webnovel

Break It

"You can't go back and change the beginning, but you can start where you are and change the ending."~ C.S Lewis Kilala si Feira sa pagiging palaban sa kanilang lugar. Pero ang hindi alam ng mga tao ang kanyang pinagdadaanan sa kamay ng kanyang pamilya at kahit na palaban sya ay sa loob ng kanilang pamamahay ay hindi siya makalaban. PAMILYA parin bang matatawag kung pagbuhatan ka ng kamay ay ganon ganon na lang. Para siyang si Cinderella na inaapi ng kanyang madrasta at stepsister, yung nga lang pamilya nya talaga at wala din syang stepsisters. Masakit para sa kanya pero wala siyang magawa. Hanggang sa dumating sa buhay nya ang isang Ryder Gibson, na mabait, matulungin, at higit sa lahat pinaramdam nito sa kanya kung paano mahalin kahit na hindi maganda ang unang pagkikita nila. Iyon ay kung totoo nga ba ang mga ipinapakita nito sa kanya? Totoo ng ba ang isang Ryder Gibson? Makakaramdam pa ba kaya si Feira ng pagmamahal ng isang pamilya? At paano kung may malaman si Feira na ginawa ng magulang nya na ikasisira ng buhay nya?

wencyrahh · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Chapter 6

ANO BA naman 'yan. Alas dose na nang madaling araw hindi pa rin makatulog si Feia. Tiyak na puyat na naman siya nito.

Paano ba naman kasi yung lalaking iyon kung ano anong pinagsasasabi sa kanya. Hindi tuloy siya makatulog.

Flashback…..

"You have an angelic voice, I love it… I- I mean nagustuhan ko, basta maganda." Tila ba nahihiyang sabi nito. Hindi ko akalain na pupurihin ako nito. "Btw thank you sa kanina."

Hindi siya nakasagot agad.

He love my voice.

Her angelic voice.

"Pinupuri mo ba'ko?" Halip na sabi niya.

Namula ang pisngi nito, ni hindi ito makatingin sa mga mata niya.

"No!! I'm not!" Mabilis na sagot nito. "Bye" Anito sabay alis.

Papasok na sana si Feira ng may tumawag sa kanya.

Paglingon niyaay nakita niya si Ryder na bumaba ng sasakyan nito, papalapit sa kanya. Hindi pa ito nakakalayo kaya mabilis lang siya nito na lapitan.

Konting galaw niya nalang ay mahahalikan na niya ito. Gustuhin man niyang umiwas ay hindi niya magawa dahil mahigpit ang hawak nito ang baywang niya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

Hindi ito sumagot sa halip… he kiss me…

He kiss me on my forehead.

Kumurap kurap siya, kinurot niya ang braso baka kasi nanaginip lang siya.

"Aww" Shit hindi siya nanaginip.

"Good night love see you tomorrow." Sabi nito at bumalik na sa sasakyan.

Hindi siya nakagalaw agad. Iniisip niya parin yung nanyari. Sa lalim ng pagiisip ni Feira ay naabutan siya ng Mama at Papa niya kaya ayon kurot at hampas ang inabot niya.

Mukha daw siyang tanga na naghihintay ng biyaya sa gate nila.

End of flashback…

I gaze at the seiling of my room, remembering what happened is not helping me to sleep. Feira forced herself to close her eyes, and thank God slowly I drift to sleep.

When I woke up, and looked at my clock in the night stand which is near at my bed I realized that it was already midday.

Nakakapagtaka lang kasi hindi pa siya pinuntahan ng Mama niya para gisingin at ipagluto na ng almusal ang mga ito, o hindi rin siya pinuntahan ng papa niya para ipahanda yung gamit nito.

Mabilis kumilos si Feira, kinuha niya ang asul na tuwalya at agad na pumasok sa banyo. Agad siyang naligo at dali daling nagbihis. Sinuklay niya ang mahaba buhok, nagpulbos lang din siya at naglagaw ng konting liptint.

Bago siya bumaba ay pinagmasdan munang niya ang kanyang sarili sa malaking salamin.

Patakbo na bumaba sa hagdan si Feira. Muntik pa siya madapa dahil sa pagaapura mabuti na lang ay nakahawak siya sa pader.

Tahimik. Iyon agad ang napansin niya pagdating niya sa sa sala. Tumuloy siya sa kusina sumilip muna siya bago siya tuluyang pumasok sa loob.

Nakita niya na naguusap ang kanyang Mama at Papa pero hindi niya ito marinig. Masyadong mahina ang boses ng mga ito tila ba may tinatago. Mukhang masyadong seryoso ang pinaguusapan nang mga ito.

Napatingin si Papa sa aking gawi, mukhang napansin iyon ni Mama kaya sinundan nito kung anong tinitingnan ni Papa.

Gulat. Iyon ang unang nakita niya sa expression nito, pero mabilis din itong nakabawi.

Tumayo ito. "Kanina ka pa ba diyan? May narinig ka ba sa pinaguusapan namin ng Papa mo?" Sunod sunod na tanong ni Mama.

"Kakababa ko lang po" Aniya.

"Ganon ba…. Sa susunod ay huwag kang nakikinig sa pinaguusapan namin. Kumain ka na ba'ka mahuli ka sa klase mo." Ngumiti ito sa kanya pagkatapos sabihin iyon.

Fuck! What happened? Parang may mali. May mali talaga. Hindi siya nito pinagalitan sa halip ay nginitian siya nito. Isa iyong himala!! Himala na matagal na niyang nais.

Tinitigan ni Feira ang Ina na parang may nagawa itong kakaiba, habang ito naman ay ngumiti lang nang malapad sa kanya.

"Anak kumain ka na sumabay ka na samin ng Mama mo." Lalo siyang nagulat nang sabihin iyon ng Papa niya. For the first time inaya siya ng Papa niya na sumabay sa kanila ng pagkain. It's a MIRACLE!!!

Himala!! Sigaw ni Feira sa isip.

Ngayon lang ito nangyari at pinagdarasal niya na sana ay araw araw na itong mangyari. Wag din sana itong mauntog at baka magbago agad ang magulang niya.

She was sure that her parents might change, and yes those changing starts now. Come to think of it maybe there something happen to them, in a positive way.

Sabay sabay silang kumain, nagku-kwento ang Mama niya ganon din ang Papa niya.

Natapos nilang kumain dinala ni Feira sa lababo ang pinagkainan nila. Suot ang asul na apron, huhugasan na sana niya ang mga plato ng pigilan siya ng Ina.

"Naku anak.. huwag mo na hugasan ang mga 'yan, ako nang bahala sa mga hugasin umalis ka na baka mahuli ka pa sa klase mo. Alam mo na graduating ka na kaya kailangan mo pa pagbutihan." Sabi nito, tinanggal ni Mama ang pagkakabuhol ng apron na suot niya. How come her Mother know that she's already a graduating student? Never siya nito tinanong sa pagaaral. Hindi nga niya alam kung may ideya ba nag parents niya sa kinuha niyang kurso.

"Maaga pa naman po kaya ko naman po gawin yan saka may pasok pa kayo ni Papa di'ba?" May pagtatakang sabi niya dito.

Para sa Ina at Ama ni Feira, their work are important than her. Iyan ang sabi ng mga ito sa kanya noon pa man na tumtak talaga sa isp niya. Kaya nakakapagtaka lang talaga dahil mas inuna pa siya nito kaysa sa trabaho ng mga ito.

"On leave kami ng Papa mo." Sabi nito, nagsimula na itong maghugas ng plato. Halata sa mukha ng Mama na ayaw nitong maghugas, ngunit bakit inagaw nito sa kanya. "Umalis ka na Feira, ano pa ang tinutunganga mo dyan." Halata sa boses nito ang pagka-asar.

Umalis na siya sa kusina, bumalik na siya sa kwarto upang kunin ang gamit niya.

Papunta na siyang café para kunin ang sweldo niya, ng makuha na niya ang kailangan doon ay sumakay na siyang jeep. Nag jeep nalang siya mas mura at makakatipid siya kaysa tricycle. Ang mahal kasi nang singil pagsatricycle lalo na pagnagiisa ka lang na sakay.

Ilang minuto lang ay nakarating na siyang GU. Marami-rami nang estudyante, may nagtatawanan, naghaharutan, may naghahabulan na mga bullies, and lastly mga naglalandian na magjo-jowa, at syempre kasama na don ang The Bitches na todo ang pakikipagharutan sa mga basketball player ng GU.

Kelan ba naman nagpahuli ang grupo ni Jessica. Tuloy tuloy lang ang paglakad niya at kinabit niya ang headset at hindi na pinansin pa ang nasa paligid.

Paakyat na siya ng hagdan ng may tumawag sa kanya, nung una ay hindi niya ito pinansin. Tuloy tuloy lang ang lakad niya.

"Love!!!.... Feira!!" Sigaw nito, doon siya napalingon. Nakita niya si Ryder kasama sila Bella, Clark, at Clay.

Nang makalapit ang mga ito sa kanya ay nakita niya ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Bella.

Tinaasan niya ito ng kilay. "I know that kind of smile Bella, stop it… will you." Masungit na sabi niya sa kaibigan.

"Why? What's wrong nakangiti lang naman ako. Wala naman akong ginagawa na masama sa'yo." Sagot nito habang tumatawa.

"Kanina pa kita tinatawag babae." Singit nung love kuno daw niya.

Nilingon niya ito. Why so gwapo? Makapal na pilik mata, mala abo na mata, matangos na ilong na pinagdarasal niya na may ganon din siyang katangos na ilong, manipis na labi, damn ang perfect. Yummy!!

Kumunot ang magaganda at perpektong makapal na kilay nito.

"I know that I'm handsome so don't look at me like that. Like… like you want to kiss me…" Ryder smirked.

"Don't be full of yourself, jerk. Ang pangit mo." Inis na sabi ni Feira dito. Pero ang totoo ay hiyang hiya na siya dahil nahuli siya nito na nakatitig sa lalaki.

"Bestfriend." Pagtawag pansin ni Bella sa kanya, sabay kapit sa braso niya. "Tell me something." Buti nalang at pinaalala nito ang dahilan kung bakit ganito ang 'relationship kuno' nila ni Ryder.

"May kasalanan ka sakin." Aniya at sinaam ito ng tingin. Ngunit hindi ito natinag, ngingiti ngiti pa ito sa kanya.

"At anong kasalan naman ang ginawa ko aber."

"You! Ano naisipan mo at ako ang tinuro mo na maging fake girlfriend ni Ryder." Tumawa ito ng malakas kaya agad kong tinakpan ang bibig nito.

Pinagtinginan na agad sila dahil sa lakas ng tawa nito. Kimi siyang ngumiti yung iba ay ngumiti sa kanya ang iba naman ay inirapan lang siya.

"Bestfriend.. love lang kita kaya ikaw yung sinuggest ko sa kanya." Paliwanag pa nito.

Papasok na sana sila ni Bella ng room ng may humarang sa dadaanan nila.

"Well... Well... Well... Look kung sinong dumating." Ani Jessica, nagtawanan naman ang alipores nito, kahit na wala namang nakakatawa sa sinabi ni Jessica. Crazy bitches.

Ang bilis naman nang mga ito parang kanina lang nasa labas sila nakikipagharutan/ nakikipaglandian.

"Ang magbestfriend na mabait kunwari pero nasa loob naman ang kulo." Sabi ng isang alipores nito.

Agad na uminit ang ulo niya sa sinabi nito. Okay pa na ako ang sabihan nila pero yung idamay nila si Bella. NO!. hindi ako papayag.

Tinaggal ko ang pagkakakapit sa akin ni Bella at hinarap yung nagsabi nayon kaklase ko ito pero hindi ko matandaan pangalan nito.

"What did you say? Don't tell that to yourself, Jessia." unti unti akong lumapit dito, kita sa mukha nito ang kaba at takot. What?? Nagtatanong palang naman ako wala pa akong ginagawa.

"Hey don't look at my friend like tha.t" singit nung isang kaibigan nito na katulad din ng mga kasama nito na mukhang clown, gaya nung isa tinitigan ko rin ito, at mukhang nakuha naman sya sa tingin kaya tinuloy ko ang sasabihin ko.

"You know ano sa tinggin mo ginagawa mo?"

"Feira… Feira wala ka talagang alam ano... ganiyan ka ba talaga ka tanga." singit ni Jessica. Oh andito pa pala ito kala niya kasi ay iniwan na nito ang mga alipores nito dahil kanina pa ito hindi kumikibo.

"Wala ka nang ginawa kundi ang landiin si Ryder." So tungkol pala itong usapan na'to kay Ryder. "Ginagamit ka lang naman niya, kase ako, ako mahal niya at sinabi niya 'yon sa'kin." Habol pa nito.

Medyo nasaktan si Feira doon, kasi alam niya sa sarili niya na totoo naman yung sinabi nito, except sa part na sinabi nito na mahal ito ni Ryder at sinabi iyon ng lalaki sa kanya.

"Talaga lang ah… ganyan ka na ba ka desperada Jessica, para lapitan pa ako at sabihin yang mga walang kwentang salita na iyan." Sabi ni Feira rito habang nakangisi, kita niya sa mukha nito ang pagkairita. Well truth hurts bitch.

Bella sighed. "Okay Jessica sinabi mo na rin naman na mahal ka ni Ryder at hindi si Fei di'ba?" Tumango si Jessica. "Then give us a proof na sinabi nga iyon sayo ni Ryder at pag may naipakita ka sa akin, nasisigurado ko sayo na hihiwalayan ni Fei si Ryder." May diing na sabi nito.

Kita sa mukha ni Bella ang pagkaseryoso.

"Sure, proof lang naman pala." Nakangiwing sabi ni Jessica.

"Don't you ever make it fake. You know what I can do to you.." Banta ni Bella dito.

"Why would I fake it?" Depensa ni Jessica.

"Sinisigurado ko lang Jessica." Bella glanced. "Pinaka ayaw ko kasi yung niloloko ako."

For some reason… she also want to know something kung totoo nga ba ang sinabi nito o hindi.

"I'll give it to you as soon as possible." Sabi ni Jessica na para bang siguradong sigurado ito or sigurado nga talaga ito. Hay… ewan bahala na, kahit masakit.

Iniisip palang ni Feira na totoo nga ay para nang sinasaksak puso niya.

Pinagmasdan nalang ni Feira ang papalayong likod ng grupo ni Jessica. At habang nakatitig sa likod nito ay bumalik ang mga ala-ala nila ni Ryder.

Puro man asaran pero para kay Feira importante iyon, dahil habang kasama niya ang lalaki ay nakakalimutan niya ang mga problema niya.

Bella look at her. "Stop it Fei, I know you…"

"What if its true?" she sighed.

"Just stop what you're thinking we still don't know if its true or not.." Anito sa kaniya.

Naglakad sila papunta sa upuan nila nang huminto si Bella ask her.

"Are you falling for him, Fei?" Tanong nito.

Hindi agad siya nakasagot. Nahuhulog na nga ba siya kay Ryder? Kasi kahit siya ay hindi alam ang sagot. Maaari nga ba siyang mahulog sa lalaki na'yon kahit na sandali pa lang niya ito nakakasama?

"Kalimutan mo na yung tanong ko, kasi alam ko na sagot mo. Hay… ang bilis bestfriend dalaga ka na talaga." Pangaasar pa nito sa kanya.

Sinamaan ni Feira ito ng tingin. "Are you done, Bella?"

"Okay… Okay…" Sagot nito pero tumatawa parin.

Nailing na natawa nalang din siya sa kaibigan, sa kakulitan nito.

Feira stared at the window when Ryder came and sit next to her. Looking at her and studying her face, he looks worried at her.

Maybe… maybe Jessica told him already. So naguusap ito at si Jessica? Para ba na tinutusok ang puso niya dahil sa naiisip. Wala pa naman ginagawa sa kanya si Ryder pero nahuhulog na siya, paano pa kaya pag may ginawa na ang binata. Baka hindi na siya makaahon pa mula sa pagkakahulog dito. Sana lang ay hindi siya masaktan sa huli.

"Come with me, we need to talk" Anito sa kanya.