webnovel

Aviator's Series#02: Soul Of An Airplane

Delaney Adair Monroeville has a broken family. Her mother left them and go to the man who also had a family. Her hate for her mother will motivate her to pursue her dreams. Even if it takes all her courage to do it.

LeVineDiaz · Teen
Not enough ratings
23 Chs

Kabanata 10

Kabanata 10

Warning

Pagod ang katawan kong ibinagsak ito sa kama. At mariin na ipinikit ang mga mata. Kakatapos lang ng duty namin at hindi pa nga ako nakakapagtanggal ng combat boots ko. Tanging ang uniporming jacket pa lang ang tinanggal ko at iniwan lang ang army shirt ko kanina nang papasok na ako sa suit na tutuluyan ko.

It was the building of DIA kung saan tumutuloy rin ang mga crews ng airline, at pati na rin kami. The airline provides us a place to stay, kaya hindi na kami sa hotel.

Biglang pumasok sa isip ko si Santi at ang pagnguso nito kanina kaya agad kong dinilat ang mga mata ko at pinilig ang ulo.

Napabuga ako ng hangin bago bumangon sa kama at dumiritso sa bathroom para maligo. Ang maligamgam na tubig sa bathtub ay halos magpapikit sa mga mata ko dahil sa sarap nito sa pakiramdam. It relaxes every viens of my body.

I let myself in the water for more than 30 minutes. Kaya nang matapos akong magbihis ng isang tight ripped jeans at puting v-neck t-shirt at nagsuot ng sapatos, ay siya namang pagkatok ni Talia sa pintuan ko.

"Ang tagal mo, nagmamaktol na si Justine doon." I shrugged and closed the door behind me at naunang naglakad.

Panay ang talak ni Talia sa likod ko at napailing nalang ako.

"Alam mo bang nandoon na rin si Captain Santi, at sa table na naman Nina Alessia naki-upo. Eh pwede namang sa mesa natin." Napa-ismid pa ito nang sinipat ko.

"He can sit wherever he wants, Talia."

"Tsk! Pero seryoso? Doon talaga sa siya kina Alessia? Eh halatang masyadong pabebe naman iyon pag nasa mesa nila si Captain Santi."

"Then why don't you invite him?" medyo naiirita kong saad. Ngumuso ito bago nagsalita ulit.

"Eh! Halata naman na ikaw ang type noon, Lieutenant!" Mas umismid ako dahil sa narinig. Ano naman ang basehan nito?

"Tsk! How can you say that?" Taas-kilay ko.

"The way he looked at you, Lieutenant." Talia grinned na ikina-iling ko.

"Hindi nagba-base sa paraan nang pagtingin iyon, Talia."

"Nah uh... I'll bet my ass to that, Lieutenant." Nginiwian ko pa ito at hindi na pinansin.

Pagpasok pa lang sa restaurant na kinainan namin kanina ay agad na dumapo ang mga mata ng mga customers sa gawi namin. May ibang mga piloto at mga crews na rin na nandoon. Nakita ko ang mga ito kanina habang nagche-check ako ng eroplano.

Namataan ko ang paglingon ni Santi sa amin at ang pag-ismid ni Alessia. Pero agad akong nag-iwas nang tingin at seryosong naglakad palapit sa mesa, Kung daan naka-upo sina Adonis, Justine at Alaister.

"I'm hungry." Reklamo kaagad ni Justine ang narinig ko.

"Why don't you eat? Dinala ba namin ni Lieutenant Delaney ang pagkain?" sabay irap ni Talia. Suminghap ako at napailing nalang sa bangayan ng dalawa.

Ilang sandali lang ay dumating na rin ang pagkain namin. Tahimik kaming kumain. Umiinum na kami ng wine nang magsalita si Justine.

"I already sent the report to Major Eliazar. So far, sa unang araw natin dito ay wala pa naman tayong napapansing kahina-hinala. And we're doing our best for this, kaya nagpasalamat si Major sa atin." I nodded, ganoon din ang mga nasa mesa.

"Gaano kaya tayo katagal dito?" Si Alaister iyon habang sumisimsim ng wine sa wine glass nito. I shrugged, dahil hindi ko rin naman Alam. Naghihintay lang din kami sa utos ni Major Eliazar.

Bahagya akong nag-angat nang tingin at agad na sumalubong sa paningin ko ang seryosong titig ni Santi sa akin. I arched my brows na ikina-tiim ng bagang nito.

Kanya-kanya ang pag-akyat namin sa kanya-kanyang kwarto. Ipinilig ko ang ulo ko pakaliwa't kanan at bahagyang pinikit ang mga mata habang naglalakad papasok sa elevator. Agad ko itong pinindot at pumasok nang bumukad ito at nakitang walang tao sa loob. Humilig ako sa gilid nang papasara na ito, pero agad napatayo nang tuwid nang dahil sa pagbukas ulit ng elevator at pumasok si Santi na seryoso ang mga matang dumapo sa akin.

He's wearing a V-neck balck t-shirt kaya lumilitaw ang pagiging maputi nito dahil sa suot. Ang mamahalin nitong relo ay agad na mapapansin sa kamay nito. Bumabakat rin sa suot nito ang braso, at hindi ko maipagkakailang maganda iyong tingnan sa kanya.

Tumayo ito sa tabi ko, sa laki ng elevator ay kaunti lang ang distansyang pinamagitan nito sa amin. Napalunok ako nang mapagmasdan ang perpekto nitong panga. Ang matangos na ilong nito ay nagsusumigaw ng dugong banyaga.

Napakurap ako nang lumunok ito at mahinang nagmura.

"Quit staring, Lieutenant, I'm having a hard time." Sa napapaos nitong boses. Hindi ko man lang nakuha ang ibig nitong sabihin kaya napatitig ulit ako.

Sh*t! Nakakabobo naman ang lalaking ito!

"I'm warning you, Lieutenant. I don't have enough control to myself if you keep on staring at me. I might kiss you. Right here, right now."

Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa seryoso nang boses nito. Pero mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang bigla itong lumapit sa akin at bahagyang yumuko. At ilang pulgada nalang layo ng labi nito sa labi ko. Nararamdaman ko na rin ang hininga nito dahil sa sobrang lapit.

----

GorgeousYooo 🍀