webnovel

Aviator's Series#02: Soul Of An Airplane

Delaney Adair Monroeville has a broken family. Her mother left them and go to the man who also had a family. Her hate for her mother will motivate her to pursue her dreams. Even if it takes all her courage to do it.

LeVineDiaz · Teen
Not enough ratings
23 Chs

Kabanata 06

Kabanata 06

Mission

"Lieutenant, pinapatawag po kayo ni Major Eliazar. Kasama sina Lieutenants at Lieutenant Madrigal," si Cadet Sanchez.

Isang araw iyon nang matapos kaming mag boxing sparring ni Lieutenant Esperanza, at nagpapahinga nalang. Agad akong nag-ayos sa sarili bago sumunod kay Cadet Sanchez papunta sa opisina ni Major Eliazar.

Pagpasok namin ay nasa loob na sina Cadet Del Rosario at Cadet Valdez na prenteng nakaupo sa sofa. I salute at Major Eliazar bago naupo rin sa pandalawahang sofa. Hindi pa man nag-iinit ang pwet ko ay pumasok na si Lieutenant Espacio kasunod si Talia, na agad ngumiti nang makita ako.

Katulad ko ay sumaludo muna ang dalawa bago dumiritso sa tabi ko si Lieutenant Espacio. Napaingos nalang ako dahil sa pagtabi nito.

"Nandito na ba lahat?" agad na tanong ni Major Eliazar.

"Major, wala pa si Lieutenant Esperanza at Lieutenant Lustre," si Cadet Sanchez ang sumagot noon, pero agad namang bumukas ang pintuan at sunod-sunod na pumasok sina Alaister at Lieutenant Esperanza at sumaludo. Kunot ang noo habang pinagmamasdan ang seryosong mukha ni Alaistair.

Pagkaupo ng dalawa ay agad na binuksan ni Major Eliazar ang laptop na nakakonekta sa projector. Pinakita doon ang isa sa mga sikat na airline sa buong Asya, ang Duke's International Airline.

"Siguro naman ay alam niyo na kung saan ang airline na ito," tukoy ni Major Eliazar sa airline, kaya tumango kami bilang sagot.

"Nakatanggap nang report ang militar na may banta ng terorismo sa Duke's International Airline. Kayo ang aatasan ko para mag-conduct nang check point sa airport. Liuetinant Monroeville," tawag pansin ni Major Eliazar sa akin, kaya umupo ako nang tuwid.

"You are the who aviate the military chopper na gagamitin niyo papunta sa DIA. And you, Lieutenant Espacio, will be the in charge of this team," sabay turo nito sa katabi ko.

"Siguraduhin niyo ang seguridad ng mga pasahero, kaya echeck niyo ng mabuti ang mga eroplano na babiyahe. Maghanda na kayo, because tomorrow 06:00 Zulu Time ang alis niyo. Is that clear?"

"Sir, yes, Sir," sabay-sabay na sagot namin.

"Okay, dismissed."

"Thank you, Sir."

Pagkalabas ay agad na lumapit sa akin si Talia at malaki ang ngiting nakapaskil sa labi nito.

"What?" walang gana kong tanong.

"Maraming gwapong piloto sa DIA, Lieutenant," sabay hagikhik nito.

"Tss! Hindi na kailangan ni Lieutenant Monroeville ng karagdagang gwapo, Lieutenant Madrigal. I'm enough."

Agad na nginiwian ni Talia si Lieutenant Espacio sa sinabi nito.

"Mas gwapo pa sayo, Lieutenant," balik saad ni Talia.

"I'm more than enough for her, Lieutenant Madrigal."

"Oh? Sino nagsabi? Ikaw? Tsk! Ayaw ni Lieutenant Monroeville ng sundalo, Lieutenant, lalo na pag laging kasama niya sa mission. Kasi nakakasawa yung ganoon. Mas maganda yung piloto, kasi bukod sa minsan lang silang magkita, mas nakakamis yung ganoon."

Napangiwi ako dahil sa sinabi ni Talia. Pero Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan na ang dalawang magbangayan.

"Tss! Hindi niya naman sinabi yon!" kontra ulit ni Lieutenant Espacio.

"Saka, self-proclaimed ka na gwapo, Lieutenant."

"Gwapo naman talaga ako ah."

"Ang tunay na gwapo, Lieutenant, hindi pinagyayabang," banat ni Talia sabay tawa ng malakas.

"Hindi ako nagyayabang, sinasabi ko lang ang totoo."

Napailing nalang ako at mas binilisan pa ang paglalakad at hinayaang maiwan ang dalawa na patuloy parin sa pagbabangayan.

Agad kong inayos ang mga gamit sa luggage pagdating ko sa quarter. Mabuti nalang at hindi ko pa nailalabas ang ibang gamit ko, kaya kaunti lang ang aayusin ko. Pagkatapos kong iyong gawin ay agad kong tinawagan si Tita Metchelle para sabihing matatagalan ako ng balik dahil maa-assign ako sa DIA. Kinumusta ko rin si Daddy, at mabuti naman at nakakapaglakad na ito.

I sighed after turning off the call. Naalala ko na isa ang DIA sa pinangarap ni Mommy na pagtrabahoan. This is a big airline at ang kambal nitong airline, ang Queen's International Airline. Kahit na ilang beses nang may nababalitang plane frashed mula sa QIA, isa pa rin ito sa pinakatanyag na airline sa Asya. No wonder kung bakit may pagbabanta mg terorismo sa mga airline na ito.

Mapait ang ngiting gumuhit sa labi ko dahil sa naalala. She isn't worth to remember. Dahil alam kong hindi naman kami nito naaalala.

Kinabukasan, alas singko y medya pa lang ay kompleto na kami at nakahanda na rin sa pag alis. Talia and Alaister are excited for this mission. Kay Talia, alam ko ang rason kung bakit ito excited, kay Alaister ang hindi ko alam. Pero dahil ito ang unang mission na magkakasama kami, ay siguradong hindi ako mababagot sa misyong ito.

Sinipat ko si Alessia na nakataas ang maayos na pagkaka-ahit ng kilay, kausap nito sina Aviona at Evin. Nang napagawi ang tingin nito sa akin ay mas tinaasan ako ng kilay. Napailing nalang ako at hindi na ito pinansin pa.

"This is Second Lieutenant Delaney Adair Monroeville speaking. Prepare yourselves, let's kick the tires and light the fires," seryoso kong anunsiyo bago minaniubra ang chopper para magtakeoff.

-----

GorgeousYooo 🍀 💜