webnovel

Bakit ayaw mo sa anak ko? (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"MR. LU!" hindi pa man din nahihimasmasan si Zhao Meng sa nangyari kay Qiao Anhao nang makita niya si Mr. Lu na tumalon para sundan ito.

"MR. LU!" Nagmamadaling tumakbo ang assistant habang sumisigaw. Sumilip siya sa baba pero hindi niya kayang tumingin ng matagal dito dahil nalulula siya.

-

Saka palang naramdaman ni Qiao Anhao na nasa panganib siya noong bigla siyang malaglag. Ang sumunod na nangyari ay naramdaman niya nalang na lumubog siya sa tubig na nagyeyelo sa lamig at halos hindi siya makahinga.

Gamit ang dalawa niyang kamay, pinilit niyang iangat ang katawan niya sa tubig. Nang maiahon niya na ang kanyang ulo, dali-dali siyang sumigaw, "Tulong!" pero noong sandali ring iyon, may biglang humampas na alon sakanya kaya muli nanaman siyang lumubog.

Nang muli niyang maiahon ang kanyang ulo, nakita niya na malapit na siyang malaglag sa kasunod na bangin. Gusto niya sanang lumangoy pabalik pero masyadong malakas ang pwersa ng alon kaya kahit anong gawin niya, hindi talaga siya umaabante at sa halip ay lalo pa siyang naitutulak nito.

Hindi nagtagal, napasukan na ng tubig ang kanyang tenga kaya hindi siya masyadong makarinig gawa ng makailang beses na pagtama ng alon sa kanyang mukha. Pagmulat niya ng kanyang mga mata, wala siyang ibang makita kundi ang walang katapusang tubig na rumaragasa papunta sakanya at isang bato na hindi niya maabot.

Unti-unti siyang nabalot ng takot nang maramdaman niya na nauubos na ang kanyang lakas at namamanhid na ang kanyang mga binti.

Akala niya noon ay sa TV lang ito nangyayari ang mga ganitong eksena at kahit kailan ay hindi pumasok sa isip niya na mangyayari ito sakanya.

Pero wala siya sa isang palabas ngayon at kahit anong gawin niya ay walang prinsipeng darating para iligtas siya. Nanghihina na ang kanyang mga kamay, kaya medyo lumulubog na ang katawan niya sa tubig; ramdam na ramdam niya na nasa bingit na siya ng kamatayan…

Mamatay siya sa isang sapa na hindi niya manlang alam kung anong pangalan…

Lahat naman siguro ng tao ay gagawin ang lahat para lang mabuhay, at ganun din si Qiao Anhao kaya ginamit niya ang lahat ng natitira niyang lakas para maingat ang kanyang sarili mula sa pagkakalubog kahit pa pagod na pagod na siya.

Magkahalong takot at pagkawala ng pag-asa ang nararamdaman niya. Kitang kita niya na ang kanyang kamatayan pero hindi niya magawang tumakbo papalayo. Noong mga sandaling iyon, hindi niya napigilan ang kanyang sarili na umiyak dahil sakanyang sitwasyon.

Wala siyang kalaban-laban. Ganun din ang naramdaman niya nang mamatay ang kanyang mga magulang noong sampung taong gulang palang siya, at noong nawala sakanya ang kanyang anak ang pinaka minamahal niyang lalaki. Parang walang awa ang langit sakanya dahil matapos nitong kunin ang lahat ng meron siya, ngayon naman ay mukhang gusto na talaga nitong bawiin ang buhay niya.

Habang iniisip niya ang kanyang sitwasyon,lalo lang siyang natatakot at walang tigil ang kanyang luha sa pag'agos.

-

Noong narinig ni Lu Jinnian ang pagsigaw ni Zhao Meng ng "Nalaglag si Qiao Anhao", bigla nalang nablangko ang kanyang isip at hindi alam kung anong magiging reaksyon niya.

Nang sandaling mahimasmasan siya, gulat na gulat siya pero pinilit niyang manaliting kalmado.

Pero habang iniisip niya na inaanod si Qiao Anhao ng rumaragasang sapa, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na kabahan.