webnovel

Gumalaw na si Xu Jiamu (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkalapit ng makeup artist kay Qiao Anhao, muli nanamang nagloko ang kanyang tiyan. Kinailangan niya nanamang tiisin ang amoy nito at pinilit nalang ang kanyang sarili na magisip ng ibang bagay.

Pero habang dinadagdagan ng babae ang kanyang eye shadow, mas lumakas pa ang amoy nito dahil mas lumapit ito sakanya kaya bandang huli ay hindi niya na talaga kinayang tiisin at sumuka na siya sa gilid.

Hindi masyadong kumain si Qiao Anhao noong araw na 'yun at natunaw na rin ang lahat ng nakain niya, kaya parang tubig lang ang isinuka niya na hindi naman ganun kadami.

"Miss Qiao, okay ka lang ba? May sakit ka ba? Nagaalalang tanong ng makeup artist.

Di hamak na guminhawa ang pakiramdam ni Qiao Anhao matapos niyang magsuka. Nagmuog siya gamit ang isang bote ng mineral water na binili ni Zhao Meng at nagpaliwanag sa kanyang makeup artist, "Nakarami kasi ako ng nainom na alak kagabi kaya sumasakit ang tiyan ko."

Inayos ng makeup artist ang kanyang lipstick dahil medyo nabura ito noong nagmumumog siya. "Dahil sa mainit na panahon ngayon, mas madaling napapanis ang mga pagkain, kaya kailangan mag-ingat ka sa mga kakainin mo. Mas mabuti pang uminom ka ng gastric pills."

"Sige." Ngumiti si Qiao Anhao at wala na siyang balak pang magsalita.

Lumapit si Song Xiangsi para makisali sa paguusap nina Qiao Anhao at ng makeup artist nito. Tumingin siya kay Lu Jinnian at nakita niyang kumunot ang mga kilay nito matapos nitong makitang sumusuka si Qiao Anhao.

Napangiti si Song Xiangsi habang hinihintay na matapos ang kanyang makeup. Bago magumpisa ang pangalawang eksena, lumapit siya kau Lu Jinnian.

Alam ni Lu Jinnian na may taong tumabi sakanya pero hindi niya ito pinansin.

Inikutan siya ni Song Xiangsi bago ito huminto sa tabi niya at sinundan nito ang kanyang tingin na papunta kina Zhao Meng at Qiao Anhao.

Tahimik lang na nakatayo si Song Xiangsi sa tabi ni Lu Jinnian hanggang sa nagsabi na ang direktor na maguumpisa na ang pagfifilm. Umayos siya ng tindig at yumuko para tignan ang mga kuko niyang kakamanicure lang bago dahan-dahang magsalita, "Mukhang may gastric problem si Qiao Anhao dahil sa nainom niyang alak kagabi." Matapos niyang magsalita ay agad din siyang umalis.

Pagkatapos ifilm ang pangalawang eksena, tumayo muna si Lu Jinnian sa isang gilid para pagmasdan si Qiao Anhao. Habang naglalakad siya pabalik ng makeup station, muli nanaman niyang nakitang sumusuka si Qiao Anhao kaya biglang nagbago ang kanyang itsura.

Naghihintay na ang kanyang assistant noong natapos siyang magbura ng kanyang makeup. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at umupo sa loob kaya agad na ring binuksan ng kanyang assistant ang makina at nagmaneho pabalik sa hotel ng mga filming crew. Pero habang patawid sila sa intersection, si Lu Jinnian ay nagsalita sa kauna-unahang pagkakataon mula noong sumakay ito ng sasakyan. "Pumunta tayo sa pinakamalapit na pharmacy."

Hindi umalma ang kanyang assistant at agad nitong inenter ang kanyang utos sa GPS. "Mr. Lu, may sakit ka ba?"

Hindi sumagot si Lu Jinnian at muling tumingin sa bintana.

Hindi na rin nangulit ang kanyang assistant at sinundan nalang nito ang daan papunta sa pinakamalapit na pharmacy na sinasabi ng GPS.

Wala pang dalawampung minuto noong huminto ang sasakyan. Sa pagkakataong ito ay muling nagtanong ang assistant, "Mr. Lu? Anong kailangan mo? Ako nalang ang bibili para sayo."

"Ako na", sagot ni Lu Jinnian habang dahan-dahang binubuksan ang pintuan, handa ng maglakad papunta sa pharmacy.

Maraming klase ng gastric pills kaya inulit niya sa attendant ang sinabi ni Song Xiangsi sakanya at naghintay ng rekomendasyon nito.