webnovel

Ang Desisyon ni Xu Jiamu (19)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kakaiba?" Biglang kumunot ang noo ni Lu Jinnian at dali-daling kinapa ang noo

ni Qiao Anhao para tignan kung may lagnat ito at nagaalalang nagtanong,

"Gusto mo banag magpacheck up?"

"Hindi na…" Muli siyang sumubo ng prinitong itlog, at hindi kagaya ng nangyari

kanina, wala naman siyang naramdamang kakaiba. "Okay na ako."

"…" Hindi mapakali si Lu Jinnian kaya ilang sandali pa siyang nakatayo para

obserbahan si Qiao Anhao bago siya bumalik sa pwesto niya. Pagkakuha niya

ng tinapay, muli niya itong pinaalalahanan, "Kung masama ang pakiramdam mo,

wag mong pilitin at magpacheck up na tayo."

-

Alam ng mga reporters na isa si Qiao Anhao sa mga magpeperform kaya

sinamantala ng mga ito ang pagkakataon na pumunta sa event para makunan

ng siya panayam.

Buti nalang, sinadya ng mga organizers na maglagay ng maraming security

guards kaya kahit na maraming paparazzi ang nakasunod sakanya, wala pa rin

siyang naging problema habang papasok sa studio.

Kumpara noong una, mas kinakabahan si Qiao Anhao ngayon dahil simula

noong lumabas ang scandal, iilan nalang ang bumuboto sakanya kaya kung dati,

siya ang nangunguna, pwes ngayon, top ten nalang siya. Siguro naawa lang

sakanya ang production crew kaya hindi muna siya dinisqualify ng mga ito, pero

syempre, gaano lang ba siyang tanggalin ng mga ito pagkatapos ng round na

'to.

Pero una palang naman, sinabi niya na sa sarili niya na handa naman siyang

tanggapin kung hindi talaga ito para sakanya kaya sinubukan niyang kumalma at

gawin ang prinactice niya sa bahay.

Ang importante, naghanda siya at ginawa niya lahat para sa gabing ito.

Walang duda na magaling ang pagkakaperform niya, pero dahil tipikal sa mga

tao ang pagiging judgmental, marami ang hindi nabilib sa ginawa niya.

Kung talento lang ang paguusap, sigurado ang mga hurado na mayroon nun si

Qiao Anhao, pero kung bibigyan siya ng mataas na grado ng mga ito,

siguradong pati ang show ay madadamay sa galit ng netizens. Kaya para sa

kapakanan ng palabas, apat sa limang hurado ang nagbigay sakanya ng

mababa. Pero… para siyang may agimat dahil ang nagiisang hurado na

nagbigay sakanya ng mataas na marka ay isang sikat na aktres noong

kapanuhan nito kaya sa lahat ng mga hurado, boto nito ang pinaka mahalaga at

pinaka maimpluwensya.

Ang comment na natanggap niya mula rito ay, "Gusto kong pumili ng bidang

babae na magaling umarte, kaya talento mo lang ang pinagbasehan ko. Sa

performance mo ngayong gabi…wala akong masabi kaya binigyan kita ng

perfect score."

Dahil sa perfect score na binigay ng punong hurado, si Qiao Anhao, na wala na

sanang pagasang makaabot sa next round, ay nakuha pa rin ng score na

saktong sakto sa pangwalong pwesto, kaya maswerte pa rin siyang nakaabot sa

finals.

Sa susunod na sabado na ang schedule ng finals at dahil sa naging resulta ng

round na ito, marami nanamang umungkat sa scandal at galit na galit na

naglabas ng sama ng loob sa internet.

Bukod sa nasanay na, siguro natanggap na rin ni Qiao Anhao na ganito talaga

ang kalakaran sa entertainment industry, kaya sa pagkakataong ito, hindi na

siya apektado kahit gaano pa man kasakit ang mga binabatong salita ng

netizens sakanya.

At imbes na intindihin ang mga ito, nag'candlelit dinner nalang sila ni Lu Jinnian

para icelebrate ang pagkapasok niya sa finals.

Pagkauwi nila, sabay silang nagisip ni Lu Jinnian ng pwede niyang gawin sa

panghuli niyang performance hanggang sa mapagkasunduan nila na

magdudrum dance nalang siya na parang si Zhao Feiyan.

Para siguraduhing mangingibabaw ang performance ng asawa, tinawagan pa ni

Lu Jinnian ang kakilala niyang professional dancer para turuan si Qiao Anhao.

Natural talagang magaling sumayaw si Qiao Anhao kaya kahit ilang taon na rin

siyang hindi nagpapractice, nakuha niya kaagad ang steps sa loob lang ng

kalahating araw, pero para siguraduhing maganda ang magiging performance

niya sa finals, kailangan niya pang magpractice ng mas maigi sa mga susunod

na araw.