webnovel

Prologue

Starry POV

Ang ganda ng mga bituin lalo na kapag ito ay kumikinang, 17 years old na ako pero wala ni isang nagtangkang manligaw sakin sabagay ang isang probinsyanang katulad ko hindi nababagay sa mga gwapo at magaganda.

Sobrang bilog ng mga buwan ang sarap pagmasdan. Tingnan mo nga naman ang isang bituin na 'yon kung makapagtago sa likod ng buwan akala mo'y may nag-aabang sa kanya na kaaway. Para siyang binabatanyan ng buwan, para siyang pinoprotektahan. SANA OL MAY NAG PPROTEKTA.

'Hoy Starry anong drama mo jan dzai?' bigla akong napabalikwas ng higa sa damuhan ng marinig ko ang boses ni Maria ang kaibigan kong pinaglahi sa gatas sa sobrang puti.

'Ano kaba Maria ginulat mo ako!' sigaw ko sa kanya

'Ay gaga ka kung hindi pa kita tinawag baka nagbunganga na naman si Aling Pasing at pinagtatapon na naman ang mga gamit mo! Kilala mo naman siguro ang matandang 'yon, nakakahagard!' mahabang lintanya sakin ni Maria habang pinapaypayan ang sarili niya gamit ang kanyang mga kamay.

Napailing na lang ako habang tumatayo sa aking hinigaan, walang imik akong naglakad patungo sa bahay ni Aling Pasing.

'Bakit ngayon ka lang na bata ka?! Diba sinabi ko sayo magligpit ka ng pinggan?! Ikaw talaga ang papatay saking bata ka!' sigaw sakin ni Aling Pasing pagkatapak ko sa bahay nila.

Wala akong imik habang naglalakad patungong lababo upang ligpitin ang pinggan na pinagkainan nila, kung hindi kaya ako pinamigay ng magulang ko kay Aling Pasing mararanasan ko kaya 'to? Maghihirap kaya ako ng ganito?

Gusto ko din maranasan maging masaya at mabuhay ng matiwasay at maranasang umibig sa hindi inaasahang lalaki.