webnovel

Ang Desisyon ni Xu Jiamu (31)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kahit na naguguluhan si Lu Jinnian, wala siyang balak na makipagtalo o

depensahan ang sarili niya kaya hanggat maaga, gusto niya sana humingi

kaagad ng 'sorry' para hidi na lumaki, pero noong ibubuka niya na ang kanyang

bibig, muling nagsalita si Qiao Anhao na medyo pautal-utal, "Lu Jinnian,

salamat."

Hinding hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili niya kung totoong mang

may nangyaring masama kay Qiao Anhao, pero matapos niyang marinig ang huli

nitong sinabi, naintindihan niya na ang lahat.

Bigla siyang kumalma at dahan-dahang sumandal pabalik sa upuan. Kagaya ng

utos niya, naihinto na ng assistant ang sasakyan sa isang gilid at naghihintay

nalang sakanya, pero ngayon na nalaman niyang maayos naman pala ang lahat,

sinenyasan niya ito na magpatuloy na magmaneho, at walang kagana-ganang

sinabi sa kausap, "Napanuod mo ang broadcast?"

"En." Hindi pa rin tumatahan si Qiao Anhao pero hindi kagaya ng kanina, di

hamak na mas kalmado na ito ngayon. "Nasaan ka na?"

"Pauwi na."

"Oh," kanina pa siya atat na atat na sabihin kay Lu Jinnian ang napaka ganda

niyang balita kaya ngayon na magkausap na sila, sa tingin niya ito na ang

pagkakataon na pinakahihintay niya, " Lu Jinnian..."

Sasabihin niya sanang "Buntis ako."

Pero…biglang pumasok sa isip niya na wala na rin namang mababago kung

malaman nito ngayon o sa ibang araw dahil si Zhao Meng na ang una niyang

nabalitaan.

Bukas na ng gabi ang schedule ng final round na buong linggo niyang

pinaghandaan. Ngayon na nakumpirma niyang buntis nga siya, hindi niya na

pwedeng kunin ang role na hinahanap ng Hollywood production, at kahit na

sinabi ng doktor na wala namang problema ang bata, ayaw niya pa ring sumugal

at magdrum dance para lang masabing hindi siya umatras sa laban. Pero…may

costume na siya at sayang naman kung hindi niya ito magagamit kaya naisip

niya na pwede niyang samantalahin ang pagkakataon na umakyat sa stage at sa

harap ng maraming tao, ay sorpresahin din si Lu Jinnian kagaya ng ginawa nito

sakanya kanina…

Pero hindi niya alam kung matutuwa ba ito kapag nalaman nitong buntis siya.

"Bakit?" Tanong ni Lu Jinnian pagkatapos niyang maghintay ng matagal sa

karugtong ng sasabihin ni Qiao Anhao.

"Wala, parang bigla kasi akong nag'crave sa mani." Hindi pa siya sigurado sa

plano niya, pero desido siyang wag munang sabihin kay Lu Jinnian kaya dali-

dali niyang binago ang usapan.

"Osige, maguuwi ako," mahinahong sagot ni Lu Jinnian. "May iba ka pa bang

gustong kainin?"

"En…" Sa totoo lang, wala pang hinahanap ang panlasa niya pero maraming

binilin ang doktor na mga dapat niyang kainin kaya isa-isa niya ang mga ito kay

Lu Jinnian, "Mansanas, saging, strawberries, grapes, isda, itlog, gatas…Oh,

tsaka paa ng baboy."

"Paa ng baboy?" Gulat na gulat na tanong ni Lu Jinnian. "Diba ayaw mo ng paa

ng baboy?"

Pero parang batang naglalambing si Qiao Anhao. "Gusto ko nga yun kainin

ngayon…"

Kaya hindi na nakipagtalo si Lu Jinnian. "Osige sige, maguuwi ako."

"En, hihintayin kita makauwi."

-

May naiwang kontrata si Xu Jiamu sa Mian Xiu Garden kaya kinailangan niya

munang umuwi para kunin ito. Sakto, habang nagmamaniobra papasok, may

shinare sakanyang video si Song Xiangsi sa WeChat. [Ano yan?]

Imbes na sagutin siya ng maayos, pabalang na nagreply si Song Xiangsi. [Bakit

hindi mo tignan?]

Kaya wala na siyang nagawa at pinindot nalang ito.

Ang buong akala ni Xu Jiamu ay nagsend nanaman si Song Xiangsi sakanya ng

video tungkol sa ginagawa nito kaya laking gulat niya nang sumalubong sakanya

ang video ng interview ni Lu Jinnian.

Noong una, puro patungkol lang sa mga plano ng Huan Ying Entertainment ang

pinaguusapan sa video, kaya hindi siya ganun kainteresadong nanuod habang

pinaparada ang sasakyan niya sa tapat ng kanyang bahay.

Pero noong pababa na siya ng sasakyan, biglang binago ng host ang usapan at

nanguusisang nagtanong, "Mr. Lu, pwede mo bang ikwento sa amin kung paano

kayo nagumpisa ni Miss Qiao?"

Kilala ni Xu Jiamu ang kapatid niya kaya natawa nalang siya noong narinig niya

ang parteng to. Ano bang pumasok sa isip ng host na yan? Gusto niya ba

talagang mapahiya? At kailan pa nagkwento si Lu Jinnian ng pribado niyang

buhay?

Pero bandang huli, hindi niya akalain na kakainin niya ang mga sinabi niya dahil

sa naging sagot nito, "Oo naman."