webnovel

Beautiful X

eternityvanee · Fantasy
Not enough ratings
2 Chs

PROLOGUE

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

•••

P R O L O G U E

Pagpasok ko sa isang kwarto ay nakita ko siyang nakaupo sa likod ng kaniyang lamesa, sa isang swivel chair. Madilim ang silid ngunit kita ko ang kamay niyang may hawak na sigarilyo dahil sa liwanag ng buwan na pumapasok sa loob.

Ni hindi ko makita ang mukha niya, kung saan siya nakatingin o kung anong emosyon ang ipinapakita niya ngayon.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko at hinintay kung may sasabihin siya o wala. Ngunit agad akong kinilabutan at biglang nanlamig ng banggitin niya ang isang letra na matagal ko ng hindi naririnig.

"X,"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

Alam kong nakangisi na siya ngayon habang nakikita ang gulat na gulat kong ekspresyon.

Paano niya nalamang...

Nagulat na lang ako ng ibato niya sa paanan ko ang isang baril. Napatingin ako doon at natulala...

Anong ibig sabihin...

"Kill me."

What? Napatingin ako sa kaniya. Ngunit hindi nagiba ang posisyon niya sa kinauupuan niya.

"Kill me. That's your job right?"

Kill him... because that's my job?

"But..."

"Kill me... X."

That voice...

"Kill me... my beautiful, X."

•••