webnovel

Aviator's Series#02: Soul Of An Airplane

Delaney Adair Monroeville has a broken family. Her mother left them and go to the man who also had a family. Her hate for her mother will motivate her to pursue her dreams. Even if it takes all her courage to do it.

LeVineDiaz · Teen
Not enough ratings
23 Chs

Kabanata 09

Kabanata 09

Too Common

"Cadets, may I sit here?" Sa matigas na Ingles na tanong ni Santi.

Talia twisted her lips matapos marinig ang mahinhin na tawa ni Alessia dahil sa tanong na iyon ni Santi.

"Sure, Captain, our pleasure," sa mas malanding sagot nito. Napa-irap ako sa isipan bago pinagpatuloy ang pagkain.

"Thanks...." maikling sagot pero nagpatili parin iyon kina Aviona at Joelle.

"Psh! Pwede naman siya dito maki-upo." Reklamo ni Talia at agad na ini-nguso ang bakanteng upuan sa tabi ko. Sinamaan ko ito nang tingin pero hindi ako pinansin.

They talked a lot at hindi pinapalampas ng tenga ko ang mga mahinhing hagikhik ni Alessia. It irritates me. Halata naman kasing playboy ito tapos pinapatulan pa talaga ng mga babae. Surely, he has fun of seeing girls flock over him without sweat.

Naisip ko kaagad ang nakita ko sa cockpit kanina. Bigla ay nawalan ako ng ganang kumain dahil sa naalala! Damn! Ang burara ng may-ari noon! Kung saan-saan nilalagay ang mga bagay na dapat ay nasa private place!

"Are you full, Lieutenant?" Nakangiwi si Talia habang bahagyang sinisipat ang nasa likuran ko.

"Uhuh..." tanging sagot ko nalang para hindi na ito nang-usisa pa.

"I'll order you a drink. What do you want?"

"Wine will do."

"On it, Lieutenant." Kaagad na kinawayan ni Justine ang waiter at sinabi ang gusto ko. Hindi pa man lumipas ang ilang minuto ay agad nang binigay sa akin ang wine na in-order ko.

"Thanks."

"Anything for my Lieutenant," sabay ngisi ni Justine na agad namang binara ni Talia.

"She isn't yours, Lieutenant Espacio."

Nakangiwi at naiiling nalang kaming hinyaang magbangayan ang dalawa. Tahimik lang na nakatitig si Alaister at Adonis na nasa harapan namin. I shrugged at nginisihan nalang ang dalawa. I smell something in this two.

Pagkatapos kumain ay sandali pa kaming nanatili doon bago bumalik ulit sa kanya-kanyang disignated area.

Naunang naglakad si Alaister at Aviona sa akin. Habang busy ako sa pagtutupi ng sleeves ng uniporme ko hanggang siko. Naiinitan ako at mas komportable ako pagtinutupi ko ang sleeves ng jacket ko.

Narinig ko ang mga yapak sa likuran ko pero hindi ko na inabala ang sarili para lingunin kung sino 'yon. Nang nasa tabi ko na si Santi ay halos mapapikit pa ako nang biglang manuot sa ilong ko ang mabangong amoy nito. Bahagya ko lang itong sinipat bago binalik ang atensiyon sa kaninang ginagawa.

"Is he your boyfriend, Lieutenant?" Ilang sandali bago ko nakuha kong sino ang tinutukoy nito. I tilted my head pero nanatili ang kamay ko sa pagtutupi na ngayon ay sa kanang braso na naman. Ngumuso ito kaya napatingin ako sa mapupulang labi nito bago napailing.

"Seems like you are interested about me." Tunog pang-aasar ko, pero agad na nagkibit-balikat ito.

"You're interesting."

Nasa paanan na kami ng eroplano nang sinabi iyon ni Santi. Umangat ang kaliwang kilay ko, nagtataray.

Nakatitig ako kay Santi na ilang dangkal lang ang layo mula sa akin. Makikita ang agwat ng tangkad namin dahil magkalapit kami. I am tall for a girl, but he's taller. He's towering over me. Hanggang baba niya lang ang eye level ko. He has a bristle face, that made him look orderness and accuracy. His blonde hair was in a clean-cut. His strong jaw is now more define while I stared at him. Hindi ko rin maiwasang di mapatitig sa kulay berdeng bote na mga mata nito. It's damn hypnotizing!

Mas bumaba ang mga mata ko at tinalunton ang katawan ni Santi. He has a well-built body, halatang alagang gym. I also have a well-built body because of the training, and even have a hard-earned abs. Halos lahat kaming mga babaeng Air Force at sundalo ay nagkaka-abs dahil sa training. At hindi maipagkakailang gusto ko ang katawan ko at kaya ko iyong ipagmalaki.

"You stared too much, Lieutenant."

Napakurap-kurap ako dahil sa pagkibot ng labi ni Santi. Parang naging hudyat iyon para bumalik ako sa huwisyo ko.

"How do you find me?" May naglalarong mga ngiti ito sa labi na ikina-ismid ko. Hindi ako nagsalita at inayos ang kwelyo ng uniporme ko. Nanatiling nakatitig si Santi sa akin habang ginagawa ko iyon.

"Not too hot to amaze me." Malapad akong ngumiti na ikina-awang ng labi nitong mapupula. Santi licks his lips before he pursed it, nagpipigil nang ngiti.

"But at least I made you stared at me." May kompyansa sa boses nito. I frowned and slowly shakes my head at him.

"Still, I am not amaze. Your face is too common for me."

Napa-awang ang labi ni Santi. Hindi makapaniwala sa sinabi ko. Gusto kong humagalpak nang tawa dahil sa hitsura nito pero pinipigilan ko ang sarili ko. I tried so hard to stop myself from smiling, kaya bahagya akong bumuntong hininga at senenyas ang eroplanong nasa kanang bahagi, katabi ng sa kanya.

"I'll go ahead," paalam ko at agad naglakad palayo. Narinig ko pa ang mahinang mura nito pero hindi ko na pinansin.

Agad akong sinalubong ng piloto ng eroplano at sinamahan sa pagche-check sa buong eroplano. Hindi ito kasing laki ng eroplanong pinapalipad ni Santi, pero halata parin na isa ito sa pinakamahal na eroplano.

Paglabas ko sa eroplano ay agad kong namataan si Santi na nakatayo sa may hagdan ng eroplano, may kausap na lalaking halos kasing tangkad at kasing laki lang din ng katawan. But he looks more playboy than this Santi man.

I shrugged my shoulder bago binalingan ang piloto ng eroplanong ito.

"Thank you, Lieutenant." I nodded at nagpaalam na dito tsaka diritsong naglakad pababa. Narinig ko pa Aeng hiyaw ng kasama ni Santi pero hindi ko na pinansin pa ang dalawa.

----

GorgeousYooo 🍀