webnovel

Aviator's Series#02: Soul Of An Airplane

Delaney Adair Monroeville has a broken family. Her mother left them and go to the man who also had a family. Her hate for her mother will motivate her to pursue her dreams. Even if it takes all her courage to do it.

LeVineDiaz · Teen
Not enough ratings
23 Chs

Kabanata 18

Kabanata 18

Date

"Bakit ka ba sumusunod sa akin, Santi? Naiirita na ako sayo ah!" Naiinis na saad oo kay Santi dahil kanina pa ito sunod ng sunod.

"I'm going to restaurant too, Lieutenant, unless you don't want me to eat my dinner too." Santi has smirk on.

"Awit sayo, Captain! Ang dami-dami namang restaurant sa left side bakit dito ka rin sa kung saan ako pupunta!?" Nanggigigil ako sa lalaking to!

"Your taste is good, so kung saan ka, doon ako." Mas lumawak pa ang ngisi nito kaya umismid ako. Mga palusot nitong epic!

"Oh, edi wow sayo." I rolled my eyes heavenwards at pinagpatuloy nalang ang paglalakad palabas ng hotel.

Pagpasok ko sa isang resto bar ay sumunod din si Santi sa akin na parang buntot kong hindi mahiwa-hiwalay! Agad akong pumwesto sa mesang pandalawan dahil iyon ang available na malapit sa bar counter. At syempre expected na yang may makiki-upo kuno dahil wala ng ibang available table kahit meron naman!

"I'll order what's her order too," saad ni Santi sa waiter na dumalo sa mesa namin. Hindi nalang ako nagsalita nang magtake- note na ang waiter.

Kung hindi ko lang alam na magkaibigan ito at si Officer Cohan ay kikiligin siguro ako sa mga ginagawa nitong si Santi. Pero dahil alam kong magkaibigan sila, no thanks nalang. The playboys that have the same libidos, fool girls together. Tss!

The food served by the server are delicious. Tama nga sina Talia at Alaister na masarap dito sa resto bar na ito. Tapos you can have a choices if you're going to drink or not dahil nasa kanang side lang din bar nito. Pero dahil may duty pa ako mamayang ala una ay hindi ako titikim kahit wine lang. Baka mapasarap pa ang tulog ko mamaya.

"Hmm... You really have a good choice of places, Lieutenant," tumatangong saad ni Santi. I smirk at Santi.

"It's Lieutenant Talia and Lieutenant Alaister's choice, not mine." I grinned when Santi sneer at me.

We ate silently. Pahapyaw kong sinisipat si Santi na focus sa kinakain. Nahuhuli ko rin ang paminsan-minsang sulyap nito sa gawi ko. I grinned more and dahan-dahang nginunguya ang pagkain. He looks cute when he avoided my gazes and tried hard to focus on his food in his plate. Hahaha! The Captain Santana Yadiel Sullivan, the playboy captain in Dukes International Airline is avoiding my gazes and looks uncomfortable in his seat, that's new.

"What?!" mahinang asik nito sa akin, kunot na kunot ang noo.

"What?" I innocently asked, ginagaya ang tono nito.

Santi sneer at me kaya tumikhim ako para pigilan ang pagtawa ko.

"Stop teasing me, Lieutenant, marupok ako!"

Umalpas ang malakas na tawa ko dahil sa sinabi ni Santi. Lumingon tuloy sa gawi namin ang mga customer ng resto dahil sa tawa ko. Santis jaw clenched bago umismid ulit sa akin.

"Sorry..." natatawa ko pa ring saad. Tumikhim ulit ako at umupo ng maayos para matigil na ako sa kakatawa. Mas bumusangot si Santi dahil sa pagpipigil ko ng tawa.

Ilang sandali ang katahimikan na namagitan sa amin ni Santi. Umiinum nalang ito ng wine, samantalang juice lang ang iniinum ko nang nag-beep ang cellphone ko sa isang mensahe. I open it and saw Justine's message.

Lieutenant_Brokenhearted: I'm done my shift, Lieutenant.

Ngumiwi ako sa nabasa. Sino kaya nagtatanong dito?

Hindi pa man ako nakapagtype ng reply ay may text na naman ito.

Lieutenant_Brokenhearted: I'm on my way to my room to change my clothes and eat for my dinner.

Mas lalo akong ngumiwi sa text ni Justine.

Ako: Mamatay na nagtanong.

I tapped the send button. Hindi na ako naghintay pa ng ilang segundo at nakatanggap na naman ako ng reply ni Justine na nagpahagikhik sa akin.

Lieutenant_Brokenhearted: Tanginang ugali naman yan, Lieutenant, ina-update ka lang ei. 😬

Agad akong nagtipa ng pang-aasar kay Justine nang tumikhim si Santi nang balingan ko ito ay inismiran ako.

"Tss!" He hissed. Agad sumama ang mukha ko.

"Tss my ass," I fired back at si-nend ang reply ko kay Justine.

"Seriously? We're dating yet, you're texting and giggling there to someone else?" asik ni Santi na ikina-awang ng labi ko. I put my phone back to my jeans' pocket at tinitigan si Santi.

What is he talking about?!

"You're a cheater," dagdag nito.

"Hoy! Teka lang ah! Igagaya mo ako sayo? Excuse me, I am not a cheater!" Nanggigigil na saad ko.

"Then you're a play girl!"

I squinted my eyes to Santi.

"I am not you, Captain. And it's not a date, duhh!" I qouted my fingers to the air and made face to Santi. Sino ba ang nagsabing date ito? Nakikisabay lang naman siya sa akin na kumain ah! Ang assuming nito!

"Play girl," bulong-bulong ni Santi sa sarili. Marami pa itong sinasabi pero sa sarili lang yata nito gustong sabihin iyon. Kumibot-kibot ang mapupulang labi ni Santi sa kung anuman ang mga pinagsasabi nito.

"Ano ba?!" I slowly hissed.

"What? I didn't say anything here, Lieutenant." Santi defensively said na ikina-pikit ko. "Sige magtext-text at kiligin ka pa diyan," dagdag nito.

What the hell?!

I rolled my eyes upward when my phone beeped again. Hindi ko na ito che-neck at tinitigan nalang ng masama si Santi na nagsasalin ng wine sa baso.

Parang shunga to! Hindi naman kasi ito date! Sino ba ang nagsabing date ito? Nakikisabay na nga lang, mali-mali pa ang ina-akala!

Santi didn't talk anymore hanggang sa nakabalik na kami sa building. Gustuhin ko mang makonsensya dahil sa pagte-text ko kay Justine kanina pero wala akong mahanap na mali doon. Hindi rin ako kinakakin ng konsensya ko dahil wala naman akong ginawang masama! Tsaka hindi naman kami nagde-date, kingina!

----

GorgeousYooo 🍀