webnovel

Ang mga text message sa phone (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ang gusto ko lang mangyari ay pagbayaran niya ng sampung beses ang sampal

na sinulat niya sa bagong script ni Qiao Anhao!"

Si Lin Shiyi lang naman ang tinutukoy ni Lu Jinnian na "niya". Base sa paraan

ng kanyang pananalita, para bang diring diri siya na banggitin ang pangalan

nito.

Pagbayaran ng sampung beses…ang pinaparating ba ni Lu Jinnian ay

kailangang gumawa ng direktor ng paraan para paulit ulit siyang sampalin ng

character ni Qiao Anhao bilang kabayaran sa sa paglalabas niya ng malaking

pera para baguhin ang script na naglalaman ng maraming eksena na siya ang

sasampal kay Qiao Anhao.

Ang ibig sabihin… Hindi siya tinatanggal ng role ni Lu Jinnian?

Biglang lumikot ang isip ni Lin Shiyi, na tahimik na nakaupo sa kanyang make

up chair habang bahagya pang nakataas ang baba.

Alam niyang hindi niya pwedeng kalabanin si Lu Jinnian dahil sisiw lang dito na

pahirapan siya. Sa totoo lang, marami ng nangyari noon na pinagkaisahan siya

ng lahat dahil dito pero kahit anong mangyari, ayaw niya pa ring maging kagaya

ng ibang tao na magpapakabait kay Lu Jinnian para lang magtagal sa industriya.

Dahil masyadong mataas ang tingin niya sakanyang sarili, hindi siya papayag na

mapahiya kay Lu Jinnian sa harap ng maraming tao kaya pinili niyang kimkimin

nalang ang lahat ng sama ng loob.

Higit sa lahat, mayroon naman siyang investor na pwedeng sumuporta sakanya

at hindi rin naman si Lu Jinnian ang tipo ng tao na papanigan ang mali dahil

lang sa isang babae, tama..

Dahil sa mga konseptong napag'dugtong-dugtong ni Lin Shiyi, bigla siyang

natawa at walang katakot-takot na sinabi, "Ang akala ko kaya mong tanggalin

ang screen time ko kahit kailan mo gustuhin? Bakit hindi mo pa tinanggal? So

lumabas din, hindi naman pala ganun kalakas si Mr. Lu kagaya ng

pinagyayabang ni Qiao Anhao?"

Nang magsalita si Lin Shiyi, sobrang natakot ang lahat ng mga kasama niya sa

make up room para sakanya.

Ang buong akala ng lahat ay sisinghalan ni Lu Jinnian si Lin Shiyi kaya laking

gulat nila na parang wala lang itong narinig. Wala naman talagang pakielam si

Lu Jinnian kay Lin Shiyi kaya hindi niya inalis ang nanlilisik niyang mga mata sa

direktor. "Dahil sinabi ni Qiao Qiao na itigil ang production, pwes kailangang

ihinto ng dramang ito ang pagshushoot sa loob ng tatlong buwan."

Handa talaga siyang patigilin ang production…Kung ganun, siguradong

napakalaking lugi nito… Hindi matanggap ng direktor ang desisyon ni Lu Jinnian

kaya dali dali siyang nagsalita para magmakaawa, "Mr. Lu…"

Walang balak na makipagtawaran ni Lu Jinnian kaya hindi niya binigyan ng

pagkakataong makapagsalita ang direktor at muling nagsalita, "Limang buwan."

Hindi na alam ng direktor ang kung anong gagawin niya kaya tumingin siya kay

Qiao Anhao para humingi ng tulong, "Miss Qiao…"

"Walong buwan." Walang pagdadalawang isip na sinabi ni Lu Jinnian. "Kapag

nagsalita ka pa, patitigilin ko ang production ng isang taon."

Sa pagkakataong ito, ayaw ng magsalita ng direktor.

Maging si Qiao Anhao, na nakaupo lang sa isang gilid habang nakakagat sa

straw, ay sobrang kinakabahan din simula noong magsalita si Lu Jinnian. Hindi

ba parang sobra naman na ata ang ginagawa nito?

Sa wakas, inalis na rin ni Lu Jinnian ang kanyang nakakatakot na tingin sa

direktor at ibinaling naman it okay Lin Shiyi, na nakaupo sa isang gilid. "Miss

Lin, mukhang sobrang yaman ng boyfriend mo kaya hindi naman siguro

magiging kawalan sakanya kung gagamiting pangsabot ang ilang libong milyon

na ininvest niya sa magiging kalugian ng production kapag huminto ito ng pito

hanggang walong buwan, tama?"

Iginalaw lang ni Lin Shiyi ang kanyang labi pero hindi siya nagsalita.

Hindi pa kuntento si Lu Jinnian kaya kalmado at mabagal niyang sinabi, "Pero

kung gugustuhin talaga ni Miss Lin na ituloy ang production, hindi naman yun

imposible. Ang kailangan mo lang gawin ay pagbayarin ang boyfriend mo sa

perang iinvest ko. Kapag nangyari yun, wala na tayong paguusapan sa script at

wala na akong pakielam kung gusto mong gawing period drama ang modern

drama na 'to."

Bakas sa mga kamao ni Lin Shiyi ang sobrang panggigil pero wala pa rin siyang

balak na magsalita.

Humawak si Lu Jinnian sa likod ng upuan ni Qiao Anhao. Hindi pa man din

kumakalma ang tensyon ay muli siyang nagtanong, na para bang may bigla

siyang naalala, "Oh tama. Ano nga ulit ang sinabi mo, Miss Lin? Na wala akong

kakayahan na tanggalan ka ng parte kahit kailan ko gustuhin?"

Biglang yumuko si Lu Jinnian at tumawa ng malakas na parang nakarinig siya

ng isang sobrang nakakatawang biro.