webnovel

The First Encounter

Nangangalay na ang paa ni Audrey sa kaniyang pagkakaupo sa sofa. Binago nya ang kanyang posisyon. Bigalng pumasok ang kaniyang pinsan na si Elaine. Maedad lamang siya dito, at medyo mataas ito nang bahagya sa kanya sa taas niyang 5'2.

"Oy, Audrey", bati ni Elaine sa kanya. "Kanina ka pa dyan ah".

"Nakakainis kasi itong kalaro ko sa game", sagot ni Audrey.

"Bakit na namn, anong meron," tanong ni Elaine sa kaniya.

"Medyo antipatiko kasi at mahangin", sagot niya.

"Talagang ganyan sa mga online games, Audrey. Masanay ka na", ani Elaine sabay lapit sa ref para kumuha ng mainom n tubig.

Halos isang oras na si Audrey sa kakalaro. Wala kasi siyang pasok sa opisina dahil Holiday noong araw na iyon. Tamad din naman siyang lumabas labas kahit mayroon namang siyang mga ilang kaibigan at kakilala. Home buddy, ika nga. Halos ayaw niyang masinagan ng araw kung kaya't sobrang puti at kinis ng kanyang balat. Madaming humahanga sa kanya, dahil sa kaniyang ganda. Medyo singkit ang kaniyang mga mata, dahil may lahi din siyang Chinese sa side ng kaniyang pumanaw nang ina. Hindi lang ang ganda niya ang nakakapukaw sa atensyon ng iba, kundi ang kaniyang kabaitan at pagiging matalino sa pag-aaral. Consistent honor    siya mula sa elementarya hanggang sa kolehiyo kung saan nagtapos siya bilang isang cum laude sa kursong BS Accounting.

Bata pa lang si Audrey nang pumanaw ang kaniyang ina. Nagkaroon ito ng leukemia na siyang dahilan upang lumaking mag-isa si Audrey. Ang kaniyang mga tita at ang kaniyang lola ang nagsilbingg gabay niya sa kaniyang paglaki. Hindi niya na-meet ang kaniyang ama, kung kaya't lumaki siyang ang kinikilalang ama ay ang kaniyang tito na tinatawag din niyang Papa.

"Ang sungit naman ng leader ng guild na to", sambit ni Audrey habang tumitipa tipa sa kanyang cellphone. "Napakapresko, hays. Teka nga magchachat ako sa chatbox ng guild".

(Chatbox ng Guild)

Drey: Napakasungit mo naman Leader.

Leader: Bakit pre?

Drey: Wag mo po akong mapre-pre dyan, babae po ako.

Leader: Oh? di nga? wag kang panggap na babae, pre. kumita na yan.

Drey: sabi nang hindi ako pre.

Leader: sige nga lapag mo IG account mo pre.

Drey: paraparaan ka din po eh noh.

Leader: haha.. wala ka pala eh.. lalake ka kasi pre.

Drey: sabi nang hindi eh.

Leader: patunayan mo. bakla ka noh? haha

Drey: sabing hindi!

Leader: sus.. bakla ka eh ayaw mo pa sabihin. wala ka mabibingwit na boys dito , pre. hindi kami pumapatol sa bakla.

Drey: ang yabang nyo naman po noh.

Leader: umamin ka na kasi.

Drey: sige search  mo para matahimik na kaluluwa mo.

"Audrey Carvajal"

Leader: ge titignan ko ha pre.

Nagpatuloy lang si Audrey sa paglalaro. Nakaramdam siya ng inis sa pinuno ng squad na kaniyang sinalihan. Isinali lang naman kasi siya ng isa niyang kakilala na naglalaro din ng online game na yon kaya siya nakabilang doon.

Mayamya nagchat ang preskong Leader.

Leader: Dreeey.....

Drey: oh bakit ho, Pre.

Leader: Ang ganda mo pala..

Drey: sus wag ako Pre , wala akong pera.

Leader: ang ganda ni Drey!!

Drey: out na muna ako .

Leader: Sige ingat ka, my Drey!

Nag-out na si Audrey dahil sa inis sa lalake.

"Kakainis talaga yon, napakapresko", ani Audrey. Walang ano-ano biglang nagnotify ang kanyang IG app.

"Sino kaya tong nag-DM", tanong niya sa sarili.

"Hi, Audrey. Sorry kanina ha", ang sabi ng nagmessage sa kanya.

Kinlick ni Audrey ang profile ng nagmessage sa kanya.

"Jake Mendez". Nagscroll siya sa profile nito at base sa mensahe na pinadala nito sa kaniya, napagtanto niya na ito ang leader ng squad sa nilalaro niyang online game.

Kayumanggi ang lalake. Maganda ang mga mata, katamtaman ng tangos ng ilong, at katamtamang din ang hubog ng katawan. Maganda ang hugis ng mga labi nito, at may nunal sa tuluan ng mga luha sa pisngi.

"Aba, guwapo pala tong mokong na to", nasa isip ni Audrey.

May bahagyang kilig siyang nadama at di niya namalayan na may bahagyang ngiti na sumilay sa kanyang mga labi.