webnovel

Kabanata 1

Inilipat ko ang basket sa aking kaliwang kamay habang naglalakad sa malinis na daanan sa gitna ng maligayang gubat. Ang sinag ng araw ay tumatagos sa mga dahon ng matatayog na puno habang ang paligid ay nababalot ng mga berdeng mga damo at miminsan ay may mga bulaklak pa sa tabi na nililiparan ng iba't ibang klase at kulay ng paroparo.

Nakababa ang sumbrerong parte ng aking kulay pulang cloak dahil malililim naman ang paligid at medyo mahangin. Bahagya pang tinatanggay ng mabining hangin ang aking kulay brown na mga buhok na aabot sa aking balakang. Hindi ito pinapaputulan ni Inang, binabawasan siya lamang ang dulo upang maging pantay. Ayos lang naman sa akin 'yun, gusto ko ang hagod at kurba na ginagawa ng aking buhok ng kusa.

Lumipad ang aking kamay sa kwintas na suot at saka napangiti. Bigay ito ni Itang sakin sabi ni Inang. May hugis ito na talagang napakaganda. Snow flakes. Sabi ni Inang, personal itong ginawa ni Itang noong nabubuhay pa siya. Nasa sinapupunan pa lamang ako ni Inang ng gawin daw 'to ng kaniyang mahal na asawa kaya pag napapansin ko ang kwintas hindi ko mapigilan ang aking ngiti dahil dito nararamdaman ko kung gaano niya ako kamahal. Isa pa, hindi ko ito tinatanggal dahil narin sa mahigpit na bilin ni Inang at wala namang kaso sakin 'yun dahil wala naman talaga akong balak.

Nilingon ko ang pinanggalingan na hindi ko naman na matanaw. Galing pa akong Bolivia at ako ang naatasan ni Inang na ihatid ito kila Eli na sa Cardonia pa ang bahay. Minsan lang akong makalabas kaya pumayag na ako. Isa pa, gustong-gusto ko ang lugar ng Cardonia! Napakakulay ng kanilang lungsod at puno ng mga tinda sa kaniyang pamilihan. Naggagandahan din ang mga bahay at sa dulo niyon ay ang napakalaking kastilyo na pagmamay-ari ng dugong bughay na pamilya ng mga Derbyshire. A full blooded royal vampires. Sila ang nagpapalakad ng makulay na lugar ng Cardonia ilang taon narin sabi ng aking Inang.

Ako naman ay isang anak ng simpleng mamamayan ng Bolivia. Isa din 'yung lungsod. Masigla pero hindi kasing kulay ng Cardonia dahil narin sa medyo kakapusan ng punong namamahala doon, pasalamat na lamang kaming mga Bolivian na meron kaming mapagkukunan ng pangkabuhayan. Katulad ng aking ina, gumagawa siya ng mababangong pabango galing sa iba't ibang uri ng mga bulaklak at dahon habang ang Itang ko naman daw noong nabubuhay ay nagtatrabaho sa minahan na pag-aari ng pamilyang Derbyshire.

Ang mundong kinabibilangan ko ay nahahati sa apat na malalaking lungsod. Ang Cardonia na siyang may pinakamalaking sakop ng lupa at mas nakakaangat na lungsod kesa sa tatlo pa, nandoon ang pangunahing pangangailangan ng lahat ng nilalang sa buong Eileithyia. Kilala ang mga Cardonian dahil sa kanilang creativity and ambitous traits. Mahirap silang maisahan.

Mesodonia ang sunod na pinakamalaki sa Cardonia, may mga bagay na sila ang nag-aangkat para sa pamilihan ng Cardonia. Ito yung mga bagay na mahirap hanapin katulad ng mga mamahaling klase ng bato at iba pa. Kilala ang Mesodonia sa galing nila bilang mga hunters and huntresses. Mesodonian ang klase ng mga nilalang na makakapasok sa kaharian ng Derbyshire dahil sa pambihirang determinasyon at lakas.

Sumunod ang lungsod ng Esperia, mas malaki lamang yun ng konti kesa sa Bolivia pero mas nakakaangat parin sila. Nangunguna sila sa mga lamang dagat dahil napakalapit nila sa dagat ng Achaelus, malusog ang dagat na 'yun sa iba't ibang uri ng lamang dagat kaya sila Esperia ang pangunahing nag-aangkat niyon sa Cardonia. Esperian ang mga klase ng tao na sobrang jolly at talagang maaasahan.

At ang pinakahuli sa Eileithyia, ang aking pinanggalingang lungsod. Ang Bolivia. Ito ang pinakamaliit na may sakop ng lupa sa Eileithyia bukod pa doon nag-aangkat din ang Bolivia ng mga natural good katulad ng mga gulay at prutas sa malaking pamilihan ng Cardonia. Kaming mga Bolivian ang nagtatayo ng kasipagan at kabutihang puso.

Halo-halong mga nilalang ang naninirahan sa mga lungsod dahil sa matagal narin ang kapayapaan sa buong Eileithyia, sinabi 'yun sakin ni Inang kaya namulat akong hindi na nagugulat kung may makita mang taong lobo, bampira, mga witches, fairies at iba pang mga nilalang sa daan. Matagal na kaming payapa.

Ako naman ay nanggaling sa hanay ng mga fairies. Ang aking ina ay isang uri ng fairy. Isa siyang masugid na alagad ng Ina ng mga bulaklak. Ang aking ama naman...walang nabanggit ang aking ina. Si Inang naman ay nakuntento na lamang sa buhay niya noong maging mag-asawa sila ni Itang bilang isang tigagawa ng pabango. Sa tagal niya sa kaniyang ginagawa, napaparami narin ang kaniyang suki at maging ang dalaga sa pamilya ng Derbyshire nagustuhan ang kaniyang paninda.

Katulad na lamang ngayon, dala ko ang basket na naglalaman ng mga tapos na niyang pabango. Ihahatid ko muna kay Eli ang para sa dalaga ng mga Derbyshire bago puntahan ang iba pang suki ng aking ina. Si Eli na ang bahala doon dahil nagtatrabaho siya sa kaharian ng mga Derbyshire.

Pagkalabas ko sa masiglang gubat tumanbad na sa akin ang masiglang kalsada na papasok sa lungsod ng Cardonia. May mga naglalakad palabas at meron ding papasok. May mga sasakyang hila din ng iba't ibang kulay ng kabayo na papalabas at papaloob din ng Cardonia. Humahanga pa ako sa kasuotan ng iba dahil talagang makukulay 'yun at mukhang malalambot ang tela. Hindi ko tuloy maiwasang plantsahin ng aking palad ang suot kong kulay asul na bestida. Ito na ang pinakamaayos ko sa lahat ng aking damit na nasa bahay kaya ito ang laging suot ko pag pupunta ng Cardonia para naman kahit papano may mahid ng kulay ang aking damit at hindi 'yun magmukhang mapusyaw.

Naglakad na ako habang pinagmamasdan ang paligid. Minsan ay sumisilip sa ibang paninda at saka muling magpapatuloy sa paglalakad para marating ko ang bahay nila Eli. Tumitingin lamang ako sa paninda dahil wala naman akong pilak o ginto na pangbili. Ayos na akong masilayan yung naggagandahang bato sa pamilihan.

"Naglakad ka na naman, hija?" Tanong ni Mildred, ina ni Eli.

Umupo ako sa kanilang upuan at saka nakangiting bumaling kay Mildred at tumango.

"Oo, tagsibol kasi Mildred. Mas gusto kong maglakad para mapagmasdan ko naman ang paligid," paliwanag ko pa.

"Huwag mo namang araw-arawin ang gubat, hija. Baka malapa ka ng mga mababangis sa hayop doon," paalala pa ng ginang.

"Opo, tatandaan ko 'yan," saad ko para naman mapanatag ang ginang.

Nabawi ko lamang ang tingin kay Mildred ng may kamay na kumumpas sa aking harap at saka lumabas ang makintab na bagay doon at nawala rin agad. Fairy dust.

"Nakagawa ako ng alternative pero babalikan ko pa 'yun para mas makintab," rinig kong sabi ni Eli bago umupo sa aking tabi.

Nilingon ko siya dahil doon. Si Eli ay nahahanay sa pamilya ng mga witches. Mahilig sila sa mga magic at eksperimento kaya hindi na ako masyadong nagulat sa sinabi ni Eli sakin.

"Talaga? Ilang araw mo 'yung inaral Elfina?" tanong ko pa.

Inismiran niya ako dahil sa tawag ko sa kaniya pero ngumiti lamang ako ng matamis sa kaniya.

"Inabot ata ako ng isang linggo at kalahati," ani Eli bago tumayo para tingnan ang basket na aking dala.

"Ito lang ba ang para sa dalaga ng mga Derbyshire?"

Tumango ako at tumayo rin para ilabas ang pabango na nasa mas espesyal na lalagyan kesa sa iba. Pinaghahandaan 'yun lagi ni Inang tuwing ihahatid ko 'yun kay Eli upang dalhin sa prinsesa ng mga Derbyshire.

"Patagal ng patagal mas bumabango ang tinda niyo, hija," rinig kong saad ni Mildred mula sa kanilang kusina.

"Salamat po! Pinaghihirapan talaga ito ni Inang," nakangiting imporma ko pa.

"Osya, gusto mo bang sumama samin sa bungad ng kastilyo, Isada?" Tanong sakin ni Mildred.

Ni isang beses ay hindi pa ako nakakatungtong sa lupa na malapit sa kastilyo ng mga Derbyshire. Hindi naman dahil sa nagbabawal sila, sa katunayan bukas ang malaking gate ng mga Derbyshire sa mga nilalang na gustong bumisita sa magandang hardin na meron ang pamilya, talagang hindi lang ako pinapayagan ni Inang kahit gusto ko ding masilayan ang sinasabi nilang magandang hardin.

Ngayong niyayaya ako ni Mildred, pwede naman siguro diba? Sa bungad lang naman. Hindi naman ako papasok kahit gustuhin ko dahil baka malaman ni Inang.

"Paano po ang mga idedeliver ko pang pabango?" pagpapalusot ko kahit gusto kong sumama.

"Sa bungad lang naman. Babalik din naman si Eli kaya sasamahan ka niyang ihatid ang mga 'yan. Mabulaklak kasi ang hardin ngayon kaya maraming pumupunta doon dahil namimigay ang Reyna ng libreng bulaklak galing sa hardin. Minsan ka lang naman dito sa Cardonia kaya gusto kong makita mo kung gaano kaganda ang mga bulaklak doon," nakangiting sabi sakin ni Mildred.

Inakbayan naman ako ni Eli at saka hinila palapit sa kaniya.

"Sumama kana! Tutulungan kita diyan sa mga pabango pero samahan mo muna kami, pangako ibibigay ko sayo ang pinakamagandang bulaklak na makikita ko sa hardin. Alam kong gusto mo 'yun," panguudyok pa neto sakin.

Sige na nga. Sa bungad lang naman. Hindi naman ako papasok sa loob kaya sa tingin ko ay ayos lang. Tumingin ako sa mag-inang nag-aantay ng aking sagot, ngumiti ako at saka tumango at kinuha ang isa sa kanilang dalahin pati ang aking basket.

Hindi naman ito malalaman ni Inang kung hindi ko sasabihin diba? Atsaka sa bungad lang naman. Hindi naman ako papasok sa loob ng kastilyo kaya sa tingin ko ayos lang. Tama, ayos lang ito kaya nakangiti akong sumama kila Mildred papunta sa malaking kastilyo ng mga Derbyshire.

Magandang araw! This is my first fantasy story. Gagawin ko ang makakaya ko para mabigyan ng hustisya ang genre-ng pinili kong gawin ngayon.

Please, vote or write a review if you have time ✨

Duchess_Enticecreators' thoughts
Next chapter