webnovel

Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (30)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Mr. Lu, may kailangan lang akong ipaalala sayo…

"Ano bang kailangan mong ipaalala sa akin?" Naiiritang tanong ni Lu Jinnian.

Kinuha niya ang listahan binigay sakanya ng kanyang assistant kaninang

umaga. Tungkol 'yun sa mga napagusapan sa meeting kahapon kung paano

manligaw ng isang babae.

Maingat na nagsalita ang assistant, "Mr. Lu, bago ko sabihin sayo ang paalala

ko, pwede ba kitang tanungin ng personal na tanong?"

Nanatiling nakayuko si Lu Jinniang nang sumagot siya, "Sige"

"Mr. Lu, tungkol sa meeting kahapon, si Miss Qiao ba ang babaeng sinabi

mong nililigawan mo?"

"Bukod sakanya, may iba ka pa bang naiisip?" Sa pagkakataong ito, tinignan

ni Lu Jinnian ang assistant ng may nanlilisik na mga mata na para bang

pinagbabantaan niya ito na wag siyang susubukan.

Natakot ang assistant sa itsura ni Lu Jinnian kaya dali nagmamadali siyang

umiling, "Wala, wala na kong ibang maisip."

Kinakabahan siya na baka bigyan ni Lu Jinnian ng ibang ibig sabihin ang

naging pagtatanong niya kaya dali dali siyang nagsalita para bigyang diin ang

punto niya. "Mr. Lu, wag mo sanang kakalimutan na hindi pwedeng malaman

ni Miss Qiao na namatayan siya ng anak sa loob ng sinapupunan niya.

Sobrang malapit siya sa Xu family at isa pa, kinalakihan niya ng kasama sina

Xu Wanli at Han Ruchu. Kung malalaman niya na kinalaban mo ang mga

Xu….Paano kung dahil dun, hindi ka na niya mahalin?"

Nang marinig ni Lu Jinnian ang tungkol sa pagkamatay ng anak nila ni Qiao

Anhao, naalala niya ang aksidente na nangyari habang nagfifilm sila ng

Heaven's sword. Bigla siyang kumalma dahil malinaw sakanya na wala na

siyang kailangang alalahanin dahil alam naman na ni Qiao Anhao ang tungkol

dun.

Nanginginig sa takot ang assistant habang iniisip niya ang nasabi niya kay Lu

Jinnian na baka hindi na ito mahalin ni Qiao Anhao. Sa takot niya na baka

magalit sakanya si Lu Jinnian, muli siyang nagsalita para bawiin ang nauna

niyang sinabi. "Mr. Lu, alam ko naman na maniniwala sayo si Miss Qiao. Ikaw

lang ang paniniwalaan niya. At sigurado ako na mamahalin ka pa rin niya!"

Sanay na si Lu Jinnian na binabawi ng kanyang assistant ang mga sinasabi

nito sa tuwing may nasasabi ito ng padalos dalos, kaya hindi niya ito pinansin

at nagpatuloy, "Alam niya na ang tungkol sa bata."

"Eh? Ah? Alam na ni Miss Qiao?" Halos malaglag ang mga mata ng assistant

sa sobrang gulat. "Paano nalaman ni Miss Qiao?"

Sa pagkakatanda ng assistant, siya at ang doctor lang ang may alam ng

tungkol sa nangyari sa anak ni Qiao Anhao kaya dali dali niyang nilis ang

pangalan niya. "Mr. Lu, pinapangako ko sayo, hindi ako ang nagsabi kay Miss

Qiao!"

"Si Han Ruchu," kalmadong sagot ni Lu Jinnian.

Nakahinga ng maluwag ang assistant. Buti nalang, hindi siya pinagbintangan

ni Mr. Lu.

Muling nagsalita si Lu Jinnian na para bang nagpapasalamat," Kung hindi

naaksidente si Qiao Qiao habang nagfifilm, hindi ako tatalon para iligtas siya.

Siguro, habang buhay niya na akong hindi maiintindihan.

"Ibang klase talaga si Han Ruchu!" Hindi napigilan ng assistant na maglabas

ng kanyang sama ng loob, pero hindi nagtagal, muli niyang naalala ang

kailangan niyang sabihin kay Lu Jinnian."Mr. Lu, kahit na nakunan talaga si

Miss Qiao, wala pa rin tayong sapat na ebidensya para patunayan ang mga

nangyari. Kung ang sleeping pills lang na nilagay sa swallow's nest ang

pagbabasehan natin, baka hindi 'yun sapat para makumbinsi natin sya. Kung

hindi niya tatanggapin ang katotohanan na kayang gumawa ni Han Ruchu ng

mga ganung bagay, ibig sabihin lang 'nun ay kailangan pa nating…"

Sa pagkakataong ito, sinigurado ng assistant na tama ang sasabihin niya.

"Ako ng bahala." May plano na si Lu Jinnian. Noong nasa bingit sila ng

kamatayan, hindi niya sinabi kay Qiao Anhao ang katotohanan dahil magiging

mother-in-law nito si Han Ruchu at malaki ang posibilidad na masira ang

relasyon ng dalawa.

Pero nagbago ba ang lahat dahil ngayon, pwede niya ng makasama si Qiao

Anhao.