webnovel

Did I Disappoint You? (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Habang nasa kalagitnaan ng kanilang kwentuhan, may biglang lumapit na katulong para magtanong kay Han Ruchu ng ilan pang kailangan para sa party. Humingi si Han Ruchu ng tawad sakanya bago nito bigyan ng instruction ang katulong.

Medyo nagdalawang isip si Qiao Anhao bago niya ilapag ang tasa sa lamesa at naglakad papalapit kay Lu Jinnian. Halos dalawang metro nalang ang kanyang layo mula rito nang bigla namang bumaba sa hagdanan si Xu Wanli na tinawag siya noong sandaling nakita siya, "Qiao Qiao."

Huminto si Qiao Anhao sa kanyang paglalakad para batiin si Xu Wanli. "Uncle Xu."

Masayang ngumiti si Xu Wanli at tumungo. Habang nagaayos ng neck tie, naglakad ito papunta sa kanya. Sakanya ito nakatingin pero si Han Ruchu talaga ang kausap nito, "Ruchu, matagal na noong huling beses na nakita ko si Qiao Qiao. Parang mas lalo pa ata siyang gumanda."

Naayos na ni Han Ruchu ang lahat ng dapat ayusin kaya nang marinig niya ang sinabi ni Xu Wanli, dahan-dahan at kalmado siyang tumayo para naglakad papalapit dito. Itinaas niya ang kanyang kamay para tulungan itong mag ayos ng neck tie. "Maganda naman talaga si Qiao Qiao simula palang noong baby siya."

Medyo natawa si Xu Wanli. Paglingon niya, nagsalubong ang mga mata nila ni Lu Jinnian na saktong napatingin din noong narinig nito ang boses niya.

Nakangiting natigilan si Xu Wanli, agad niyang ibinaling ang tingin sa iba at inakbayan si Han Ruchu habang naglalakad papunta sa sofa.

Sinundan ng tingin ni Lu Jinnian ang likod ni Xu Wanli. Yumuko siya para maitago sakit na makikita sa kanyang mga mata.

Yakap-yakap ni Xu Wanli si Han Ruchu habang umuupo. Nagtanong ito kung kamusta na ang paghahanda para sa birthday ni Xu Jiamu na kalmado namang sinagot ni Han Ruchu. Ang mga ito ay mukha talagang mag-asawang sobrang nagmamahalan kahit lumipas na ang mahabang panahon.

Sobrang nasasaktan si Lu Jinnian habang nakikita ito, habang inaalala niya na simula noong ipinanganak siya, nasira at sobrang naging miserable na ang buhay ng sarili niyang nanay. Sa sobrang sakit, ang kanyang dalawang kamay ay dahan-dahang naging kamao.

Kahit wala namang iba sa ipinakita ni Xu Wanli, ramdam pa rin ni Qiao Anhao ang pagkainis sa mga mata nito noong nakita nito si Lu Jinnian.

Hindi pa nagpapanggap si Lu Jinnian bilang si Xu Jiamu sa tuwing nagkikita sina noon nina Xu Wanli at Han Ruchu. Kadalasan, sa mga parties lang din yun kung saan ginagawa ng mga ito ang lahat para hindi magpahalata. Hindi rin naman sila nagkikita ng private ni Lu Jinnian kaya wala talaga siyang ideya tungkol dito noon.

Sa totoo lang, naiintindihan ni Qiao Anhao kung bakit ayaw ni Han Ruchu kay Lu Jinnian. Madalas kasi sa mga babae na hindi talaga nila kayang kausapin ng maayos at itrato ng mabuti ang anak sa labas ng kanilang asawa.

Pero nagtataka siya dahil hindi niya inaasahan na magiging ganun din ang trato ni Xu Wanli kay Lu Jinnian. Kahit na ayaw nito sa sarili nitong anak na si Lu Jinnian, siguro naman hindi lang ito basta-bastang tinatamad para hindi ito kausapin, tama ba?

Hindi maipaliwanag ni Qiao Anhao ang sakit na bigla niyang naramdaman. Tinignan niya si Lu Jinnian at noong akmang kakausapin niya na sana ito ay bigla naman itong nagsalita, "Lalabas muna ako para magsigarilyo."

Hindi na siya hinintay nito na makapagsalita pa at agad ng lumabas ng bahay.

"Qiao Qiao, halika.." sikreto sanang susundan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian sa labas nang bigla niyang marinig ang tawag ni Han Ruchu.

Sumagot siya ng "Oh". Tumingin siya sa bintana para silipin si Lu Jinnian na nakatayo sa tabi ng sarili nitong sasakyan habang nagsisindi ng sigarilyo. Humithit ito ng matagal at naglabas ng maraming usok sa bibig. Pagkatapos niyang tignan ito, tumalikod at naglakad papunta sa sofa.