webnovel

Kabanata 542: Labintatlong taon kitang minahal (13)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang kahit anong intensyon si Lu Jinnian na itago ang katotohanan kaya hindi siya nagdalawang isip na umamin. "Tama ka."

"Anong kailangan kong gawin para tumigil ka? Pinaghirapan ko ang lahat ng ito. Pwede mo akong puntahan…"

Matapos makuha ni Lu Jinnian ang ebidensyang kailangan niya, hindi na siya interesadong pakinggan ang mga walang kwentang sinasabi ni Han Ruchu… Hindi niya na ito pinatapos sa pagsasalita at muli niyang pagalit na sinabi, "Mrs. Han, kung sa tingin mo titigilan kita, tandaan mo ito… Wag ka ng umasa!"

Pagkatapos magsalita ni Lu Jinnian, dali dali niyang ibinaba ang tawag. Sobrang nandidilim ang kanyang paningin. Naglakad siya pabalik sakanyang lamesa at iniangat ang kanyang intercom. Hindi nagtagal, nagmamadaling kumatok ang kanyang assistant at pumasok.

Ibinigay ni Lu Jinnian ang kanyang phone at sinabi, "Kunin mo ang voice recording at iupload mo sa recording pen. Kakailanganin ko yan mamayang gabi."

-

Ang Xu Family.

Nang marinig ni Han Ruchu na naputol na ang tawag, ilang beses siyang sumigaw sa sobrang galit hanggang sa ibato niya ng malakas ang kanyang phone sa sahig.

Sobrang balisa at hindi siya makahinga ng maayos dahil pakiramdam niya ay natalo siya.

 "Madam, wag ka ng magalit…" Pagpapakalma ng mayordoma. Naglakad si Han Ruchu papunta sa sofa at noong sandali ring iyon ay bigla siyang nanghina. Nang makiita ng mayordoma na matutumba na siya, dali-dali itong naglakad papalapit sakanya para alalaya siya. "Madam, ayos ka lang ba?" 

Ikinuyom ni Han Ruchu ang kanyang mga kamay habang nanlilisik sa galit ang kanyang mga mata. Maya-maya pa ay bigla siyang nagsalita ng pagalit, "Alam niya na kung anong nangyari. Alam niya na na ako ang pumatay sa anak ni Qiao Qiao."

Biglang nabalot ang mga mata ni Han Ruchu ng takot. "Kapag nalaman ni Jiamu ang katotohanan, siguradong magagalit siya sa akin…"

Natigilan si Han Ruchu na para bang may naisip siyang isang magandang ideya. Itinuro niya ang telepono na nasa gilid at sinabi, "Bilisan mo, tawagan mo si Jiamu, sabihin mo na ako ay…"

Bumulong si Han Ruchu sa tenga ng mayordoma. 

Nakinig ng maigi ang mayordoma at pabulong din itong sumagot, "Yes, Madam."

Pagkatapos masabi ni Han Ruchu ang kanyang utos, dali-daling pumunta ang mayordoma sa telepono para tawagan ni Xu Jiamu. Ilang sandali rin siyang naghintay bago ito sumagot. Nagpanggap siyang kinakabahan at nagsalita, "Young Master! Hinimatay si Madam sa sobrang sama ng loob…. Hindi dahil sa nangyari sa Xu Enterprise kundi dahil sa tawag ng kapatid mo. May sinabi siya patungkol sa ginawa niyang pansasabotahe sa investment ni Madam na may halagang ilang bilyon at kung bakit bumagsak ang stocks ng Xu Enterprise.

"Dahil daw sa naging trato nina Sir at Madam sa nanay niya noon. Kaya ngayon, gusto niyang maghiganti para iparamdam ang naramdaman niya noon. Yun lang ang alam ko pero hindi ko pa masyadong sigurado ang buong detalye…Sa ngayon, mas mabuti siguro, Young Master kung uuwi muna kayo rito para makita niyo si Madam…"

Pagkababang pagkababa ng mayordoma ng telepono, agad na nagtanong si Han Ruchu. "Kamusta?"

"Mukhang galit na galit ang young master. Pauwi na raw siya. Madam, tatawagan ko na ba ang family doctor? Magpahinga kaya muna kayo sa taas para hindi makakutob ang young master sa plano niyo."

Bahagyang tumungo si Han Ruchu at tumayo mula sa sofa. Umakyat siya sa taas habang ang mayordoma ay nakasunod lang sakanya. 

Habang paakyat, muling nagsalita ang mayordoma, "Madam, buti ang bilis niyong magisip. Anak mo si young master kaya magkadugtong ang mga puso niyo. Ngayon na narinig niyang hinimatay kayo ng dahil sa bastordong iyon, tiyak na hindi na siya maniniwala sa mga magiging katwiran nito.