webnovel

Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (29)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sis…alam mo namang madali akong matakot, wag mo naman akong pakabahin. Ano bang ibig mong sabihin na mukhang hindi maganda?"

"Ibig sabihin, baka mapalitan ng CEO ang Xu Enterprise."

"Mapalitan ng CEO?" Napakagat si Qiao Anhao ng kanyang labi at nagpatuloy, "Ibig mong sabihin, may posibilidad na mapunta sa iba ang Xu Enterprise?"

Kahit na ayaw marinig ni Qiao Anhao ang sasabihin ni Qiao Anxia, kailangan niyang tanggapin dahil hindi naman talaga sa lahat ng oras ay umaayon ang tadhana.

Walang padalos dalos na sagot ng pinsan niya, "Oo, at isa pa Qiao Qiao, kahit na nagdivorce na kayo ni Xu Jiamu, wag mong kakalimutan na maganda pa rin ang relasyon ng pamilya natin sakanila. Tinawagan ko na ang Xu family kanina. Tinawagan lang kita para sabihin sayo na tawagan mo rin sila."

Dahil nalaman ni Qiao Anhao na may malaking problema ang Xu Enterprise, hindi siya nagdalawang isip na tawagan si Xu Jiamu.

Medyo matagal bago sumagot si Xu Jiamu. Base sa naririnig niya, mukhang marami itong ginagawa. May naririnig siyang mga boses ng tao na parang nasa isang meeting, mayroon ding nagbukas at nagsaradong pintuan, bago niya marinig ang boses ni Xu Jiamu na halatang pagod na pagod. "Qiao Qiao, napatawag ka?"

"Brother Jiamu, kakatawag lang sakin ni Anxia. Sinabi niya sa akin ang nangyari sa Xu Enterprise. Kamusta ka ngayon?"

"Ayos lang ako." Mukhang nagsindi si Xu Jiamu ng sigarilyo dahil naririnig niya sa kabilang linya na bumuga ito ng hangin. Noong muli sana siyang magsasalita para icomfort ito, bigla siyang may narinig na boses, "Young Chied Xu, bumababa nanaman ang mga stocks…"

"Qiao Qiao, kailangan ko ng ibaba. May ginagawa lang ako ngayon. Tatawagan nalang kita mamaya." Nagmamadaling sabi ni Xu Jiamu na biglang ibinaba ang tawag.

Pagkababa ni Xu Jiamu, pinakinggan pa ni Qiao Anhao tunog na nagpapahiwatig naibaba na ng kabilang linya ang tawag. Pagkaalis niya ng kanyang phone mula sa tenga niya, agad siyang nagbukas ng internet browser. Hinanap niya ang Xu Enterprises at bumungad sakanya ang balita na bumabagsak ang presyo ng stocks nito sa kasalukuyan. May ilang articles din siyang nabasa na krinikritiko ang Xu Enterprise.

-

Umabot ng alas kwatro imedya ang pang'alas tres na meeting Lu Jinnian. Pagkabalik niya sakanyang office, may ibinigay sakanya ang assistant niya na mga dokumento na kailangan niyang pirmahan. Habang binabasa niya ang mga nakasulat, ipinagtimpla siya nito ng ng kape.

Pagkabalik ng assistant na may tasa, tapos na niyang pirmahan ang mga dokumento.

Pagkalapag ng assistant ng kape sakanyang lamesa, agad niya itong kinuha para humigop, pero dahil masyadong mainit, muli niya itong ibinaba sa lamesa at pinadulas ang mga napirmahan niyang dokumento papunta sa harap ng assistant.

Imbes na kunin ng assistant ang ibinigay niya, bigla itong naglabas ng phone na inilapag sa harapan niya. "Mr. Lu, ito ang balita na kalalabas lang ngayon." Sadlit itong natigilan bago magpatuloy, "Tungkol sa Xu Enterprises."

Tinap niya ang screen para medyo magliwanag ang phone. Walang emosyon niyang tinignan ang laman ng balita at sumagot lang siya ng isang mahinang "mm". Hindi nagtagal, nagtanong siya, "Ilan ang nabili kong stocks ng Xu Enterprise?"

"Three percent nalang ang kulang para maging fifty percent."

Muling kinuha ni Lu Jinnian ang kape para uminom. Tumungo lang siya at itinaas ang kanyang kamay para senysan ang kanyang assistant na lumabas na.

Pero hindi gumalaw ang assistant at nanatili lang ito sa kinatatayuan nito.

Bahagyang inilayo ni Lu Jinnian ang tasa sa mga labi niya at nagtatakang tumingin sakanyang assistant. Napakunot siya ng noo at nagtanong, "May kailangan ka pa ba?"

"Mr. Lu, may kailangan lang akong ipaalala sayo…"