ni Qiao Anhao at nagpatuloy lang ito sa panunuod. Nang

makita niyang muli nitong binuksan ang bibig nito, dali dali siyang kumuha ng

popcorn na bigla niyang isinubo rito. Noong aalisin niya na sana ang kamay

niya, hindi siya sigurado kung sinadya ba o hindi ni Qiao Anhao, pero nakagat

nito ang kamay niya. Hindi naman masyadong madiin, pero noong sandaling

iyon, parang biglang namanhid ang mga daliri niya na mabilis na dumaloy

sakanyang puso.

Dali dali niyang hinila ang daliri niya at gamit ang isa niyang kamay, hinimas

niya ang parte na nakagat nito. Muli niyang tinignan si Qiao Anhao na tutok na

tutok pa rin sa big screen. Mukha itong kalmado pero nakita niya na namumula

ang tenga nito. Napalunok nalang siya at noong sandali ring iyon, tuluyan na

siyang kumalma.

-

Alas diyes na ng gabi noong natapos ang pelikula. Bukas pa ang supermarket

na nasa lower floor kaya naisipan ni Qiao Anhao na bumili muna ng pakwan.

Pagkatapos nilang mamili ng pakwan, dumaan naman sila sa snacks section.

Kumuha si Lu Jinnian ng ilang fruit pudding at mani para may makain si Qiao

Anhao sa tuwing manunuod ito ng TV sa gabi.

Habang nakapila sila, isang maliit na karton na may iba't-ibang kulay ang

umagaw sa atensyon ni Lu Jinnian. Naalala niya ang nangyari sakanila ni Qiao

Anhao kagabi. Dahil wala silang condom sa bahay, kinailangan niyang umatras

noong lalabasan na siya. Kaya ngayon, ilang sandali rin siyang nakatayo lang

sa harap ng shelf para pagisipan kung bibili ba siya hanggang sa makumbinsi

siya na kumuha ng ilang extra thin condom.

Biglang namula ang mukha ni Qiao Anhao nang makita niya ang ginawa ni Lu

Jinnian. Hindi niya kayang tignan ito kaya nagpanggap nalang siya na parang

wala siyang nakita at nagpatuloy lang sa pagtutulak ng trolley. Diretso lang

ang kanyang tingin dahil ayaw niyang tignan ang mga inilagay nito sa mga

pinamili nila. Pero sa tuwing nakikita niya ito mula sakanyang peripheral view,

bigla nalang bumibilis ang tibok ng puso niya.