webnovel

CHAPTER 3 - THE ROPE (Vae)

Naniniwala ang marami na lahat ng bagay ay may pinagmulan, ngunit papaanu kung ang pinagmulan na ito ay may madilim na katotohanan? Hahayaan mo bang takutin ka ng katotohanan? o magegeng matapang ka upang baliin ang kasinunghalingan?

Isang hapun ay masayang nanonood ng tv sa salas sila Vae, Jena at Dawn. That time ay malakas ang ulan at hindi maiiwasang antukin dahil na rin sa lamig ng panahon, at hindi na nga kinaya ni Vae ang antok at sya ay nakatulog. Mahimbing na ang tulog nya ng maramdaman nyang hinawakan sya ni dawn si paa, malamig ang kamay at paa ni dawn dahil ito ay pasmado at ang paghawak ni dawn sa paa ni vae ay ang nageng dahilan ng pagkagising nito. Nag-inat ng dalawang kamay si Vae at tumihaya, pagmulat ng mata nya ay may naaninag syang parang may nakalutang o nakasabit sa harapan nya, dahil nga bagong gising sya ay medyo blurred pa ang paningin nya kaya hindi nya makita ng ayos kung anu ba ang nasa harapan nya, kinusot-kusot nya ang kanyang mga mata at nang imulat nya itong muli ay bigla syang natigilan, isang nakabigting babae ang nakalutang sa harapan nya at ito ay nanlilisik ang mga mata at titig na titig sa kanya. Sumigaw sya ngunit walang boses na lumalabas mula sa bibig nya, sinubukan nyang galawin ang kanyang kamay ngunit hindi nya ito magalaw.

"Vae! Hoy vae gising!!" sigaw ni Jena habang inaalog ang balikan ni vae at biglang napamulat si Vae at napaupo, halatang-halata sa mukha ni vae ang takot.

"Hapun pa lang nananaginip ka na agad hahaha" natatawang biro ni dawn.

"Shit bhe binangungot ako" wika ni vae sa mga kasama

"yan kasi tulog ng tulog, wag ka na matulog ulit at baka wala ka ng maitulog mamayang gabi" wika naman ni jena.

"grabe bhe! dawn hinawakan mo ba ako kanina sa paa?" tanung ni vae kay dawn

"hindi bhe ah! busy ako manood, saka ang layo ko naman sa paa mo" sagot ni dawn

"shit eh sino un?" nagtatakang tanung ni vae

"abay malay ko! diba sabi mo diba binangungot ka? baka part din un ng bangungnt mo" wika ni dawn

"grabe bhe parang totoo talaga dito pa nga daw nakabigti ung babae o" wika ni vae sabay turo at tingin sa taas, pati si dawn at Jena at napatingin sa tinuro ni vae. Nanlamig ang buong katawan nilang lahat nang makita nila ang isang lubid, isang lubid na tumutugma sa panaginip ni vae kung saan nagbigti ang babae.

"o-oh my God bh-bhe! Ta-ara na sa taas" nanginginig na wika ni Jena.

"Aaaaahhhh" iritit ni dawn at biglang takbo pataas ng kwarto at sumunod na din si vae at jena, at dahil nga sa takot ay hindi na nila nagawang patayin ang tv.

Kinagabihan ay pinuntahan sila ni Aling Nethz at pinagalitan dahil iniwanan nilang nakabukas ang tv kahit wlang nanunood. Sasabihin na sana ni Vae ang dahilan ngunit pinigilan sya ni Dawn dahil hindi pa ito alam ng iba nilang kasama at baka hindi rin sila paniwaan ni Aling Nethz, at isa pa ay dahil sa bangungot lang ang lahat...