webnovel

Welcome to create on WEBNOVEL

WEBNOVEL's writing platform-INKSTONE can realize your creative dream and connect you with readers all over the world with words. You can also visit https://inkstone.webnovel.com Create on the PC.

A/N: Hi! If you have noticed some grammatical errors or wrong spelling, pasensya na po. If there are some familiar scenes or lines, maybe it was just all coincidence. I don't plagiarized any movie or books, this was my own story and my own imagination. Anyways, enjoy reading:)

---------------------------------------------

~REVENGE~

"B-babe, I'm pregnant" umiiyak na sabi ko sa boyfriend ko.

"W-what?" Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"Babe, nakabuo tayo! Babe!" Niyakap ko siya nang mahigpit ngunit agad siyang lumayo sakin.

"No! I'm s-sorry Trisha, but, I'm not y-yet ready to be a father. S-sorry."

"Babe! Andrei!!!!" Umiiyak ako habang sinisigaw ang pangalan niya. Tinakbuhan niya ako. Tinakbuhan niya ang responsibilidad niya sa akin.

How could you do this to me Andrei? To us??!!

"M-ma, b-buntis po a-ako" nakayukong pag-amin ko kay Mama.

Napatingala ako nang hindi ko siya narinig na nagsalita. Pag tingin ko sa mukha niya bakas ang disappoinment.

Agad akong napahawak sa pisngi ko nang bigla niya itong sampalin.

Shit!

"Pokpok ka! Pinag-aaral kita hindi para makakuha o makabuo nang bata! Pinag-aral kita para makapagtapos ka! Tapos iyan ang igaganti mo ngayon?!"

"M-ma, hindi ko naman po s-sinasadya--"

"Lumayas ka! Wala akong anak na marumi at malandi!"

Lumayas ako sa bahay namin.

Lumayas ako sa taong akala kong magpapagaan ng loob ko. Sa taong akala kong tatanggapin ako ano man ang pagkakamali ko. Sa taong akala kong tutulungan ako.

Napadpad ako sa isang park malapit sa isang tulay, at hindi ko alam kung paano ako nakapunta dito dahil sa lutang ako sa bawat pangyayari.

Parang isang pitik! Nabago ang buhay ko. Dahil sa padalos dalos na desisyon at nang emosyon ko.

Paano na ako nito? Ng baby ko?

Hindi ko na alam gagawin ko.

Wala akong tirahan..wala akong pera, at wala akong pamilya o kaibigan na pupuntahan.

Dahil ang mga taong inaasahan ko, bigla na lang akong tinakbuhan at pinalayas.

I look up at the sky as my tears fell unto my cheeks.

'I'm sorry baby...but I think, this is the only way to escape this'

Tumalon ako sa tulay na puno nang hinanakit at sama nang loob sa lahat lahat.

At diyan ako nagsimulang pumatay nang mga tao.

It's my revenge. Pagganti sa mga taong nilayuan ako nung panahong buhay pa ako.

Nanatili ako palagi sa parke at bawat magkasintahan na tumatambay dito, ay siyang binibiktima ko.

Napangiti ako nang malapad nang mabiktima ko ang isang magkasintahan na naghahalikan.

Pssh. Bakit kinikilig pa ang babaeng iyon? Soon that man will just hurt and leave you behind!

Ayun lagi ang nakasanayan kong gawin. At siya rin ang nagiging kasiyahan ko. Ang pumatay ng magkasintahan.

Hanggang sa isang magkasintahan ang hindi ko inaasahan.

Isang pangyayari na kailan man ay hindi ko naranasan.

Isang bagay na hinihiling ko simula nang mabuntis ako, pero tinakbuhan lang ako.

Andrei is proposing to his girlfriend.

Namuo ang galit at pait sa akin.

Kaya't nagpakita ako sa mga tao na siyang ikinatakot nila. Marami ang nagsitakbuhan at lahat nang naabutan ko'y aking pinapatay. Puno nang sigawan ang parke.

At last, I found Andrei. Nakanganga habang nakatingin sakin.

"T-trisha" bakas sa mukha ang gulat at takot.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong patay na rin ang girlfriend niya.

"It's been a while Andrei. Are you happy now?hmm?" Pinapahid ko sa mukha niya ang patalim na hawak ko.

Nagulat ako nang umiyak siya.

"T-trisha, pinagsisisihan ko lahat ng ginawa ko. Sayo at sa anak natin. Patawarin mo ako"

Kung buhay pa siguro kami nang baby ko ngayon, maaawa at patatawarin ko pa siya siguro, pero huli na ang lahat.

"It's already over Andrei. Say goodbye to the Earth" before I could see his reaction, agad ko na siyang sinaksak na dahilan nang kanyang pagkamatay.

This is the last baby. I'm sorry if your Mom is a demon

But you're Dad did this to me.

Revenge is the key of my happiness now that Andrei is already dead.

-END

A/N: Hope you like it! Thanks for reading:)