webnovel

Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (18)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Huy Lu Jinnian, hindi mo ba iinuman yang pangalawang baso mo?" Muling tanong ni Qiao Anhao nang makita niyang hindi pa rin gumagalaw si Lu Jinnian.

"Ay oo, oo" Hindi mapakaling sagot ni Lu Jinnian at nagmamadali niyang inubos ang laman ng baso.

Pagkababa niya ng baso, kinurot niya ang kanyang sarili ng madiin sa parte na hindi nakikita ni Qiao Anhao para mahimasmasan.

Kinuha niya ang wine at muling nilagyan ang baso niya para pakalmahin ang puso niyang tumatalon sa sobra-sobrang kaligayahan. Tinignan niya si Qiao Anhao at nagtanong, "Ngayong single ka na ulit, may mga plano ka na ba?"

"Plano, hmm, wala pa naman…" Umiling si Qiao Anhao habang inaabot ang sweet vinegar pork rib, pero bago niya pa maabot ang plato, inunahan siya ni Lu Jinnian na ilagay ang pinakamalaking hiwa sa kanyang bowl. 

Yumuko sandali si Qiao Anhao para kainin ang ribs bago siya muling magsalita, "Pero sa ngayon, ang pinaka mahalaga siguro ay matapos ko muna ang 'Heaven's Sword'"

Pagkarinig ni Lu Jinnian ng sagot ni Qiao Anhao, bigla niyang naalala na minsan siyang ginapang nito sa kama noong nagpapanggap pa silang magasawa. Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw sakanya ang tunay nitong rason. Kung pera lang ang paguusapan, malayo naman ito sa pagiging gipit kaya bakit ba talaga ito pumasok sa industriya?

Interesado talaga siyang malaman ang dahilan ni Qiao Anhao kaya hindi niya na napigilang magtanong, "Qiao Qiao, hindi ko pa pala naitatanong sayo noon. Bakit nga pala pumasok sa entertainment industry?"

"Dahil…"

Sayo…muntik ng madulas si Qiao Anhao, pero buti nalang napigilan niya. Muli siyang yumuko para kumain bago siya magpatuloy, "…Gusto ko kasing maging best screen actress."

Para maging best screen actress, kailangan niya munang maging parte ng best screen couple.

Noong hindi niya pa nalalapitan si Lu Jinnian, tinanggap niya ng baka hindi talaga sila pwedeng magkatuluyan kaya nakuntento na siya na kahit on-screen nalang silang maging mag'asawa.

Napakagat siya sa kanyang chopsticks at tinignan si Lu Jinnian. "Oh tama, diba ang tanong mo ay kung anong balak kong gawin? Panandalian lang ang 'Heaven's Sword' pero balang araw gusto ko talagang makahanap ng isang mabuting lalaki na makakasama ko habang buhay."

Biglang nagkaroon ng pagasa si Lu Jinnian at base sa naging sagot ni Qiao Anhao, muli siyang nagtanong, "Ano ba ang mabuti para sayo?"

'Parang ikaw…" isip isip ni Qiao Anhao. Patuloy pa rin siya sa pagkagat ng kanyang chopsticks at hindi nagtagal, masaya siyang ngumiti at muling nagsalita, "Para sa akin ang mabuti ay yung taong tinatrato ako ng maayos."

-

Kahit sinabi ni Qiao Anhao na libre niya, nagpumilit pa rin si Lu Jinnian na magbayad.

Tig'isa nilang hinila ang dalawang maleta palabas ng Hua Yuan hotel. Pagkarating nila sa sasakyan, agad na nilagay ni Lu Jinnian ang mga gamit sa likod at binuksan ang passenger seat para kay Qiao Anhao. Sinigurado niya munang nakaupo na ito ng maayos bago siya sumakay sa driver's seat.

Pagka'start ng sasakyan, biglang nagsalita si Qiao Anhao, "Lu Jinnian, sa Four Seasons hotel mo nalang ako ibaba."

Pagkatapos magsalita ni Qiao Anhao, nagtatakang tumingin sakanya si Lu Jinnian. Alam niyang naguguluhan ito kaya nagpaliwanag siya, "Umalis na ako sa mansyon ni Brother Jiamu, pero ayoko namang bumalik sa mansyon ng mga Qiao. Isa pa, masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya hindi pa ako nakakahanap ng matutuluyan."