webnovel

Ang Mga Bagay na Hindi Niya Nalaman (18)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hinigpitan ni Qiao Anxia ang hawak sa kanyang telepono. Pagkatapos mag-atubili, tanong niya, "Qiao Qiao, ikaw ba ay nasa di magandang kondisyon?"

Si Qiao Anhao ay tila bahagyang nalilito. "Hindi."

"Ah." Matapos tiyakin na walang anumang bagay na kakaiba sa kanyang tono, pinawalang-saysay niya ang kanyang mga hinala. Sinabi niya na may isang ngiti, "Mabuti naman, mayroon akong isang pulong na darating, mag-usap nalang tayo mamaya."

"Sige, Sis, paalam."

"Paalam." Nang sabihin ito ni Qiao Anxia, ang kanyang mga daliri'y nanginig nang bahagya, at sinabi, "Qiao Qiao."

"O bakit?"

Nais ni Qiao Anxia na maging matapat, ngunit sa paanuman, hindi niya kayang gawin ito. Pagkatapos ng isang mahabang sandali ng pag-aatubili, kinain niya ang kanyang mga salita. Sa isang masiglang boses, pinaalala niya na parang wala nang nangyari, "Qiao Qiao, bukas ng alas-otso ng gabi. Huwag mong kalimutan!"

-

Pagkatapos umalis ni Lu Jinnian, ginamit ni Qiao Anhao ang bayad na nakuha mula sa "kaakit-akit na oras" para bumili ng kanyang apartment sa sentro ng lungsod. Kahit na ito'y hindi malaki, ito ay sapat na.

Sa nakaraang apat na buwan, binisita niya ang kanyang tiyahin at tiyuhin sa pamilyang Qiao ng maraming beses ngunit hindi kailanman ay isinampa ang paa sa bahay ng pamilya Xu.

Kahit na kontrolado ni Lu Jinnian ang Xu Enterprise, ang pamilyang Xu at ang pamilyang Qiao ay nagtitipon pa rin para kumain, kahit na wala nang kontrol si Han Ruchu sa enterprise. Sa tuwing magkakasama sila, iniimbitahan nila si

Qiao Anhao ngunit kalianman ay hindi ito pumunta, binibigyan sila nito ng kung anu-anong rason.

Ngunit sa kaarawan ni Han Ruchu, siya'y pumunta.

Ang pamilya Xu ngayon ay hindi na makapangyarihan tulad ng dati, kaya't ang kaarawan ni Han Ruchu ay hindi na gaanong magarbo.

Ito'y simpleng hapunan na lamang sa pamilya Qiao at Xu.

Dumating si Qiao Anhao kagabi. Nang makarating siya sa bahay, lahat ng putahe ay nakahanda na.

Nang makita siya ng katulong ng pamilya Xu, ito'y dali-daling sumigaw, "Mrs. Xu, si Ms. Qiao ay nandito na."

Si Han Ruchu ay madaling pumunta sa may pintuan. Nang makita niya si Qiao Anhao, siya'y sinalubungan ng mainit na ngiti tulad ng dati. "Qiao Qiao, sa waksa, nandito ka na! ang lahat ay naghihintay."

Tinitigan siya ni Qiao Anhao ng dalawang segundo bago ibigay ang regalo nito, sa malambing na ngiti. "Tiya Xu, maligayang kaarawan."

"Sobrang bait mo naman, binilhan mo pa ako ng regalo." Si Han Ruchu ay talagang nasorpresa sa regalo. Pagkatapos niya itong tingnan ay ibinigay na sa katulong. Humarap kay Qiao Anhao at sinamahan papasok ng bahay.

Ang lahat ay nagtipon-tipon at ang mga pagkain ay nakahain na.

Ang kasambahay ay nagbukas ng dalawang bote ng red wine at ibinuhos sa baso ng bawat isa.

Sila'y nagusap-usap habang kumakain, ang mood at atmospera ay mainit at komportable. Si Qiao Anhao ay hindi masyadong nagsasalita at kumakain.

Nang matapos ang hapunan, ang katulong ay pumasok ulit ng hapag-kainan na may dalang keyk.

Matapos sindihan ang mga kandila, si Qiao Anxia ay nagsimulang kumanta ng maligayang bati. Hinipan ni Han Ruchu ang mga kandila at pinasalamatan ang lahat bago hatiin ang keyk. Sa sandaling iyon, si Qiao Anhao na tahimik ay biglang nagsalita.

"Tiya Xu, nasa iyo pa ba ang swallow nests na binigay mo sa akin noon? Bigla ko gustong kumain."

Si Han Ruchu at ang kasambahay ay biglang hindi nakagalaw ng ilang sandali.

Si Qiao Anhao ay nagbigay ng isang inosenteng ngiti at idinagdag, "Tiya Xu, saan mo nakuha ang swallow's nest? Ito'y kilala na nakapagpapabuti ng kalusugan, ngunit ang isa na binili ko ay hindi pareho ng epekto na pampakalma na ibinigay mo sa akin."