webnovel

Billionaire I: Zacharias Maximo Acosta

WARNING:MATURE CONTENT | R-18 Love is not only happiness and happy ending,it includes also a pain and many more that sometimes you can't take it anymore,in short ikaw na mismo ang susuko.Ang ganyan ang buhay ni Anabelle Dominguez. Anabelle Bree Dominguez is a kind of girl who was very persistent when it comes to her job,she was just living alone because hee parents was now dead.She was living in the dark not until nabago ang buhay ni Bree matapos nyang makilala ang lalaking babago sa buhay nya,si Zacharias Maximo Acosta. Zacharias Maximo Acosta,is a well-known casanova,cold and heartless man.Nasa kanya na ang lahat,kayaman,katalinuhan at kagwapuhan ultimo babae ay agad-agad nyang nakukuha in just one snap of finger.Sya din ang sikat pagdating sa business world,sya ang CEO ng Acosta Empires the best and the most trusted company in the Philippines,meron din silang sikat na mall na laging pinupuntahan ng tao at bar na lagi din dayuhan ng tao,ganun kayaman ang mga Acosta.Isa iyon sa dahilan kung bakit sya habulin ng mga babae,dahil bukod sa gwapo sya ay mayaman din sya. But what if Bree and Maximo cross their paths again?but this time they are now a stranger after their not so good marriage.Maximo is now Bree's ex-husband and worst,Bree is now Maximo's secretary. Will Bree is willing to forgive Maximo for everything and will she be able to handle his heart not to fall inlove again for Maximo?

iamfairy_aloe · Realistic
Not enough ratings
3 Chs

PROLOGUE

"HINAYUPAK ka Bree!I'm here for almost one hour tapos ikaw kadarating mo lang!aba!anong akala mo artista ka!"agad na bungad sa akin ng kaibigan kong si Michelle,we are now at Acosta Empires para sa pag-aaply ko bilang secretary at sya naman ay sa department head.

"Sorry naman eh kasi na-traffic ako"hinging tawad ko naman,hininaan ko na ang boses ko dahil halos lahat ng dumadaan sa looby ng Acosta Empires ay napapatingin sa amin dahil sa tinis ng bunganga ng bruhang babaeng 'to!nakakahiya!

"May sarili ka ng sasakyan lahat-lahat!nalate ka pa din!"

"Hoy babae,FYI,for your information hindi porke't may sasakyan na ako ay hindi na ako mata-traffic.Bakit yung sasakyan ko ba eh lumilipad?"pagtataray ko,nanggigil na talaga ako sa boses nya,kung hindi ko lang talaga sya kaibigan matagal ko ng nasungalngal ang bunganga nya!."Tara na,kakakuda mo dyan lalo tayong malelate sa interview"anyaya ko at nauna na ako sa elevator.Pinindot ko ang 36th floor ng building dahil doon ang interview ko si Michelle naman ay sa 20th floor dahil sa ibang department sya.

"Mauna na ako sa'yo ha?good luck"ngiti ni Michelle nang marating namin ang 20th floor ng building.Nagbeso muna kaming dalawa bago sya tuluyang lumabas ng building.

Ako naman ay inayos muna ang sarili bago ako makarating sa floor na pupuntahan ko.Nang makarating na ako ay agad na bumungad sa akin ang mga babaeng aplikante.At ang isa naman ay mukhang sya yung secretary ng CEO dahil sya ang nag-aasikaso."Good morning"bati sa akin nung babae.

"Good morning din po"magalang kong bati.

"Anong pangalan mo?"tanong nya.

"Anabelle Bree Dominguez po"magalang kong sagot,sya naman ay tinignan ang folder na hawak mukhang hinahanap ang pangalan ko.

"Ahh,sige umupo ka muna...tatawagin nalang namin ang pangalan mo"sambit nya na agad ko namang tinalima.Naupo ako sa isang bakanteng upuan,halos lahat ng aplikante ay puro babae at ang malala ay naka-skirt pa sila na mukhang pinag-usapan nila na yun Ang isuot nila,well ako naman ay naka-skirt din na hindi naman masyadong maiksi.I'm wearing a white circle skirt two inches above the knee,white cuffed na pinatungan ng brown na blazer na pinaresan ko ng black stilleto ko.

"Anabelle Bree Dominguez"tawag sa akin nung babae,kinakabahan man ay tumayo na ako at lumapit sa kanya."The CEO is waiting for you inside, good luck"ngiti nito sa akin.Pilit naman akong ngumiti sa kanya dahil kinakabahan talaga ako at pinagpapawisan na ang palad ko kahit hindi naman mainit.

Dahan-dahan kong pinihit ang door knob ng pinto at nakayukong pumasok "g-good morning po"nauutal kong bati dahil sa nerbyos.

"Are you Anabelle Bree Dominguez?"tanong ng baritonong boses at hindi ko alam kung bakit mas lalo akong kinabahan,parang pamilyar ang boses na iyon,pero hindi napaka-imposible ng iniisip ko.Wala na sya dito,iniwan na nya ako.

"Yes po"magalang kong sagot sa tanong nya.

"Why are you bowing your head?"

"Sorry p-po"sambit ko at dahan-dahang nag-angat ng tingin pero para akong binuhusan ng malamig ng makita ko ang mukha ng lalaking kaharap ko.

What the hell?!

Ang lalaking kinamumuhian ko ay nasa harap ko na ngayon,ang lalaking kinalimutan ko sa loob ng tatlong taon ay nasa harap ko at ang lalaking Hindi ko nakita sa loob ng tatlong taon ay kaharap ko na.

"Well,miss Dominguez.I'm please to finally meet you...again"ngisi nito sa akin

And the man infront of me is none other than Zacharias Maximo Acosta my ex-husband.