webnovel

Huwag kang magsabi ng bagay na walang katotohanan (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumakay ng sasakyan si Qiao Anhao at umalis sila ni Qiao Anxia.

Mabilis umalis ng villa ang sasakyan nila, nagtanong siya kay Qiao Anxia, "Kailan ka pa dumating sa Beijing?"

"Kagabi mga 11"

"Ang haba ng bakasyon mo, halos mga 4 na buwan."

Ngumiti si Qiao Anxia pero hindi sumagot. Sandali siyang lumingon kay Qiao Anhao bago nagtanon, "Ikaw? Kamusta buhay may asawa? Kamusta ang trato sayo ni Xu Jiamu?"

Bukod kay Qiao Anhao, ang akala ng Qiao familly gising na si Xu Jiamu at ito ang pinakasalan niya.

Lumingon siya sa bintana at sumagot, "Ayos naman." Napansin niya na papunta sila sa hilaga at nagtanong siya, "Saan tayo pupunta?"

"Kakain, May family restaurant sa baba ng bundok at masarap ang pagkain."

Tumango si Qiao Anhao.

Lumipas ang sandali, Nagsalita si Qia Anxia. "Ngayong hapon hindi lang tayo ang kakain may kasama pa tayo."

"Sino?" Lumingon si Qiao Anhao sa kapatid niya.

Tumingin ito sa kalye at ngumisi, "Taong maaring maging boyfriend ko."

Hindi pa narinig ni Qiao Anhao na may ka-dating na si Qiao Anxia kay nagtaka siya, "Sino? Kailan pa?"

"Ilang taon na lumipas." Sagot ni Qiao Anxia, ngumiti ito ng kakaiba. "Hindi ako sigurado. Pero ngayon, bamangyari."

Nagtaka si Qiao Anhao, "Ilang taon na, Bakit wala kang sinasabi Qiao Anxia?"

"Alam mo kasi..." sinagot na ito ni Qiao Anxia bago pa magtanong si Qiao Anhao, "Kilala mo siya." Yu

"kilala ko na siya ng ilang taon? Sino?" lalong naging interesado si Qiao Anhao.

Tumawa lang ang kapatid niya.

Kilala niya at malapit kay Qiao Anxia. Nag-isip siyang mabuti at hinulaan, "Yung tagapagmana ng Wansheng Group?"

"Siya? Hindi ko i-dadate yun kahit bulag ako," sinabi ni Qiao Anxia mapang mata niyang sinabi.

"Yung university student council president?"

"Paano? Hindi nga kami nag-uusap hanggang ngayon."

"Baka naman si Tony yung nasa America..."

"Huwag mo ng hulaan. Malalaman mo rin maya-maya."

-

Kahit na family dishes ang handa nila galing ito sa lokal na farm kaya lahat ay kakaiba. May malaking fish pond malapit sa pinto nito.

Maaga Nag-book ng room si Xiao Anxia. Dinala sila ng staff ng marinig ang pangalan nito.

Nang maupo na sila Qiao Anxia at Qiao anhao sa booth dumating ang serbidor.

"Miss Qiao, dumating na ang kasama niyo."