webnovel

Bakit hindi na lang ako? (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matagal ng naghanda ng almusal si Madam Chen. Nang makita niyang bumaba si Qiao Anhao tumigil ito sa paglilinis at ngumiting nagtanong, "Madame, gusto niyo ng almusal?"

Umiling si Qiao Anhao at naglakad pa labas. Habang nagpapalit ng sapatos nang may napagtanto siya. Tinanong niya si Madam Chen, "Ngayong umaga anong oras umalis si Lu Jinnian? "

"Wala pang 6 am. Hindi pa kasi ako gising."

Tumango si Qiao Anhao at nagtanong ulit, "May kakaiba ba sa kanya?"

Nag-isip si Madam Chen at sinabi, "Wala naman… Pero hindi maganda ang itsura ni Mr. Lu medyo maputla ito."

Nagtiim bagang si Qiao Anhao at wala na itong sinabi.

matapos ang sandali nagtanong si Madam Chen, "Madame, may nangyari po ba?"

Umiling si Qiao anhao at umalis ng nakangiti kay Madam Chen.

Nasa entrance na ng villa si Zhao Meng at naghihintay ito sa kanya. Binuksan ni Qiao Anhao ang pinto at pinaandar ni Zhao Mrng ang sasakyan, nagsalita ito kung bakit ito na huling gumising ng makita nito ang mga pulang marka sa collar nito at sinabi kasama ang "tut tut tut", "Kaya pala huli ka na nagising… mukhang na pagod ka ka gabi!"

Hindi na pinansin ni Qiao Anhao ang panunukso sa kanya ni Zhao Meng tanging ang dugo sa kama lang ang iniisip niya. Tinaas niya lang ang collar niya at tumignin sa bintana.

Tinignan ni Zhao Meng ang mata ni Qiao Anhao at nagtanong, "May problema ba? Bad mood ka?"

Wala ng sinabi si Qiao Anhao at hindi na rin nagsalita Zhao Meng binuksan na lang nito ang musika sa sasakyan.

Bahagyang may traffic sa lungsod nang bumibilis na ang takbo nila. Biglang nakita ni Qiao Anhao ang 24 hour na pharmacy at agad na sinabi, "Itigil mo ang sasakyan."

"Ano?" Nagulat si Zhao Meng at hininto ang sasakyan.

Kinuha ni Qiao Anhao ang bag. "Dadaan lang ako sa pharmacy. "

"Pharmacy? Bakit nasaktan ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Zhao Meng.

"Hindi, dadaan lang ako." Wala ng sinabi si Qiao Anhao kay Zhao Meng. Binuksan niya ang pinto at tumakbo papunta sa pharmacy.

Pasado 12 na ng hapon ng marating nila ang set. Kumain ng mabilis sina Qiao Anhao at Zhao Meng sa hotel restaurant.

Naghihintay na sa set ang make-up artist. Nang matapos siyang ayusan, magsisimula na ang filming. Nang makita nila ang assistant ni Lu Jinnian at hawak ang telepono.

Nang kumaway ang direktor ng makita si Qiao Anhao. Tatawagin niya rin sa ito "Direktor", nang lumapit sa kanya ang assitant ni Lu Jinnian.

Binati siya nito, "Miss Qiao", tapos sinabi niya sa direktor. "Hindi sumasagot."

"Paano kaya kung sa opisina? Bahay? O ibang residences o baka mga lugar na paborito niyang puntahan… naghanap ka na ba sa lugar na iyon? tanong ng direktor.

"Tinignan ko na lahat," ang sabi ng assistant ni Lu Jinnian.

natanong si Qiao Anhao, "May nangyari ba?"

"Hindi namin mahanap si Mr. Lu," sagot ng direktor. Tapos nagdadalwang-isip na sinabi nito sa assistant ni Lu Jininan, "Paano kung ganito… Marahil busy si Mr. Lu, kaya sa ibang araw na lang mag-shoot ng eksena. Hintayin ko nag ang balita kay Mr. Lu, pwede ka ng umalis, at mag-reschedule nalang tayo ng eksena mamaya."

Next chapter