webnovel

Chapter 3

Highschool Era

Alam ni Lemon na minsan ay naiirita si Lime sa kakulitan niya kaya dumidistansiya siya rito. Kilala niya itong sluggish kung kumilos at naghahanap ng mapayapang lugar na mapagpahingaan kaya kontento na lang siyang pinagmamasdan ito sa malayo. He's talking with Cyriel Kagawa under a mango tree near the grounds.

Mukhang seryuso ang pinag-uusapan ng mga ito na ikinangiti niya. Funny how it seems na magkalaban ang mga ito noon ngunit kabaliktaran ang turingan ngayon. Oh well, their minds are quite mature for second year highschoolers.

Nakatunghay na pinagmasdan niya ang payapang mukha ni Limon. Malayo sa usual na nasabusangot nitong mukha tuwing umaga. Lemon really likes Limon not because of their parents so-called premonition of seeing them together in the future but because he completes her day with just one smile from him.

Sinasadya niyang bulabugin ito araw-araw sa bahay nito dahil gusto niyang siya ang una nitong mabungaran sa tuwing gigising ito. She doubt if he likes her back, nakukulitan ito sa kanya but she won't expect things. Baka masaktan lang siya sa huli. Ang importante ay mahalaga si Lime sa buhay niya.

"Liking him secretly huh? Well, you're not alone, Lemon." Napaangat ang tingin niya sa bagong dating na si Selene. Sumandal ito sa railings na nagmistulang harang sa grounds.

"What do you mean? You're liking someone secretly too?" she asked. Makahulugang ngumiti ito sa kawalan.

"Maybe yes and maybe not. I am not sure yet pero ikaw? Amoy na amoy na kita and it wouldn't be that bad if it's Lime. Sa tagal ng pinagsamahan ninyo, magugustuhan mo talaga siya nang higit pa sa isang kaibigan." dagdag pa nito na iniba ang direksiyon ng mga mata upang hindi makahalata ang dalawa na ito ang pinag-uusapan nila.

"I'm scared, Selene. What if he will reject the idea of me, liking him? We're best buddies. Kailanma'y hindi niya inisip ang bagay na 'yun but our parents does." malungkot niyang pahayag.

"We're young, Lemon. Marami pa ang magbabago."

"I don't think feelings change in a matter of few days. Kung shallow oo but the idea of more than liking someone is too scary for us to handle. Tama nga ka, masyado pa tayong bata sa ganyan."

"We make the most of our highschool life. Hindi tayo magstu-stuck sa bagay na 'yon? All right? Be what you are."

"Yeah." sang-ayon niya at nginitian si Selene. Nginitian din siya nito.

Muli siyang sumulyap kay Lime napalingon na talaga sa kanila maging si Cyriel. Nakangiting kinawayan niya ang dalawa.

"But I will not push this for now." bulong niya sa sarili.

----x

"Are you avoiding me? May nagawa ba akong mali at iniiwasan mo ako noong mga nakaraang araw?"

Bumuntong-hininga si Lemon. Na-corner na talaga siya ni Lime na obviously, iniiwasan niya mahigit isang linggo na. She was just trying if her feelings fade if she will not see him but it turns out that she only misses him.

"Wala, Lime. I think you need a break from my energy-consuming remarks. You need rest from it. Baka nakukulitan ka na sa 'kin."

Akmang lalampasan niya ito nang higitin siya nito sa braso niya. Mariin siyang napapikit at matapang na sinalubong ang mga mata nito.

"It's for you, Lime. I don't wanna be the reason of your exhaus—

Naputol ang pagsasalita niyang magsalita ito. Mataman siya nitong tiningnan na tila nanunuot ang titig niyon sa kaibuturan ng puso niya.

"I'm used to it. I don't want to see you avoiding me. It's nonsense, Lemon. You can do whatever you want if you're with me just don't avoid me for pity's sake. Sanay na ako sa presensiya mo. At kung wala ang presensiya mo, pakiramdam ko, nadagdagan ang pagiging boring ng buhay ko. Naiintindihan mo ba ako?" malumanay nitong paliwanag. "I'm not me if you're not around."

Napanguso si Lemon at hindi na nakatiis at ngumiti. Marahang ginulo nito ang buhok niya.

"Sorry for avoiding you. Hindi na ako magiging overly na makulit."

"Don't be. 'Wag mong baguhin ang sarili mo para sa akin. Don't adjust your personality when you're with me. You're my sunshine, okay?"

He doesn't know that his words melt her heart.

"Okay." she sweetly smiled to him.

---x

Nasa labas sila ng bahay at nakatambay sa bench ng isang tindahan habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan na pinamumulatian ng bituin at buwan.

He silently stared at it while she looked at him. His hair was blown by the wind that looks so cute in her eyes.

"What if things change and we will transfer to other place, Lime? And you will not see me anymore." she said out of nowhere.

Lumingon ito sa kanya. Seryuso ang ekspresyon sa mukha. Napatungo tuloy siya sa intense ng mga mata nito.

"Then I'll search for you." sagot nito.

Umangat ang mga sulok ng labi niya.

"What if I'll do what it takes not to see you anymore?"

Nagkatinginan sila ng ilang segundo.

"Why are you asking me these, Lemon?" kunot-noong tanong nito. "Are you leaving?"

"I'm not leaving."

"Then, what?"

"I like you, Lime. A lot."

He was caught off guard and she smiled to him.

----x