webnovel

Ang pinakamagandang pag-amin gamit ang hand signs (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang matapos magsalita si Cheng Yang kinuha niya ang telepono sa bulsa. humingi ito ng pasensya saka sinagot ang tawag sa labas.

Hindi nagtagal dumating ito hawak ang kamay ng babaeng dilaw ang damit.

Hindi malapit sa isa't isa si Qiao Anhao at si Chen Yang kaya hindi ito interesado sa girlfriend nito kaya tumingin nalang ito sa kanyang 'Weibo'.

Narinig ni Qiao Anhao ang babaeng artista na katabi ay mahinang sinabi, "Ang ganda ng girlfriend ni Chen Yang."

Gustong malaman ni Qiao Anhao kung sino ito kaya tinaas niya ang kanyang ulo. Nagulat siya ng makita kung sino ito.

Naka tingin si Lu Jinnian sa telepono habang naka upo ito. ang totoo na kay Qiao Anhao ang atensyon nito. Nang mapansin niya na nabigla si Qiao Anhao lumingon ito sa tinitignan niya.

Sumulyap lang si Lu Jinnian sa puwesto nila Chen Yang nakita niya ang ngiti ni Qiao Anxia. bahagyang tumaas ang kilay niya at wala naman siyang pakialam tumungo siya at pinagpatuloy ang pagtingin sa telepono.

Kumuha ng dalawang wine glass si Chen Yang at binigay kay Qiao Anxia at ang kabilang kamay inakbay kay Qiao Anxia habang hawak ang alak. Masaya niya itong pinakilala sa lahat, "Ito ang taong hinihintay natin… anang girlfriend ko si Qiao Anxia."

Nabigla si Qiao Anhao nang makita si Qiao Anxia pero nagtaka siya matapos ng pagpapakilala sa kanya ni Chen Yang.

Hindi pa matagal nang sinabi ni Qiao Anxia na gusto niya si Lu Jinnian at iniisip nito na magiging boyfriend niya ito. Paanong naging sila ni Chen Yang?

Pangalan lang ang pinagkaiba ni Qiao Anxia at Qiao Anhao. Agad ding may nagtanong, "Xiao Qiao? Ang pangalan lang ng girlfriend ni Chen Yang ang iba. Hindi mo naman siya kapatid, tama ba?"

Hindi na nakasagot si Qiao Anhao. Sinagot ito ni Qiao Anxia habang hawak ang wine glass at sinabi, "Pinsan ko si Anhao."

Hindi maiwasan na magbiro ng nagtanong sa kanila, "Grabe… so it's really TM. Ang pagkakataon nga naman. ka-date mo ang isa sa kamag-anak ng crew natin."

Kahit may duda si Qiao Anhao sa puso niya. Hindi siya tanga para tanungin si Qiao Anxia kung ano ang nangyari sa pagitan nila ni Chen Yang. Matapos ipaliwanag ang relasyon nila umupo sa puwesto. Tinawag ni Qiao Anhao ito, "Ate."

Ngumiti si Qiao Anxia kay Qiao Anhao. Ngumiti ito nang makita si Lu Jinnian na katabi niya, bahagya itong tumigil ngumiti at tumigin sa iba.