webnovel

Aviator's Series#02: Soul Of An Airplane

Delaney Adair Monroeville has a broken family. Her mother left them and go to the man who also had a family. Her hate for her mother will motivate her to pursue her dreams. Even if it takes all her courage to do it.

LeVineDiaz · Teen
Not enough ratings
23 Chs

Kabanata 15

Kabanata 15

Confession

Hindi na masyadong namaga ang pisngi ko kinabukasan. Nilagyan ko kasi ito ng hot compress kagabi pagka-uwi ko. Katulad ng routine ko pagkagising ay nag-exercise muna ako. Nagjogging sa Alley at nag push-up pagkatapos.

Hinihingal akong tumayo at tinungo ang tubig na nasa upuan malapit sa pwesto ko kung saan ako laging nagpu-push-up. Tumutunga ako nang tumigil si Justine sa harapan ko na nakabusangot. His army cut hair is a bit damp because of the sweat. Pati na rin ang suot nitong army shirt at army short. Katulad nang suot ni Justine ang suot ko at pinarisan ng puting Adidas shoes.

I raised my brows, mataray na siniringan ito. Pero ang lalaking to, ang lakas ng loob para ismiran ako!

"Tss!" naiinis na singhal ko bago ito inirapan. I heard Justine groans kaya sinipat ko ito.

"Did you enjoyed your dinner date last night?!" Justine mockingly said. Pinukol ko ito nang tingin pero hindi man lang ito tinablan. Matibay ang isang to!

"Who told you it was a date? You are stalking me, Lieutenant."

"Tss! I am not stalking you, don't accuse me."

Nginisihan ko si Justine na mas lalong nagpasama sa mukha nito. Ang sarap asarin, ang aga-aga ei!

"You are acting like a jealous boyfriend, hmm?" pang-aasar ko pa.

"You wish!"

Napamaang ako nang talikuran ako ni Justine at nag-jog na palayo sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan ang paghalakhak ko.

Lumingon si Justine sa gawi ko at pinagkunotan ako ng noo, pero natatawa ko itong senenyasan na ipagpatuloy ang pagtakbo. Napailing nalang ako nang mapansin ang mga matang nakamasid sa akin. I shrugged my shoulder at nag-umpisa nang maglakad pabalik sa building.

Nasa bukana na ako ng building nang marinig ko ang boses ni Alessia sa may mga potted trees. Bahagya akong napatigil dahil dahil kong si Santi ang kausap nito. Parehong nakasuot ng hoodie at sweat pants ang dalawa, halatang galing din ang mga ito sa jogging.

"Do you like her, Santi?" rinig kong tanong ni Alessia, pero hindi ko narinig ang sagot ni Santi. I sigh and took a step pero napatigil din ako nang marinig ulit ang boses ni Alessia.

"I like you, Captain."

Umalis na ako doon bago ko pa marinig ang sagot ni Santi. Dumiritso ako sa kwarto at nagpahinga lang sandali bago naligo ay nag-ayos.

Maaga kesa sa kadalasang oras na pagpunta ko sa restaurant akong pumunta. Si Alaister pa lang ang nandoon sa kadalasang pwesto namin at halatang nagulat ito nang makita ako.

"Morning Lieutenant, maaga ka yata ngayon? Hindi ka nagjogging?"

Umupo ako sa bakanteng upuan na kadalasang inuupuan ni Justine.

"I jogged. Maaga lang ako para maaga tayo sa Alley." Alaister gave me a half shrug. Ilang sandali lang ay magkasunod na dumating si Adonis at Talia na parehong napakunot rin ang noo.

"Kumusta na ang pisngi mo, hindi na ba masakit?" Umiiling ako. Umupo sa tabi ko si Talia at sa tabi naman ni Alaister si Adonis.

"I already put a hot compress last night, kaya hindi na ganoon ka sakit."

Umiinom ako ng kape nang pumasok si Joelle at Aviona. Nagtataka kong pinanuod ang dalawa sa kadalasang pwesto nila. Wala si Alessia. Wala pa din si Justine at Santi. Not that I'm looking for him, nagtataka lang ako. At siguro, sobrang aga ko lang dito.

Benaliwala ko ang mga iyon nang magsimula na kaming kumain. Sa isiping dadating din naman ang mga iyon. Pero si Justine lang ang dumating nang patapos na ako sa pagkain. Busangot parin ang hitsura nito.

"What took you so long, Lieutenant? Himala yata at naunahan ka ni Lieutenant Monroeville ngayon?" tunog panunuya na tanong ni Talia. Inismiran ito ni Justine bago naupo sa tabi ko.

"She's inspired. That's why."

Humalukipkipako ako at tinaasan ng kilay si Justine. Hindi ako pinansin at kinawayan lang ang waiter at nag-order. I twisted my lips.

"Baka expired kamo," si Talia iyon bago bumaling sa akin. "Anyway, how's your father's health, Lieutenant?"

Dahil sa tanong ni Talia bigla akong nakaramdam nang lungkot. My father is not in a good health now. Nasa ICU pa rin.

"Why? What happened to General?"

"Duh! Nanliligaw ka kay Lieutenant tapos hindi mo alam kung ano ang problema niya?"

Agad akong napanguso dahil sa sinabi ni Talia. Justine is not courting me. At hindi ko naman talaga ugali na ipagsabi ang problema ko sa iba. I don't wanna be a burden to them.

"She won't let me court her."

Tinawanan ni Talia at Alaister si Justine dahil sa sinabi nito. Mas lalo tuloy akong napanguso.

Nang matapos kumain ay sabay-sabay na kaming umalis ng restau. Hindi dumating si Santi at Alessia. Maybe, those two has their own world huh.

"Lieutenant, may I talk to you?"

Napatigil sa paglalakad ang mga kasamahan namin, pero agad akong tumango kay Justine.

"Mauna nalang kayo, susunod agad ako." Nang tumango sina Alaister at Aviona ay agad ring sumunod ang iba.

I slipped my hands in my pocket at hinarap si Justine. Nasa gitna kami ng Alley at medyo marami na ring employado ng airline ang naglalakad paroo't parito. My eyes stared at the man in front of me with his serious face.

Lieutenant Justine Elian Espacio is indeed handsome. No question about that. He is a good air Force and has awards every time we completed a mission. I know he's a good man.

"Nanliligaw ba si Captain Sullivan sayo?"

Agad kumunot ang noo ko dahil sa tanong ni Justine. Mukha bang nanliligaw sa akin si Santi para tanongin ako ng ganito ni Justine?

"Of course, no. Pa'no mo naman nasabi iyan?" kunot-noo kong tanong. Justine sighed and put his hands on his pockets too.

"What happened yesterday scares me so much. What you did scares me, Lieutenant," tiim-bagang na saad ni Justine.

"We both know that that's the nature of our job."

"Yes, I know. And I'm scared if it will happened again. I don't want to. At ayaw ko ring palampasin ang pagkakataong 'to."

I remained silent. Hinayaan ko si Justine sa kung anuman ang gustong sabihin nito sa akin.

"I like you so much, Lieutenant... And I will court you."

----

GorgeousYooo 🍀