webnovel

I CHOOSE YOU

We can't deny the fact the most of us are hopeful to be a someone who already found a genuine happiness in their life. In which they could say that they are already done everything and now, they are deserve to rest. But afar from these, I think I will be the one whom you will call as "kj person" and I won't dodge this wonderful term. You know what I mean to this.

"Shayn, may practice tayo mamaya sa park. Alas-dose raw after class, " napahinto na lang ako sa pagsusulat ng tapikin ako ng assistant leader namin. I just nod as my answer and went back on what I am doing. Break time ngayon kaya oras din para maglibot yung bawat leader and their assistants para sa mga agendas for this day.

"Hoy! Walang mag-eexcuse mamaya ah, assigning and division of labor ang agenda for today!, " sigaw ng leader namin. Kaya after nun, meron ng pasimpleng reklamo kesyo may lakad sila after class.

I agree, hindi naman sa walang lakad pero I am not fond of social gathering and such. But I have to, performance task is essential.

Kaya to lessen the noise, sinuot ko na lang ulit yung headphone ko and nag-soundtrip. Mabuti na lang nasa last row ako beside the wall, that means solemnity. Tsaka tumungo, we have 10 minutes left, enough to take a nap.

"Ameritus!, " tawag at kulbit ng isang nilalang. Di ko muna pinansin so she can understand that I am trying to take a nap for a while.

"Ameritus, " segunda niya sa second name ko. The fudge! I can hear her dahil sa boses niyang daig pa amplifier.

"Lilian--, " so I cut her off before pa na makumpleto niya lahat. I removed my headphone as well. Di talaga marunong makiramdam.

"What for Claireh?, " inis kong sabi. Feel the conscience attack, men.

"I choose you, " buong ngiti niyang sabi sa'kin. Huh? So I gave her a confused look.

"I said I choose you!, " aniya atsaka ngumiti ulit. So para di na ako ma-confuse, I gave her a snub look and went back on my nap. 5 minutes. Ipipikit ko lang ata 'to.

Nang matapos na nga yung limang minuto na sana'y sampung minuto na nap eh mayroon ng pumasok na prof. Hindi yung prof for that course pero...

"I have an announcements today, students. Ms, Dewey will not be attending this class for now dahil she asked to be vacant this day and the next class as well, so meron kayong almost 4 hours na vacant or definitely, class dismissal niyo na diretso" bungad niya kaya yung iba impit na nagsaya. Great. I am in favor. Matutulog na lang ako sa library since mamaya pang 2 pm yung "social gathering".

"But, sad to say. I will be cutting off the happiness of those two students here. They will be subject to go with me for some reasons, " dagdag niya. Kaya nagbulung-bulungan naman yung iba. Patungo na sana ako...

"Ms. Lilian Ameritus Shayn and Mr. Ruthor Villamoree, you may come with me, " aniya. Kaya napaangat ako bigla. Buti na lang wala akong katabi kaya walang magugulat sa ginawa ko. Me?

Nakita ko namang nagsilungunan sila pati si Claireh. May kinalaman ba siya dito? At sinong Ruthor? May kaklase pala ako na may name na ganun?

Nakita ko namang may tumayong lalaki sa may 2nd row at nung di pa ako tumatayo, tiningnan na ako ng prof. na nag-announce.

Napaka-intimidating talaga ng moment na 'to kaya I stood up instead habang nakatingin sa may open window sa kaliwa ko.

"Let's go, " aniya ng prof. Kahit clueless ako, sumunod na lang ako. I'm hoping na wala akong violation na ginawa.

Nang madaanan ko yung row ni Claireh, agad ko siyang tiningnan at isang ngiti naman ang binigay niya. Something fishy. Naririnig ko rin yung bulong-bulungan nila.

Sa bagay, good point din 'to. Exempted na ako sa " social gathering" mamaya kaso wala naman akong tulog sa malamig na library.

Pagkalabas namin sa room at pagkasara na pagkasara ng pinto, hinarap kami ng prof. Ngayon ko lang na-realize dapat pala nag-hoodie jacket ako at hindi vest.

"First thing first, can you hold her hand, Mr. Villamoree?, " kaya agad naman akong napalingon sa kanya. Ano 'to? Dating game? Why? How?

Nakita ko naman na confuse yung lalaki. Sorry for addressing him pero after 2 years na magkaklase kami, ngayon ko lang nalaman pangalan niya kaso nakalimutan ko kaagad. I'm suck with names.

"Ah yes po. Can I hold your hand, Lilian?, " tanong niya. Gusto ko na sana masuka dahil sa tanong niyang akala mo gentleman. But I don't want to judge him quickly. It sounds cringe kasi.

I sighed to the idea kaya di na ako sumagot at agad na nag-insist na hawakan yung kamay niya. I cursed this day.

"Perfect, so let's go, " aniya tsaka tumalikod at mauna na lumakad. I rolled my eyes as soon as she turned her back. Gusto ko lang matulog.

Lumakad na rin kami para sundan siya. Narinig ko namang tumikhim yung katabi ko. Di ko na lang pinansin. Buti na lang after break na at nasa klase na lahat ng students kaya this will not consider as public display of affection.

Parang normal lang akong naglalakad habang sumasabay sa katabi ko since need kong makisama. I felt him also na kinakabahan dahil malamig yung palad niya. First time niya lang ba makahawak ng kamay ng babae? Or dahil lang sa idea na pinapatawag kaming dalawa?

Sumakay na lang kami ng elevator since nasa 6th floor yung faculty na tinutukoy ng prof. na nagpatawag sa'min. It sounds weird pero that floor is usually talaga forbidden sa mga students na pumunta since nandun din yung dean's office ng college department namin.

Nang makalabas na kami ng elevator, agad kong napansin na papasok kami sa office ng dean which is mas lalong nagpalamig sa katabi ko. Nilingon ko rin siya and based sa look niya, he's really nervous as I am.

Anong violation namin?