webnovel

Do You Know Who He Likes? (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bihira lang na may bumisita sa mansyon ni Lu Jinnian sa Mian Xiu Garden kaya nagtaka si Qiao Anhao at binitawan ang kanyang kutsara. Noong tatayo na sana siya, naunahan siyang maglakad ni Madam Chen papalabas ng dining room at sinabi, "Madam, ako na ang magbubukas ng pintuan."

Bumalik si Qiao Anhao sa kanyang kinauupuan at nagpatuloy sa kanyang pagkain ng congee, muling sinubukang alalahanin ang mga nangyari sakanya.

"Qiao Qiao!"

Pasubo na sana siya ng congee nang sumigaw si Zhao Meng na papasok sa loob ng bahay.

Napitigil siya ng sandali pero hindi niya agad pinansin si Zhao Meng at nilunok muna ang congee na nasa kutsara niya.

Kilala ni Madam Chen si Zhao Meng dahil maraming beses na nitong sinundo si Qiao Anhao sa Mian Xiu Garden kaya hindi ito nag-alangan na kuhaan si Zhao Meng ng upuan. "Miss Zhao, may gusto ka bang kainin?"

Tanghali na pero wala pa ring kinakaing kahit ano si Zhao Meng. Dimiretso siya sa Mian Xiu Garden mula sa set kaya tumungo siya at sinabi, "Thank you." Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at saka nagpakita ng pagkapanatag.

Kinakabahan itong nagsalita, "Thank goodness that you're fine, Qiao Qiao. Hindi mo alam kung gaano mo ako tinakot kagabi! Si Lin Shiyi, ang b*tch na yun. Matagal ko ng alam na hindi talaga siya mabuting tao pero hindi ko alam na kaya niyang gumawa ng ganoon kasama at bumaba sa ganoong level!

"Pero Qiao Qiao, wag ka ng magalit. Ngayon, dahil sa ginawa niya para na rin niyang inihatid ang sarili niya sa sarili niyang kabaong. May narinig ako na may sumampal daw ng sobrang lakas sa mukha niya. Ngayon, walang tigil na i'neexpose ng media ang mga scandals niya. Kahit ang mga fans ay naging haters niya na rin. Ang lala talaga, sobrang lala. Sinisigawan siya ng lahat kaya wag ka ng mag-alala!"

Matagumpay ang ngiti ni Zhao Meng habang nagsasalita. "Qiao Qiao, let me tell you…hindi ko na napigilan ang galit ko kaya nag'hire din ako ng mga tao na sisigaw sakanya at ang isa sakanila ay nakakuha pa ng napakainit na reply sa Weibo!"

Gulat na gulat si Qiao Anhao sa mga narinig niya mula kay Zhao Meng. Pagkabigay ni Madam Chen kay Zhao Meng ng congee, masaya itong kumuha ng kutsara at dali-daling humigop. Pagkapikit ng mga mata nito habang humihigop ay biglang nagtanong si Qiao Anhao, "Zhao Meng, anong meron kay Lin Shiyi?"

"Hmph!" nabulunan si Zhao Meng noong narinig nito ang tanong niya. Kumuha ito ng table napkin para takpan ang bibig habang umuubo bago ito tumingin kay Qiao Anhao. Naiinis na nagtanong si Zhao Meng sakanya, "Qiao Anhao, sira ka ba? Hindi mo alam kung anong nangyari kay Lin Shiyi? Hindi mo ba alam na binalak ka niyang saktan kahapon? Muntik ka ng ma'rape ng manyak na si Producer Sun!"

Napakunot si Qiao Anhao ng kanyangmga at walang kaalam alam na nagtanong, "Ni'rape ako ni Chief Sun?"

Pagkakita ni Zhao Meng na gulong-gulo siya, biglang sumeryoso ang mukha nito at nagtanong, "Qioa Qiao, hindi mo talaga alam?"

Mula sa mga sinabi ni Zhao Meng, naintindihan ang mga hindi kaaya-ayang nangyari sakanya kagabi. Biglang nagbago ang itsura niya dahil sa inis at hindi na nakapagsalita pa.

Napahawak ng mahigpit si Zhao Meng sa kutsara nito at matapos ang ilang sandali ay binitawan niya ito at muling nagpaliwanag kay Qiao Anhao ng mga nangyari kagabi.

"Qiao Qiao, may naglagay ng drugs sa inumin mo kagabi nung nasa hot spring tayo, pero biglang nawala yung mga bote kaya nawalan na kami ng ebidensya."